Chapter 4

22 5 1
                                    



Rex's POV





Masaya siya ngayon kasama ang isang lalaki habang ako naman ay nalulungkot. Ako ang nakipaghiwalay pero ako ang nasasaktan. Hiniwalayan ko siya pero sunod ako nang sunod sa kanya. Paano kaya kung malaman niya ang totoong dahilan ko, may magbabago pa kaya? Ano ba Rex, umayos ka nga. Natapos mo na ang plano mo, tapos balak mo na namang sirain yun.





Gago ako. Sobrang gago. Bakit sa daming tao dito sa mundo bakit ako pa ang nagkaroon ng sakit? Bakit kailangan ko pang hiwalayan ang taong pinakamamahal ko? Bakit kailangan ko pang magsasakripisyo?




Flashback




Plano naming magkita ngayon ni Sabrina sa paboritong tambayan namin. Dala ko ang chess board na regalo niya last monthsary namin. Magpapaalam na sana ako kay mama kaso napahawak nalang ako sa ulo ko. Sobrang sakit, parang sasabog. Kasabay nito ang pagpatak ng mga dugo mula sa aking ilong patungo sa polo ko. Agad na lumapit si mama nang sumigaw ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.




" Anak, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni mama sa akin.



Letseng ilong na ito, palagi na lang dumudugo. Kamakailan lang ay napapadalas na ang pagdudugo nito. Dati isang beses lang sa isang araw pero ngayon halos tatlong beses na at sumasakit na ang ulo ko. Noon, sabi ni mama na baka daw sa init ng panahon ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, kaya ipinagwalang bahala ko nalang yun.



"Rex, ano to?" sabay turo ni mama sa kaliwang braso ko. Lumaki naman ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang mga pasa sa bandang braso ko. Saan ko ba nakuha ang mga pasang ito? "Masakit ba to, nak?" agad namang hinawakan yun ni mama pero wala man lang akong naramdamang sakit. Bigla na akong kinabahan. May sakit kaya ako?



"Anak pumunta tayo sa hospital ngayon. Ipapatingin kita sa doktor." Alalang pagkakasabi ni mama.



"Paano si Sabrina?" tanong ko sa kanya.



"Uunahin mo pa ba ang babaeng yun bago ang sarili mo? Minsan maging selfish ka naman." Galit na sabi ni mama. Tutol siya sa relasyon namin ni Sabrina. Akala niya kasi si Sabrina ang dahilan kung bakit nagkahiwalay kami ni Janice. Gusto ni mama si Janice ang para sa akin dahil mayaman sila kagaya namin at kumare ni mama ang mom ni Janice." I-text mo nalang siya na sa susunod na kayo magkita. Dalian mo at magbihis ka na."

Jeepney Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon