2 days after
Ang bilis lumipas ng araw. Hindi ko namalayan na unti-unti ko nang nakakalimutan ang mga masasakit na pinagdaanan ko sa buhay ko. Siguro dahil maraming bagay pa ang dapat kong pagtuunan ng pansin tulad ng projects, exams at kung paano nalaman ni Mr. Stranger I mean Ashton ang pangalan ko.
Hindi ko na rin nakikita si Rex sa university kaya naging mas madali na sa akin ang magmove on pero di pa totally. Ang hirap kaya magmove on. Kung pwede lang sana pagkagising ko makakalimutan ko na kaagad siya. Kung pwede lang sana.
Ano ba yan, Sabrina. Focus muna nagdidiscuss pa si Maam.
" okay class, see you tomorrow." Sabi ng guro namin sa Psychology. Hindi ko na namalayan na uwian na pala. Ang daming pumapasok sa isipan ko ngayon. And it keeps on bothering me.
Niligpit ko na ang mga gamit ko. Ilalagay ko na sana ang libro ko sa loob ng bag kaso may napansin akong something sa loob ng bag ko. Panyo. Kinuha ko yun at napangiti ako.
".......... sa'yo na yan kung hindi na tayo magkikita muli pero pagnakita ulit tayo, ibigay mo nalang sa akin"
Naalala ko na naman ang sinabi ni Ashton. Magkikita pa kaya kami? Sana oo. Gusto ko siyang pasalamatan at i-libre.
Lumabas na ako sa room at naglakad na palabas. Biyernes ngayon kaya ma-traffic. Lumakad na ako papunta sa kanto para madaling makapara ng jeep.
"Para!" sigaw ko sa jeep na dumaan kaso palaging puno. Kanina pa ako nababadtrip. Dati dalawang minuto lang akong naghihintay sa kanto kasama si Rex. Erase. Erase. Erase. Hanggat maaari, hindi ako nag-iisip ng mga bagay na makapagpapaalala sa kanya. Nabasa ko kasi sa internet na mas madaling kalimutan ang ex mo kapag ganun.
Chinecheck ko ang wrist watch from time to time. Medyo madilim na ang paligid kaya kinakabahan na ako. Bali-balita kasi sa school namin na uso ang nakawan ngayon.
Napahinga nalang ako nang maluwag ng may matanaw na akong jeep palapit sa kanto na kinaroroonan ko.
Sumakay na ako at pumwesto sa pinakahuling bahagi ng upuan. Kagaya ng sinabi ko, sobrang dami ng pasahero ngayon. Halos 3 lang ang bakanteng pwesto ng jeep. Huminto ang sinasakyan ko sa tapat ng isang university.
Kakaunti lang panigurado ang sasakay dito. Mayayaman lang kasi ang nakakapag-aaral dyan, karamihan sa mga estudyante diyan ay may sariling mamahaling sasakyan.
Clarkson's University.
Paaralan ko dati. Namin ni Rex.
Kung hindi lang sana umalis si Daddy ng bansa, diyan pa sana ako nag-aaral ngayon. Past is past kaya kalimutan na. Ang mahalaga ay nag-aaral pa ako ngayon. TAMA YAN Sabrina. THINK POSITIVE.
BINABASA MO ANG
Jeepney Love Story
Teen FictionTungkol sa isang pagmamahalan na nagsimula sa jeepney.