Sabrina's POV
Makalipas ang dalawang linggo
Napakasweet talaga ni Ashton. Lahat ng ginagawa niya, na-aapreciate ko. Palagi niya akong pinupuntahan sa school namin. Tapos sabay kaming sumasakay ng jeep. Bago kami umuwi sa bahay ay kumakain muna kami ng kwek kwek habang kinukwento niya sa akin ang lahat ng pinagdaanan niya para lang ma-stalk ako noon. Akalain mo, ako ang kauna-unahang babae na niligawan niya. Siyempre, hindi naman ako yung tipo ng babae na nagpapa-asa.
Humahanap lang ako ng tiyempo.
Kailangan kong magpamedical ngayon dahil requirement yun sa pagkuha ko ng US visa. Hindi raw ako maihahatid ngayon ni Ashton kasi may pasok pa siya.
Sumakay na ako ng jeep papunta sa Divine Word Hospital. Nang makarating na ako ay dali-dali na akong pumasok para madaling matapos. Habang naglalakad ako sa hallway ay may napansin akong kakaiba.
Rex Almante room 21
Pangalan na nakakabit sa labas ng isang private na silid. Napalunok nalang ako nang mabasa ko yun. Di kaya'y kapangalan niya lang iyon?
" Sir, bumalik na po kayo sa kwarto niyo. Bawal po kayong lumabas ng kwarto" sabi ng nurse sa isang lalaking sobrang payat at nakalbo na. Bigla nalang tumulo ang aking mga luha nang makita ko siya. Si Rex.
Kahit nag-iba na yung katawan niya. Kahit sa isang ihip lang nang hangin ay matatangay na siya sa sobrang kapayatan niya. Alam na alam ko pa rin na siya yun. Dahil sa mga mata niya. Para siyang nakakita nang multo nang masilayan ako.
"Anong ginagawa mo rito?" galit na tanong niya sa akin.
" Kaya ba hiniwalayan mo ako dahil may sakit ka?" hindi ko alam kung bakit ko yun sinabi. Yumuko lang siya." Sumagot ka." Sigaw ko sa kanya.
"hindi mo na kailangang malaman yun. Total masaya ka naman kasama ang lalaking yun hindi ba?" alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Si Ashton. Paano niya nalaman?
" Ba't hindi mo sinabi Rex? Pambihira, para namang wala tayong pinagsamahan eh. Sana sinabi mo yun sa akin. Hindi bilang kasintahan mo. Kundi bilang kaibigan mo. Anong klaseng kaibigan ka? natahimik naman sya.

BINABASA MO ANG
Jeepney Love Story
Fiksi RemajaTungkol sa isang pagmamahalan na nagsimula sa jeepney.