Chapter 5

3K 88 5
                                    

Nagmakaawa ako kay Liza pero naging bingi ito. Umiiyak akong naglalakad sa gilid ng daan ng biglang may pumarang motor sa tabi ko.

Kinabahan ako pero nilakasan ko ang aking loob. Mukhang riders in tandem ang mga ito. Si Edna lang naman at Samuel ang may galit sa akin so far. Baka sila ang nag-hire ng mga ito para tuluyan na akong manahimik.

Lalo akong kinabahan ng bumaba ang angkas nito. Nakapamulsa ito sa suot nitong kulay itim na leather jacket. Baka hawak na nito sa loob ng bulsa ang baril na gagamitin sa pagpaslang sa akin. Pumikit ako at inantay ang aking kamatayan.

Tama lamang na mamatay na ako! Because no one really cares for me.

"Joy, babes..Anong ginagawa mo dito sa daan ng ganitong oras?" Nakahinga ako ng maluwag ng makilala ang boses ni Darwin. Noon ko napagtanto na pwede pala itong maging knight in shining armor kahit na bad breath.

Ngumiti siya sa akin at nakita ko na naman ang namumuting gilagid nito. Ilang linggo na kaya itong hindi nagtotooth brush?

"Kilala mo siya Darwin?" Tanong ng driver ng motor.

"Oo, pre. Future girlfriend ko." Mayabang na sagot ni Darwin rito.

"Mukhang jackpot ka diyan kay Tisay ah..Ano sasama ka pa ba sa amin tonight?" Tanong nito kapagkuwan kay Darwin. Mukhang may lakad ang mga ito.

"Pass muna ako, pre. Hatid ko lang si Joy babes sa kanila.." Tumango naman ang driver ng motor at mabilis na pinasibad ang sasakyan nito.

"Salamat Darwin.."Niyakap ko ang aking sarili ng umihip ang malakas na hangin. Naka-spaghetti strap kasi ako kaya naman dama ko ang lamig. Mabuti nalang at nakapajama ako kung hindi kanina pa ako nanginig.

"Basta ikaw, babes.." Hinubad nito ang suot na jacket at inabot sa akin. Halos hindi ako huminga habang sinusuot iyon. Iba kasi talaga ang arrive nung jacket e.

"Thank you.." Ani ko pagkasuot ng jacket nito.

"So shall we go? Hatid na ba kita sa inyo o magpa-init muna tayo.." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa huling sinabi nito.

"Eto naman hindi pa nga tapos e..Magpainit tayo sa mamihan diyan sa may kanto. Humigop tayo ng sabaw, sarap nun..Gusto mo i-try?" Nakangisi ito habang sinasabi iyon.

"Huwag na Darwin, gusto ko na kasing magpahinga. Pwede bang iuwi mo na ako sa inyo?"

"Sa amin??? Sa bahay namin?!" Gulat na gulat na tanong nito sa akin.

Ngumiti ako ng matamis rito bago tumango sa kanya.

"Yes! Yes! Yes!" Hiyaw nito. Hindi pa nakontento ay napasuntok pa ito sa ere.

"Sabi ko na nga ba, mahal mo din ako babes! Ikaw pa talaga ang gumawa ng move para magkasama na tayong dalawa huh?! Hindi mo na kinayang iresist ang gwapong mukha ko no?" Mayabang na turan nito sa akin. Pasimple akong napaismid sa sinabi nito. Anong ireresist ko sa kanya aber?

"Darwin, ano ba? Hindi ito gaya ng iniisip mo.. Seryoso ako! Iuwi mo muna ako sa inyo please." Halos magpapadyak na ako sa inis rito. Ang hirap kasing mag-explain sa isang 'to.

"Shhh.." Inilagay na naman nito ang kanyang hintuturo sa itaas ng bibig ko. Letse! Iba talaga ang amoy nito. Naghuhugas kaya ito ng kamay bago at pagkatapos kumain?

Tinanggal ko ang kamay nito at nagsimulang maglakad.

"Joy babes.." Hinabol niya ako dahil nauna ako sa kanya ng ilang hakbang. Opo. Ilang hakbang lang ang pagitan namin. OA kasi ang setting kaya hinabol niya ako. Inabot niya ang kamay ko at ipinagsalikop sa mga daliri nito.

"HKHN." Sagot nito sa anong-ibig-sabihin-nito look ko sa kamay naming dalawa.

"HKHN? Di ba dapat HHWW - holding hands while walking?" Bumitaw ako sa kamay nito. Hindi dahil chossy ako at ayaw kong makipag-holding hands rito. Malagkit. Namamawis. In short, pasmado si Darwin.

"HKHN means HAWAK KAMAY HABANG NAGLALAKAD..parang gaya nito." Hinawakan nitong muli ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong dumampi ang labi nito sa likod ng palad ko. Pati labi nito namamawis?

Can I say, gross?

Muli binawi ko ang aking kamay at pasimpleng pinunasan iyon sa jacket na suot ko. Tumigil ako sa paglalakad at humarap dito. Hindi niya yata napansin ang pagharap kong kaya halos mangudngod ang nguso niya sa labi ko.

Muntik na yun ah?!

Nanginig ako sa isiping si Darwin ang magiging first kiss ko. Ngising-ngisi naman ito noong bumaling ako rito.

"Sayang.." Narinig kong bulong nito sa sarili. Though, alam ko ng sinadya niya ang muntikang halik na iyon, palalampasin ko muna siya ngayon.

"Darwin.." Simula ko.

Eye to eye contact dapat para alam niyang seryoso ako. Pero wala pang ilang segundo ay napakurap ako, nakakaduling ang duling na mata nito. Hinawakan ko nalang siya sa balikat. Huwag na masyadong eye to eye contact, nakaka-distract!

"Darwin.." Panimula ko ulit.

"Huwag na Joy babes..ako ang lalaki kaya dapat ako ang nagpo-propose sayo." Sabat nito. Napakamot ako ng ulo. Kahit kelan talaga ang epal nito. Nakakainis na talagan ang kapatid ni Belen. Sobra!

"Pwede ba, Darwin hindi ako magpopropose sayo! Magpapatulong lang ako sa inyo! Wala kasi akong matutuloyan dahil pinalayas ako ni Liza. Pwede bang makitira muna ako sa inyo pansamantala?" Ayan na! Wala ng paliguy-paligoy na sinabi ko kay Darwin ang totoo. Shock ang loko! Assuming naman kasi masyado.

"Ahh, ganun ba?" Patay-malisya nitong sagot sa akin. Mukhang nahimasmasan na ito sa kahanginan niya.

"Okay lang ba?" Tanong ko kay Darwin. Mukha kasing sumama ang timpla ng mukha nito.

"Joy babes..Basta ikaw, naku walang problema." Nakangising sabi nito sa akin. Nakita ko na naman ang namumuting gilagid nito."Pero Joy babes pwede bang bilisan natin maglakad?"

Tumango ako rito. Natatanaw ko na ang bahay nila."Bakit Darwin? May emergency ba sa inyo?" Tanong ko rito.

"Oo, emergency to babes.." Mukha na itong natatae habang hawak ang tiyan at namimilipit.

"May masakit sayo?" Nag-aalalang tanong ko rito.

Hindi ito sumagot bagkus ay dali-dali itong tumakbo papasok ng bahay nila. Pero bago yun nagpaputok muna ito ng granada-- isang masangsang at mabahong granada.

Sabi na nga ba e. Sa itsura palang alam ko na.

Natatae talaga ito!

Owtor's Note: Salamat po for making this far. Sorry guys if putol ang story ni Lukring at Ysmael dito but you can read the whole story on Dreame. Same po ang User Name ko doon, Dukhang Sosyal.

Follow me also on my Facebook Page, Dukhang Sosyal's. Thank you na agad!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Joyful Contract (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon