Chapter 3

3 1 1
                                    

Lumipas ang 5 araw at ngayong araw na ito ang nakatakda sa paglibing kay ate.

Hindi ko alam kung pano ako uuwi sa bahay.

Hindi ko alam kung pano ako matutulog sa Gabi ng hindi sya nakaka-kwentuhan. Kung pano ako titira sa bahay ng wala na si ate.

Tulala lang ako ng mga panahon na yon. Pero may nagpukaw sa paningin ko.

May lalaking nakasilip malapit sa misa ng ate ko. Hindi ko sya kilala. Baka kaibigan ng ate ko?

Pero bakit hindi sya lumalapit?

"Bes, ano ba iniisip mo?" tanong ni Mark.

"Wala bes, may nakita kasi akong lalaking naka-tayo don sa may puno?" akmang itinuturo ko kay mark yung kinaparoroonan nung lalaki, pero biglang nawala.

Tuningin si mark sa tinuturo ko.

"Wala naman ah?" -mark

"Andon lang kanina e?" sagot ko.

"Baka naman kaklase lang ni ate Ally?"

Tumango lang ako. Siguro nga kaklase lang ni ate yon...

Inilagay ko nalang ang atensyon ko sa sinasabi ng pari.

"Tanggapin mo ang kanyang kaluluwa sa iyong kaharian.
Ikaw, Alison Smith, at Malaya ng makakapagpahinga habang buhay kasama ng ating Panginoon."

Bumubuhos muli ang mga luha ko. Binasbasan namin si ate at binigyan ng panalangin bago pa man ilibing.

"Rest in peace ate. Accept Jesus as your savior, para tanggapin ka nya sa kanyang kaharian. Alam kong andito ka pa, hinding hindi kita makakalimutan ate. Mahal na mahal kita."

Hindi ko na kaya.

Ang hirap. Unti unti ng ibinababa ang kabaong ni ate sa hukay. Ang sakit.

Kumain muna ang pamilya namin bago umuwi. Wala akong ganang kumain.

"Sam, kumain ka na." alok sakin ni Mommy.

"Wala akong gana."

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo." sabi ni Kuya.

"Mas mabuti yon para magkasama na kami ni ate." sabi ko.

"Wag na wag mong sasabihin yan!!" tinaasan ako ng boses ni mommy na syang kinagulat ko.


"I mean, tama na. Napakasakit mawalan ng isang anak." umiiyak nanaman si Mommy.


"Sorry Mommy." sabi ko.


My sister's murdererWhere stories live. Discover now