Move On

2 0 2
                                    

Walang madaling step sa pagmomove on. Lahat mahirap pero sabi nga nila "No pain no gain"

Hindi nagmamatter kung ilang araw o linggo o buwan o taon ka makamove on hindi yan marathon na kailangan mo makipagpaunahan. Moving on takes time. So take your time. Wag ka magmadali kasi wala namang short cut sa pagmomove on lahat dumadaan sa process.


Ang pagmomove on ay hindi pagkalimot kasi hindi mo naman talaga makakalimutan yung ex mo unless magka amnesia ka. Ang pagmomove on ay ang pagtanggap na ang relationship niyo ay tapos na at parte na lang ng nakaraan. Ang pagmomove on ay process kung saan matutunan mo tanggapin na tapos yung storya niyo. Ang pagmomove on ay ginagawa para matutunan mo na ibalik yung dating sarili mo sa panahon na hindi mo pa siya minamahal ito yung kung saan matutunan mong umusad or pag move forward sa buhay mo na hindi na siya kasama hanggang sa mawala na yung pagmamahal mo para sakanya.



Para saken ang pagmomove on ay isang choice dahil makakamove on kung hindi mo pipiliin magmove on. Hindi panahon o oras ang magbubura sa pagmamahal mo para sa ex mo, ikaw ang gagawa nun.



Ang pagmomove on para saken ay para sa matatapang na tao. They are brave enough to face the truth that the relationship is over. They are brave enough to choose to be happy without that person and to let go.




In the end it's your choice kung magmomove on ka o hindi. Kung pipiliin mo ibulok ang sarili mo sa nakaaran o mas pipiliin mo maging masaya at harapin ang bukas ng wala siya..... :)

Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon