Sampung beses ng paulit-ulit na binibilang ang pera ko sa wallet pero kulang talaga ito. Ngayon lang ako nawalan ng pera sa tanang buhay ko. Siyempre isa lang ang paghihinalaan ko kundi ang pinsan kong si Edna.
"Edna, kumuha ka ba ng pera sa wallet ko?" Hindi naman sa nagdadamot ako pero sana nagpaalam ito sa akin. Pinaghihirapan ko ang bawat sentimo ng perang iyon tapos kukupitin lang nito.
"Hindi ahh..Mas madami akong pera sayo Joy, fyi lang.." Patuloy ito sa pagne-nail file ng kuko sa papa nito. Sabagay tama naman ito sa sinabi nito. Madami nga itong pera dahil noong nakaraan ay ipinamili ako nito ng mga bagong damit. Level up na daw kasi ito, hindi na siya GRO kundi mistress na. Kabit ito ng isang matandang mayaman.
"Itanong mo sa nanay mo baka siya ang nanguha diyan..Magkano ba ang nawala?" Tumayo ito at inabot ang shoulder na nakasabit sa likod ng pintuan.
"One thousand five hundred.."
"Sus, one five lang naman pala e..O eto nang dalawang libo para hindi mo na ako pagbintangan." Isinuksok niya sa kamay ko ang dalawang libo.
"Hindi naman kita pinagbibintangan e, nagtatanong lang ako." Sabi ko rito at ibinalik ko rito ang pera.
"Alam mo ang arte arte mo! Pera na nga inaayawan mo pa! Hindi naman porke nagpuputa ako hindi na pwede isali diyan sa pera mo ang pera ko!" Singhal nito sa akin. Hindi ko naman intensyon na ganun ang isipin ni Edna.
"Edna, hindi..Hindi naman yun ang ibig kong sabihin.." Pilit kong kinakalma ang pinsan ko.
"Tangna niyo talaga! Pare-pareho kayong lahat! Porke't pinagputahan ko ang pera hindi niyo tatanggapin? Pinaghirapan ko rin yan gaya niyo!" Na-offend siguro ito dahil akala nito ay tinatanggihan ko ang pera nito. Hindi kasi tinatanggap ng mga magulang niya ang perang ibinibigay nito nuong malamang pokpok ang trabaho niya.
"Anong nangyayari dito Joy?" Hindi namin namalayan na dumating na pala si Liza. Galit ito at mukhang wala sa mood.
"Ano na naman ang drama mo Edna?! Tigilan mo na yan!" Singhal ni Liza kay Edna.
Nagpunas si Edna ng luha. "Yan anak mong bintangera pagsabihan mo ha?! Puta lang ako pero hindi ako magnanakaw!" Mabilis itong lumabas ng bahay hindi alintana ang nagkalat na mascara sa mukha nito.
"Ano yun, Joy?!" Nag-uusig ang tanong niya sa akin.
"Nagtanong lang naman ako sa kanya kung siya ang kumuha ng pera sa wallet ko. Wala naman akong masamang ibig sabihin dun.."
"Ako ang kumuha ng pera diyan.. Kinulang ako ng puhunan kaya nanghiram ako diyan sa pera mo. Bakit nagrereklamo ka ba?" Ilang buwan ng laging gipit si Liza pag dating sa pera. Halos ako na ang gumagastos sa bahay. Buti na lamang at si Edna ang nagbabayad ng bill ng kuryente at tubig namin.
"Sana sinabi mo nalang sa akin.." May bikig sa lalamunan na sagot ko kay Liza.
"Kung ayaw mong pinakikialaman ko ang pera mo. Lumayas ka sa pamamahay ko! Wala ka na ngang silbi sa akin ang damot mo pa!" Sigaw nito sa akin bago padabog na pumasok sa loob ng kwarto.
"Tumahan ka na diyan, Best..Pati ako naiistress sayo e. Hindi ka na nasanay diyan sa nanay mo." Pag-aalo sa akin ni Belen. Sa kanya ako pumunta matapos naming magsagutan ni Liza sa bahay.
"Sana nagsabi nalang siya na kailangan niya ang pera..Pwede ko namang ipagpaliban ang pag-enrol sa koliheyo." Nag-iipon ako ng pera para sa pag-aaral ko ng kolehiyo. Kahit naman matanda na ako ay nais ko pa rin na magkaroon ng diploma.
"Alam mo namang abnormal ang nanay mo. Hindi yun manghihingi sayo dahil mahihiya yun..Halos abandonahin ka nga di ba?"
"Anak niya ako Best..pero bakit ganun? Pinalalayas niya ako kanina.." Tanggap ko naman na hindi anak ang turing niya sa akin pero hindi ko matatanggap na gusto nitong mawala ako sa buhay niya.
"Huwag mo ng dibdibin yun Best, galit lang si Liza kaya niya nasabi yun.."
"Dati naman hindi siya ganyan pero bakit ngayon?" May problema marahil si Liza at hindi niya lang sinasabi iyon sa amin.
"Ma at pa.." Sagot ni Belen sa akin."Kung ikaw nga hindi mo maintindihan ang sarili mong ina, ako pa kaya?"
Napabuntong-hininga nalang ako sa sinabi ng aking kaibigan. Hanggang kailan kaya ganito ang nanay ko sa akin? Baka naman may apo na ako ganito pa rin ang pakikitungo niya sa akin.
"Best, bakit hindi ka nalang kaya mag-asawa para naman makaalis ka na sa poder ng nanay mo? Magkakaroon ka pa ng sarili mong pamilya.." Mag-sasuggest lang ang kaibigan ko wala pa sa hulog! Paano ako mag-aasawa e wala naman akong boyfriend. Hindi naman ako NBSB nagka-boyfriend na ako nung 14 years old kaso nalaman ni Nanay Meding kaya ayun nagbreak kami.
"Uy, nandito pala ang pinakamagandang babae sa paningin ko! Hi, beautiful!" Bati sa akin ng kuya ni Belen na si Darwin. Naka-all out smile ito sa akin kung kaya kitang-kita ang gilagid nito. At tsaka bakit parang naging polluted yata ang amoy ng bahay nina Belen?
"Kuya, maligo ka nga ambaho mo! Nakakahiya ka.." Itinulak nito ang kapatid papasok sa banyo.
"Sissy, pumuporma pa ako sa future sister-in-law mo!" Tungayaw nito mula sa loob ng banyo. Nilock kasi ito ni Belen mula sa labas.
"Tsaka na kuya kapag may alam ka na sa proper grooming. For now, pag-aralan mo munang magsepilyo at maligo."
Kung si Darwin lang din naman ang magiging asawa ko, huwag nalang! Masaya naman ako sa piling ni Liza. Kumbaga, nakakapagtiis pa naman.
"Uwi na ako Best.." Paalam ko kay Belen. Kailangan kong mag-sorry kay Liza. Ako ang anak kaya dapat ako ang nagpapakumbaba.
"Sige Best mag-iingat ka.."
"Salamat Best!"
Malayo palang ako ay narinig ko na ang malakas na halakhak ni Liza. Mukhang nagkakasiyahan silang dalawa ni Edna. Buti naman at good na ito.
"Gangang gabi, Liza, Edna.. May dala akong fried chicken." Bumili ako kanina ng isang buong fried chicken sa kanto para ulam namin ngayong gabi. Ngunit napalis ang ngiti ko ng makitang nag-iinuman ang mga ito. Pero ang nakakagulat ay nakakandong si Liza sa isang lalaki na mukhang bisugo. Totoo. May muscles lang ito pero mukhan itong bisugo.
"Uy andito ka na pala couz..Sorry kanina ha, na-carried away ang lola mo.." Tumango ako sa sinabi ni Edna.
"By the way Joy, meet Liza's new boyfriend, si Samuel!" Pakilala ni Edna sa lalaki sa akin.
"Samuel, si Joy nga pala.. Tiyo Samuel ang itatawag mo sa kanya." Hindi ko alam kung ngingiti ako o iiyak. Alam ko naman na karapatan ni Liza ang maging masaya. Pero bakit may kaba ang hatid nito sa akin?

BINABASA MO ANG
The Joyful Contract (COMPLETE)
General FictionSa sobrang drama ng buhay niya ay nagdesisyon si Joy magtrabaho sa ibang bansa. Sa kasamaang palad sa Makati lang pala ang bagsak niya. Hashtag, happy and contented na sana siya sa current job niya bilang maid with malaking pasahod and benefits. Per...