Chapter 4

2.9K 70 2
                                    


Inaayos ko ang lulutuin kong saging para sa gagawin kong bananaque ng biglang lumabas mula sa kwarto si Tiyo Samuel. Nakasuot lamang ito ng boxers at walang pang-itaas. Tatlong buwan na rin itong nakatira sa amin kung kaya naman sa sofa na ako natutulog. Doon sa may sala kasama si Edna at ang mga ipis na nagpaparty tuwing gabi.

"Gandang umaga, Joy.." Nakangising bati nito sa akin. Bahagya ko lamang siyang nginitian at ibinalik ang atensyon sa pagbabalat ng saging. Kailangan mag-doble kayod ngayon dahil hindi na halos nagtitinda si Liza. Panay nalang itong nakakapit kay Samuel.

Naghalungkat ito ng pagkain sa mesa. Nagutom siguro ito sa buong magdamag nilang ungolan ni Liza. Halos hindi na ako nakatulog sa ungol at kalabog nilang dalawa. Kahit nga pasakan ko ang tenga ko ng bulak ay walang silbi. Honeymoon stage lang ang peg ng dalawa. Napaismid ako sa naiisip ko.

"Wow! Mukhang masarap ang almusal natin ah.." Lumaki ang ngisi nito sa mukha ng makita ang pagkaing nakahain sa mesa. Kumuha ito ng isang lumpia sa plato at derechong isinubo iyon. Tinignan ko lamang ito at patay-malisyang nagpatuloy sa ginagawa.

"Shit! Ang anghang naman nito!" Kumuha ito ng pitsel sa ref at tinungga iyon ng derecho.

"Anong klaseng lumpia yang niluto mo Joy? Ang anghang.."

"Dynamite ang tawag diyan..O di ba sumasabog sa anghang? Bagay na bagay yan sa mga bruskong katulad niyo Tiyo Samuel." Hindi lang kasi ito basta-basta dynamite. Siling labuyo ang ginamit ko kung kaya talagang maanghang ito. Naubusan kasi ako ng silang green kaya naman yung labuyo ang ginamit ko. Hindi ko tinanggalan ng buto at basta nalang niroll sa lumpia wrapper at binudburan pa ng chili pepper. Ginawa ko iyon para lang talaga kay Tiyo Samuel. Masyado kasi itong masiba pagdating sa pagkain. Buti sana kung nagbibigay ito ng pambili.

"Oo nga..Masarap siya, Joy!" Kumain pa ito ng isa at agad din namang sinundan ng tunig. Namumula na ang mukha nito sa sobrang anghang.

"Mas masarap yan kung isasawsaw sa toyo na may kalamansi.." Sabi ko rito habang sinusupil ang ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung bakit pero inaayunan ako ni Tiyo Samuel palagi kung kaya't nagtataka ako kung bakit mabigat pa din ang loob ko sa kanya.

Alas-dyes na ng gabi pero ngayon palang aalis ng bahay si Liza. Dati quarter to nine umaalis na ito ng bahay.

"Aalis na ako Labs, magtatrabaho muna ako at bago pa magparinig si Joy sa gastos natin dito sa bahay." Nakatingin lang ako kay Liza habang nakaakbay si Samuel rito. Ibang klase din talaga si Liza mag-dyodyowa na nga lang, wala pang matinong trabaho. Akala ko ba sabi niya dati sa akin ito ang magiging katuwang niya sa buhay. Anyare?

"Joy, aalis na ako." Paalam nito sa akin. Good mood yata ang nanay ko ngayon? Sabagay simula ng maging dyowa niya si Samuel palagi na itong sweet. Palagi na rin akong kinakausap nito kaya kahit labag sa kalooban ko ay pumayag na ako sa love affair nilang dalawa.

"Mag-iingat ka Liz.." Nagpatuloy ako sa panunuod ng telebisyon.

"Nga pala, baka dumating si Edna mamayang madaling araw. Pagbuksan niyo at wala iyong dalang susi.." Nasa Cebu kasi ito kasama ang matandang mayamang boyfriend nito.

"Kami na ang bahala dun Labs.." Narinig kong sagot ni Samuel kay Liza.

"Ihh! Parang ayaw ko na tuloy magtinda.." Ngayon ko lang narealize na may pagka-malandi pala talaga ang Nanay ko. Buti nalang hindi ako nagmana sa kanya.

"Labs naman..paano tayo makakapag-date niyan sa Linggo?" Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Samuel. Kapal ng face, anlakas ng loob mag-aya ng date wala naman palang perang pan-date.

The Joyful Contract (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon