Chapter 2

3.5K 83 3
                                    

"Liza, aalis na ako.." Paalam ko sa aking ina. Tama! Liza lang talaga ang tawag ko sa sarili kong ina. First name basis kaming dalawa ng nanay ko. Ayaw niya kasing tinatawag ko siyang mama, nanay o mommy dahil bagets pa daw siya. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Kinse lang ito ng mabuntis ng boyfriend niyang manloloko, siyempre yung tatay ko iyon. Dayo lang daw ang tatay ko sa Tondo ng mga panahong yun. Palibhasa ay isang German shepherd ang lahi kung kaya maraming babae ang nahumaling dito at isama nyo na sa listahan ang nanay kung si Liza.

Ayon kay Nanay Meding, ang nanay ng nanay ko, ay mabait naman daw ang aking ama yun nga lang may asawa at anak pala itong naiwan sa Germany at lingid daw iyon sa kaalaman ni Liza. At nung malaman naman niya iyon ay nakabalik na ito sa bansa nila at buntis na siya sa akin.

"Sige..Mag-iingat ka." Anak.. O ayan ako na ang nagdugtong ng anak sa dulo. Never naman kasi niya akong tinawag na anak in my whole existence pero alam ko deep in her heart na mahal niya ako.

"Nagluto na ako ng ulam at kanin diyan..kain ka na..bye Liza! Mag-iingat ako para sayo." Kagigising lamang nito samantalang paalis na ako para maglako ng niluto kong bananaque. Nagtitinda kasi si Liza ng balot, chicharon, itlog pugo, kendi at sigarilyo sa labas ng bar sa Malate tuwing gabi. Umaga na itong nakakauwi at ala-una na ito ng hapon nagigising.

"Sige na umalis ka na at ng maubos na iyang paninda mo." Isinara na nito ang pinto ng bahay. Swerte talaga ako dahil kahit wala na si Nanay Meding na tumayo bilang nanay ko ng mahabang panahon ay nandiyan naman si Liza na kasama ko sa buhay. Tatlong taon na ang nakakaraan ng mamatay ang lola ko kaya tatlong taon na rin na kaming dalawa lamang magkasama.

Bente-sais na ako ngayon. High school graduate lang ako pero lahat ng libreng paaral ng Tesda sa barangay namin ay pinatos ko. Mula sa Housekeeping, Dressmaking, Massage, and atbp ay inaral ko para lamang hindi ako maging mang-mang sa mata ng ibang tao. Gusto ko talagang makapagtapos sa pag-aaral pero yun nga lang wala akong budget. Hindi kasi ako kayang pag-aralin ni Nanay Meding at Liza kaya nag-negosyo nalang ako pagka-graduate ko ng high school. Sinira ko ang aking alkansya at ginawang puhunan sa paglalako ng bananaque.

"Bananaque! Bananaque kayo diyan!" Sigaw ko habang papalabas ng kanto habang buhat buhat ang isang malaking bilao ka puno ng babanaque.

"Joy, pabili nga ako ng bananaque mo." Tawag sa akin ni Mang Temyong, ang numero unong manginginom ng barangay. Nakaupo ito sa labas ng tindahan ni Aling Memang at may hawak na bote ng Anisado.

Inilapag ko ang bilao sa tabi nito."Ilan po ba ang bibilhin niyo Ka Temyong?"

"Isa lang.." Nagbayad ito sa akin ng bente pesos.

"Wala po akong panukli, Ka Temyong..panu ba yan?! Ikaw po kasi ang buena mano ko.." Sampu kasi kada tuhog ng bananaque.

"O sige bigyan mo pa ako ng isa para quits na tayo.." No choice ito. Napangiti ako. Naku kung hindi ko pa alam ay ibibigay lamang nito iyon kay Aling Memang. Feeling ko kasi talaga may something ang dalawa.

"Salamat Ka Temyong, ambait nyo po talaga! Aling Memang, sagutin niyo na kasi ang bananaqueng pag-ibig ni Ka Temyong." Nakadungaw kasi ang matandang babae sa awang ng tindahan nito.

"Nakow, etong apo talaga ni Meding mapagbirong tunay..Magtigil ka nga diyan sa panunukso mo at baka madevelop ako kay Temyong ng wala sa oras..." Sagot naman nito mula sa tindahan habang inaabot ang bigay na bananaque ni Ka Temyong. Kunting push nalang talaga at magiging lovers na ang dalawang ito. Natatawa na lamang akong umalis at nagpatuloy sa paglalako.

Alas-sais na ng gabi ako ng makauwi sa bahay. Pinaubos ko muna kasi ang aking paninda bago umuwi. Nagmamadali ako sa pagluluto ng sinigang dahil alas-nueve ang pasok ni Liza. Kailangan makakain muna ito bago umalis.

"Joy, halika ka nga muna rito." Tawag ni Liza mula sa sala. Pinatay ko ang kalan at tinakpan ang kaserolang pinalutuan ko ng ulam.

"Bakit Liza? Nagugutom ka na ba?" Tanong ko rito habang papasok sa sala. May bisita yata kami ngayon?

"Si Edna, pamangkin ko sa pinsan." So pinsan ko ito sa pinsan ni Liza.

"Hi Edna.. Ako nga pala si Joy, anak ni Liza." Inabot ko rito ang aking kamay para sana makipag-shake hands pero tinawanan lamang ako nito.

"Masyado ka namang pormal Joy.." Sabi nito habang ngumunguya ng bubble gum. Sa klase ng pananamit nito ay sigurado akong sa bar ito nagtatrabaho. Masyado kasing revealing ang dress na suot nito. Mataas ang takong ng suot na heels. Makapal ang make-up sa mukha at parang bracelet sa laki ang hikaw nito. Napansin ko lang ng ngumiti ito sa akin, bagay pala sa kanya ang red lipstick dahil mas lalong tumingkad ang kulay dilaw nitong ngipin.

"Dito na si Edz titira sa bahay natin simula ngayong gabi." Nagulat ako sa sinabi ni Liza pero hindi ako nagpahalata. Iisa lang kasi ang kwarto ng bahay at share kami doong mag-ina. So saan si Edna matutulog? Ah baka dito sa sala. Napangiwi ako dahil maraming ipis dito sa sala kapag gabi na.

"Ay talaga po? Naku magakakaroon na tayo ng kasama dito sa bahay..Welcome to our humble abode Edna! Welcome to the fam!" Niyakap ko ito bilang pa-welcome hug pero napaubo lang ako sa sangsang ng pabango nito. Yung totoo, naligo ba siya ng pabango?

"Liza, bakit hindi mo nalang ipasok sa bar si Joy? Maganda siya, tiba-tiba ka diyan." Bulong nito sa nanay ko. Bad influence yata ang pinsan ko para kay Liza. Tama bang udyokan ang ina ko?

"Tigilan mo nga yan, Edna..huwag mong isali si Joy sa kagagahan mo." Napangiti ako sinabi ni Liza. O di ba concern siya sa akin? Love talaga ako niyan e, shy type lang kaya ayaw ipakita.

"Ang sarap mo palang magluto, Joy.." Puri ni Edna habang kumakain kami.

"Salamat Edz.." Kaming dalawa nalang kasi naiwan dito sa bahay. Maagang umalis si Liza dahil kukunin niya pa ang mga balot sa supplier nito. Samantalang ang nagmamaganda kong pinsan ay mamayang alas-onse pa daw a-aura. Sayang nga at hindi natikman ni Liza ang bago kong patsambang luto.

"Hindi ko alam na sinisigang pala ang manok. Ang sarap pala..Grabe! Superb ka talaga couz!" Hmm, kanina gusto akong ibugaw ngayon cousz na. May pagka-Orocan din si Edna nato madalas e. Humigop pa ito ng sabaw sa mangkok ng ulam nito. Sarap na sarap talaga ito sa niluto kong ulam.

"Tongeks hindi yan sinigang na manok..Kaloka ka!" Sagot ko rito.

"Eh ano pala 'to? Anong tawag dito sa recipe mo kung hindi sinigang na manok?" Ngumunguya pa ito habang nagsasalita. Naaappreciate ko talaga ang reaksyon nito towards my cooking. Feeling ko tuloy isa akong magaling na chef.

"Sinampalokang palaka yan! Ansarap di ba? Magpinsan nga tayo kasi pareho tayong mahilig sa exotic food." Tuwang-tuwa kong sagot dito. Feeling ko tuloy magiging bestfriends kami pag dating ng araw.

Ngunit nabigla ako ng bigla nalang itong tumayo at pumunta sa lababo. Suka ito ng suka pero wala nanang lumalabas sa bibig nito. Maya-maya dinukot na nito ang lalamunan niya. Lumuluwa na ang mga mata nito. Anyare sa pinsan ko?

Ah baka nasobrahan lang sa pagkain ng Sinampalokang Palaka?

Minsan ma-try ngang magluto ng ipis na ukoy. Sakto madaming ipis sa sala. Haha! Char!

The Joyful Contract (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon