Para mas makarelate kayo, sabayan niyo ng kanta ni Yeng Constantino.
Sabrina's POV
Isang oras na akong nakaupo sa isang bench malapit sa isang puno dito sa park na paborito naming tambayan ni Rex, ang pinakamamahal kong boyfriend. Sinabi niya kasi sa akin na magkikita daw kami dito dahil may importante siyang sasabihin sa akin.
Five months na kaming mag-on ni Rex. Actually bestfriend ko siya and it turns out na naging boyfriend ko na siya ngayon. Naging magkaklase kami simula noong highschool pa kami. Siya yung shy type na lalaki na bihira mo lang marinig magsalita, just like me. Nalaman ko na magaling pala siya maglaro ng chess noong highschool kami kaya hindi ako nahirapan na makipagkaibigan sa kanya. Naging past time namin yun at naging mas close kami hanggang sa humantong sa mag-best friends. Simula nun ay kinilala na namin ang isa't-isa.
Nagkaroon siya ng gf noon pero niloko siya. Sinaktan at iniwan siya ng bruhildang iyon , pinagpalit sa isang lalaking mas mayaman at mas sikat. Bilang isang kaibigan, hindi ko maipagkakaila na nasaktan din ako sa sinapit ng bestfriend ko. Dinamayan ko siya at pinalakas ko ang loob niya para makamove on. Hanggang sa hindi namin namamalayan na nainlove na pala kami sa isa't-isa.
Nanligaw siya sa akin. Umabot ng 3 buwan ang ligawan tapos hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa na ibigay ang matamis kong OO.
Sa isang relasyon, hindi maiiwasan na makaencounter ng mga pagsubok. Kamakailan lang kasi hindi na siya nagpaparamdam sa akin. Hindi siya nagtitext o tumawag man lang. Kahit hi lang sana.
Hindi na rin siya pumapasok sa klase, mga isang linggo na rin siguro. Ilang beses ko na rin siyang pinuntahan sa bahay nila pero palaging wala siya doon sabi ng mama niya. Pagchinecheck ko naman ang fb account niya, palaging naka-offline hindi tulad dati. Dati kasi palagi siyang nakaonline para i-upload lahat ng pictures namin.
Ibang-iba ang Rex ko ngayon. Kaya nang malaman ko na gusto niya akong makita ay dali-dali akong nagbihis at lumiban sa klase ko.
Ano ba yan ang daldal ko. Maya-maya pa ay dumating na si Rex. Mabilis siyang naglakad patungo sa direksiyon ko. Ngumiti ako sa kanya pero hindi niya ako ginantihan ng ngiti. Balak ko pa sana siyang tanungin kung bakit siya natagalan kaso naunahan niya ako.
"Sabrina, break na tayo." Seryosong sabi niya. Natulala naman ako dahil sa sinabi niya. Panaginip ba ito? Isang bangungot? "Hindi na kita mahal." Napakagat na lang ako sa labi ko para maiwasang umiyak. Si Rex ba ito?
" Y-you are just kidding r-right?" nanginginig na pagkabigkas ko. Huminga naman siya nang malalim.
" Sabrina, I'm sorry." Tuluyan ng bumagsak ang kanina pang pinipigilan kong mga luha. "I'm sorry" pag-ulit niya pero umiling lang ako. Ayokong paniwalaan ang mga sinasabi niya.
"Rex, minahal mo ba talaga ako o ako lang tong nag-iilusyon na minahal mo?" Natahimik siya at yumuko. "Kasi kung hindi, masakit dito. Sobrang sakit." Tinuro ko ang puso kong tanga, kasabay nito ang pagtulo ng mga letseng luha ko. Hinawakan ng kaniyang dalawang kamay ang aking balikat at tumingin sa aking mga mata nang diretso. Medyo maluha-luha na rin ang kanyang mga mata, anumang oras ay tutulo na ang kanyang mga luha.
BINABASA MO ANG
Jeepney Love Story
Teen FictionTungkol sa isang pagmamahalan na nagsimula sa jeepney.