Chapter 1 : The accident

9 0 1
                                    

Kalagitnaan ng Gabi, gumagawa kami ni Mark (bestfriend ko) ng report para sa subject namin bukas.

Mark Angeles is my childhood best friend, kaklase ko din sya since elem. Kaya sobrang close kami, and that's the reason why kami yung magkatulong sa thesis namin.

Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan.

Kung ano ano pumapasok sa isip ko.

Paano kung....

"Sam! Okay ka lang?"

Napatingin ako sad direksyon ng pumalo sakin, si Mark.

Tumango lang ako.

Hindi ko talaga alam kung ano yung bumabagabag sa isip ko.

Tumunog ang phone ko.

*mom is calling*
me: yes mom? Anong oras na ah. Guma...

hindi pa ko tapos magsalita at nagsalita na si mommy.

Mom: Sam!! You need to go here...

Ramdam kong may nangyari ng hindi maganda.

Me: Saan?

Mom: dito, sa Hospital ng ninong mo.

Pinatay ko na ang phone. Hindi ko na pinatapos si mommy sa pagsasalita. Ayoko ng tanungin pa kung among mangyari, ayokong ma-tense. Tumingin sakin si Mark na tila nagtataka.

"Anong nangyari?" tanong nya.

"Kailangan nating umalis. Bilisan mo. Ligpitin mo na yan." tumayo na ako.

"San tayo pupunta?"

"Basta, tara na. Iwan mo nalang yan dyan."

I quickly ran to my car.

"Teka ano bang nangyayari Sam?" tanong nya.

"Hindi ko rin alam, pero kailangan nating pumunta sa hospital ni ninong ngayon. As in ngayon na. Wag ka na magtanong."

I started to drive my car. Halos lumipad na kami sa tulin ng pagmamaneho ko. Kinakabahan na ako. Nung nakita kong may checkpoint, medyo binagalan ko yung takbo ko.

"Good evening Ma'am." greet nung pulis.

"Good evening din po."

"Lisensya po?"

Binigay ko na kaagad yung lisensya ko para makaalis na kagad. Binalik naman nya kagad.

"Sa susunod po dahan dahan lang ang pagmamaneho ha." sabi nung pulis.

"Opo sir, pasensya na. May emergency. Salamat po."

Pinatakbo ko na yung sasakyan ng matulin. Andami ng pumapasok sa isip ko.

Ano ba talaga ang nangyayari?

Hindi ko talaga alam. Nate-tense lang ako.

Ginarahe ko na yung sasakyan ko at bumaba na kami ni Mark, tumakbo kami kaagad sa may entrance pero hinarang ako ng guard.

Hindi ko na sya pinagsalita pa.


"Ninong ko may ari neto." Dali dali kaming pumasok ni Mark sa loob.

Tinext ko si Mommy.

Me; Mom, I'm here. Where are you?

Mom: Room 145.

"Miss, san po ang room 145 dito?"

"4th floor Ma'am." sagot ng nurse.

"Okay salamat."

Tumakbo na kami papunta sa room na yon.

Nakita ko sila Mommy na umiiyak.

"Mom, why are you crying?" tanong ko.


Pero hindi sila sumagot nila kuya at daddy.


"Dad? Anong nangyayari? Sinong andito?" pero hindi padin sila makasagot dahil nahihirapan silang magsalita sa pagiyak.

Napansin kong wala si ate.


"Ma, where's ate?"


Saka sila tumingin sakin, at tumulo ang mga luha nila.

"Wala na syaaaa." sagot ni Mommy.


"Wala na ang ate mo, Sam."


Nanginginig ako. I can't move. Parang babagsak na ako. Unti unting pumatak yung mga luha ko.

"Anong nangyari?" tanong ko.

Hinahagod ni mark yung likod ko.

"Anong nangyare!!!" sumigaw na ako.

"Binaril sya. Di pa kilala kung sino." sabi ni Daddy.

Napatulala nalang ako sa mga narinig ko.


"No, this can't be happening. You're just kidding me right, Mom?"

Hindi sumagot sila Mommy at Daddy.


Tumingin ako kay Mark.

"Tell me Mark, they're just having a good time right?"


Pero yumuko lang sya.


"Nasan sya?" tanong ko.


"She's in morgue, Sam." si kuya na ang sumagot sa pagkakataong yon.


Pumunta na kaagad ako sa Morgue. Pagbukas ko ng pinto, nakita kong tinatakpan na si ate ng kumot.


Parang matutumba na ako.


"Hindi si ate to, Mark diba?"

Hindi sya sumasagot.

Pumatak muli ang mga luha ko.


"Ateeeeee!!" sigaw ko.

"Ate, anong nangyari sayo?! Sinong hayop ang gumawa sayo neto?" habang yakap yakap ko ang ate ko.


Hindi ko ma-take na ang ate ko ang nakikita ko sa higaang yon na walang buhay.


Magbabayad kung sino man ang gumawa nito sa ate ko.


————————————————

[A/N]: Magulo ba? Comment nalang kung di po masyado maintindihan ah. Ie-edit po natin.

My sister's murdererМесто, где живут истории. Откройте их для себя