Chapter 3

30 5 2
                                    



Ashton's POV





Sobrang saya ko ngayon. After 3 years napansin na rin niya ako. Napansin na rin ako ni Sabrina. Tama ang narinig niyo. Matagal ko ng crush si Sabrina. The truth is that magkaklase kami noong highschool kami. Sa Clarkson's University. Hindi pa masyadong ma-appeal ang itsura ko non at kahit sinong babaeng tatanungin niyo ay nandidiri sa akin. Baduy akong manuot, kulot ang buhok ko, suot ko pa palagi ang naglalakihang eyeglasses ko, at hindi nauubusan ng suplay ng tigyawat ang mukha ko. Ganon ako kapanget.






Ilang beses ko ng sinubukang magpakilala sa kanya kaso inuunahan ako ng kaba. Hindi siya masyadong nagsasalita dahil mahiyain siya. Isang araw nalaman ko nalang na naging magkaibigan sila ni Rex, isa sa mga pinakamagaling na chess player sa school namin. I got jealous. Mabuti pa si Rex naging malapit na kay Sabrina.




Sa di malamang dahilan ay lumipat ng school sina Rex at Sabrina. Ako naman ay naiwan sa Clarkson's University. Simula noon ay binago ko na ang nakaugalian kong fashion. I also consult a dermatologist para pakinisin ang mukha ko. Lahat ng mga babaeng noo'y nandidiri sa akin, ngayo'y nagkakandarapa na sa akin. I became a SUPERSTAR sa school namin.





Nang tinanong ako ni Sabrina kanina kung nagkaroon ba ako ng gf. Nagsinungaling ako. Ang totoo niyan ay NGSB ako dahil siya lang ang laman ng puso ko hanggang ngayon. Many girls tried to flirt on me pero lahat sila ay nireject ko. Ganyan ako kagwapo.



After 2 years, nalaman ko na naging sila na ni Rex. Sa una ayaw kong paniwalaan ang lahat ng nalaman ko. At para maconfirm ko ang isyung yun, nag-espiya ako sa kanilang dalawa. Pumupunta ako sa school nila at nakikita ko silang dalawang magkasama. Hindi ko maiwasang masaktan. Sino ba ang hindi masasaktan na makita ang babaeng mahal mo na nakahawak sa kamay ng ibang lalaki.



Sumasakay na rin ako sa jeep na palagi nilang sinasakyan. Dahil nag-iba na ang mukha ko, hindi nila ako kaagad na nakilala. Palagi lang akong nakaupo sa pinakasulok na bahagi ng jeep habang pinagmamasdan silang masayang nag-uusap at nagtatawanan. Para akong tanga, umaasa ako sa wala.



Nalaman ko nalang na nagkakalabuan sila ni Rex. Imbes na makaramdam ako ng kasiyahan, kalungkutan ang bumabalot sa akin. Nasasaktan akong nakikita siyang malungkot na nakasakay sa jeep. Tahimik at walang imik. Gusto ko siyang yakapin at tanungin kung ano ang problema pero pinangungunahan ako ng pagkatorpe.



Isang araw, nakita ko si Sabrina na nakaupo sa bench na palagi nilang tinatambayan ni Rex. Halos isang oras na syang naghihintay doon. Galit ako sa thought na dapat hindi pinaghihintay ang babae. Mayamaya pa ay dumating na si Rex. Medyo maputla siya. May sakit kaya siya?

Jeepney Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon