Chapter 1

5.1K 92 1
                                    

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng opisina ni Ms. Pam, ang HR ng Atsay Agency. Ngayon kasi ang deadline of submission ng mga requirements na kailangan para makapasok na ako sa trabaho.

"Good morning, Miss Pam!" Mataas ang energy ko ngayon dahil at long last magkakatrabaho na ako.

Umangat ang mukha nito mula sa pagbabasa ng mg dokumento ng iba pang aplikante ng Atsay Agency.

"Ms. Mago.. Akala ko hindi ka na interisado sa trabaho. I'm sorry but I have already gave your slot to other applicant na kompleto ang requirements." Malumanay ang boses na anunsiyo sa akin ni Ms. Pam. Pero parang pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil doon.

"Ms. Pam naman..Bakit naman binigay mo sa iba? Eh alam niyo naman pong nag-aasikaso ako ng requirements ko di ba?" Pagmamarakulyo ko rito. Unfair naman kasi ito. Bakit ganun?

"Kailangan na kasing umalis ni Mr. and Mrs. Nakamura papuntang Japan. Urgent yun at hindi na nila maaantay ang mga pending requirements mo. I'm sorry." Lumapit ito sa akin at hinawakan ang balikat ko. Sayang! Sayang talaga! Chance ko na sanang makapunta sa Japan. Bakit kasi antagal marelease ng passport ko? Napaupo nalang ako sa upuan na nakaharap kay Ms. Pam.

"But if you want, pwede kitang i-fill in sa isang client namin sa Dasmarinas Village Makati, housemaid din." Alok sa akin nito. Pero sayang talaga yung supposed to be na employer ko. Japan Japan na sana ang peg ko.

"Magkano po? Ilan sila? May benefits po ba?" Sunod-sunod ma tanong ko rito. Mabuti na yung nagkakalinawan kami.

"Anim na libo ang starting salary mo. Libre lahat. May medicare, SSS, Philhealth, Pag-ibig at iba pang benefits..Twice a month pwede kang mag-day off. Okay na ba sayo yun? Mag-asawa lang silang nakatira roon. Don't worry may kasama kang dalawa pang katulong doon." Paliwanag pa nito sa akin. Bagay talaga sa babaeng ito ang maging HR dahil anlakas maka-PR.

"Sige Ma'am.. Keri ko na yun.. Okay na sa akin ang mahalaga may trabaho na ako." Sumang-ayon na ako sa sinabi nito. Malaki na ang anim na libo para sa isang katulong. Yung kapit-bahay nga naming si Susan yung starting salary niya 3500 lang tapos once a month lang ang off. Nung minsang dumalawa ito sa kanila ay nangayat ito. Tipid daw kasi ang pagkain niya at solo lang siyang gumagawa ng gawaing bahay. Plus may bata pa siyang inaalagaan.

"Kung gayun, settled na tayo? Bukas na bukas ihahatid na kita kina Mr. and Mrs. Romualdez." Agad-agad talaga? This is it na talaga pansit!

"Thank you talaga, Ma'am." Kung hindi lang ako amoy araw siguro nayakap ko na si Ms. Pam sa sobrang galak. Feeling ko kasi maasim na ako dahil maghapon ako sa labas. Actually hulas na ang makapal na make-up na inapply ko kanina sa bahay.

"Ms. Mago, papirmahan mo muna itong kontrata. Pero basahin mo muna ang nakapaloob diyan tapos pag may tanong ka, don't hesitate to ask." Inabot nito sa akin ang tatlong pahina ng kontrata. Kahit naman hindi nito sabihin, babasahin ko pa rin talaga iyon. Baka mamaya maisahan nila ako.

"Kalahati talaga ang deduction sa unang sahod ko Ma'am?" Bulalas ko rito ng mabasa ko sa ikalawang pahina na may one time deduction sila for the processing fee. At kalahati iyon ng sahod ko. Feeling ko sobrang laki naman nung tatlong-libo. Hindi sa pagmamayabang guys pero matinik ako pagdating sa Math. Pero ang talagang pangarap ko ay maging fashion designer.

"Ano ka ba Ms. Mago, isang beses lang naman magdededuct sayo after that wala na at buong-buo na ang sahod mo." Paliwanag nito sa akin.

"Eh ano tong savings na nakalagay dito?" Alam ko nagiging mahadera na ako sa kakukwesyon sa nakalagay sa kontrata pero kailangan ko lang iklaro ang lahat. Wala namang masama sa nagtatanong di ba?

"Compulsory lang naman yan kung ayaw mo mag-savings dito sa agency pwede naman.. hindi ka namin pipilitin.." Yun naman pala e. Hehe!

"Ah ganun ba? Magbubukas nalang siguro ako ng savings account sa banko.."

"Alam mo kasi Ms. Mago pwede mong i-loan dito sa agency yang savings mo if ever na mangailangan ka. You can double it kung gusto mo. For example, kung may limang libo kang savings dito sa amin pwede mong i-loan yun sa amin ng sampung libo. At ang pwedeng umabot up to six months ang pagbabayad nun depende sa gusto mo." Napangisi ako sa narinig mula kay Ms. Pam. Akala ko ba hindi namimilit? Akala naman nila maiisahan nila ako. No way!

"Hindi na Ma'am..Okay na po!" Ibinalik ko ang kontrata kay Ms. Pam. Napanganga ito ng makita na may mga cross-out ang ibang talata sa kontrata.

"Ma'am Pam, penge ako ng photo copy niyang kontrata ko ha? Thanks!" By now siguro iniisip ng HR na ito na switik akong tao.

"Belen, may trabaho na ako!" Excited kong kwento rito at para kaming timang na magkahawak-kamay at nagtatalon sa tuwa.

"Ay wait, bawal kang tumalon kasi buntis ka." Naalala ko bigla na anim na buwan na palang buntis ang kaibigan ko. Dito ako nakikituloy pansamantala sa kanya habang inaasikaso ko ang mga requirements ko.

"Oo nga pala..So iiwan mo na ako?" Malungkot na sabi nito.

"Sus! Drama ni buntis..Dadalaw ako sa inyo ni baby pag day-off ko. Tapos bibilhan kita ng isang dosenang Mister Donut." Hinimas ko ang maumbok nitong tiyan.

"Basta ninang ka ni baby ha?! Remember na palaging open ang house ko para sayo." Mapalad talaga ako at nagkaroon ako ng kaibigan gaya niya. Niyakap ko si Belen. Mahirap lang din ito gaya ko pero mas mapalad ito sa akin dahil may mapagmahal itong mga magulang.

"Oo naman best, hindi ako papayag na hindi ako ninang no?! Siya uuwi muna ako sa bahay namin ngayon. Kailangan ko pa kasing ayusin ang mga gamit ko para bukas." Isinukbit ko na ang back pack sa aking likuran. Maaga pa naman pero kailangan kong magmadali para hindi ako maabutan ni Liza at Tiyo Samuel.

Inangat ko ang dulong bahagi ng maalikabok na doormat namin para kuhanin ang susi ng pinto. Sa ilalim kasi ng doormat ay nakatago ang susi ng bahay. Kaming dalawa lamang ni Liza ang nakakaalam niyon kung kaya nagtataka ako kung bakit wala ito doon.

Natampal ko ang aking nuo dahil sa naisip. Sinadya ni Liza na ilipat sa ibang taguan ang susi para hindi ako makapasok ng bahay.

"Umuwi na pala ang suwail kung anak! So kamusta? Napagtanto mo na bang hindi ka mabubuhay kung wala ako?" Nakaismid na sabi ni Liza sa akin kasunod ang mukhang aso nitong dyowa na si Samuel.

"Susi ng bahay ng Lola ko.." Inilahad ko sa kanya ang palad ko. Wala akong panahong makipagsagutan sa aking ina.

"Abat!" Singhal nito sa akin. Itinaas nito ang kanang kamay at nakaambang isasampal sa akin. Hindi ako natinag bagkus humarap pa ako rito para ilahad sa kanya ang pisngi ko.

"Love.. Hayaan mo na si Joy.." Malambing ang boses ni Samuel habang hinihimas ang balikat ng aking ina.

Tumalikod na ako at dumerecho sa nag-iisang kwarto ng bahay. Namasa ang gilid ng mga mata ko pero pinigil ko na tuluyang bumagsak ang mga luha sa mata ko. Hindi naman ganito si Liza sa akin dati. Kahit naman iritable siya sa presensya ko noon ay ramdam ko naman ang pagmamahal niya sa akin. Pero noong dumating si Samuel sa buhay niya ay nag-iba na ang lahat. Hindi ko na nga siya matawag na Mama tapos ngayon hindi ko na rin maramdaman ang pagiging ina niya.

The Joyful Contract (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon