Step 4:

2 1 1
                                    

Do things on your own.

Nadelete mo na ba lahat ng nagpapaalala sayo sakanya?





Now do things on your own. Nasanay kang nandyan siya palagi. Naging dependent ka sakanya. Now try to be independent. Lahat ng nakasanayan mo gawin kasama siya katulad ng pagkain, panunuod ng sine, panunuod ng t.v, pamimili etc gawin mo lahat yun ng magisa. Oo mahirap. Sobrang hirap neto kasi syempre maalala mo siya. Na dati sabay kayo kumain, na dati lagi kayong nanunuod ng sine magkasama, na dati tumatambay siya sa bahay niyo at sabay kayo nanunuod ng t.v., na dati magkasama kayo mamili ng damit. Mahirap talaga pero dadating din yung panahon na masasanay ka na ulit magisa kasi in the first place hindi ka naman pinanganak na kasama siya.



Bago pa maging kayo eh magisa ka lang naman diba? Lahat naman ng ginawa niyo ng magkasama eh nagawa mo naman na yun ng magisa. Ngayon gawin mo ulit yun. Kahit baby steps lang. Hindi mo naman kailangan magmadali ang mahalaga kahit papano may development diba?


Kailangan mo na itatak sa utak mo na magisa ka na lang ulit wala na siya. Wag mo isipin na hindi mo kaya ng wala siya. Kaya mo sadyang ayaw mo lang. Hindi siya oxygen okay? Mahirap oo pero hindi imposible. Kung ang ibang tao nakaya magisa kaya mo din!


Kailangan mo lang talaga maging masaya sa kahit anong ginagawa mo.

Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon