Chapter 1

230K 8.3K 6.5K
                                    

Isang katok sa salamin ang nagpatalon sa akin. Tinigil ko ang pag-andar ng wiper nang namataan ko kung sinu-sino ang nasa labas ng sasakyang gamit ko. Nasa mga tatlo hanggang limang teammates ko ang nagsisiksikan sa isang malaking payong.

Binaba ko ang salamin. Ramdam ko kaagad ang lamig galing sa labas. Naririnig ko rin ang tawanan at agawan nila ng pwesto sa malaking payong.

"Carlitos, pahatid oh! Pauwi ka na, 'di ba?"

Umiling kaagad ako. "Hindi pa ako uuwi! Umuwi na nga kayo ng inyo!"

Sinarado ko kaagad ang salamin. Natawa ako nang nag-agawan sila ng pwesto at tuluyan nang tumakbo at nabuwag dahil sa lakas ng ulan sa labas.

Humalakhak ako habang pinagmamasdan silang nag-asaran. Sumilong sila sa gilid ng mga restaurant na nakahilera sa labas lamang ng Unibersidad, kung saan ako nag-aaral.

Mabuti na lang talaga at pinahiram ako ni Papa ng sasakyan.

Bumaling muli ako sa babaeng nilalamig at nakatayo sa labas ng isang fastfood. She looked so cold and lost. Tinitingala niya ang bawat patak ng ulan. Kanina ko pa siya pinagmamasdan at nakikita kong paulit ulit niyang tinitingnan ang kanyang cellphone. Maybe she's waiting for a text. Maybe she's waiting for her boyfriend's text – that's more correct.

Pinaglaruan ko ang manibela. Kung tutuusin, pwede na akong umalis ngayon at umuwi na. Nag aantay na ang pagkain sa bahay. Pwede akong matulog ng matiwasay sa aking kwarto pero hindi, pinili kong manatili dito at manood sa kanya.

It's been years since I've known Scarlett. She's the loud and happy-go-lucky girl of the other section when we were in High School. Hindi kami naging mag kaklase, kahit kalian pero iisa lang ang crowd na ginagalawan namin. We have common friends. She knows me... Yes, probably by name. May iilang beses na interaction na rin kami, I just don't know if she remembers it.

Kumunot ang kanyang noo habang tinitingnan ang mas lalong paglakas ng ulan. Tiningnan ko ang aking dashboard. May payong ako dito. Pwede ko siyang pahiramin. But then I would look like a stupid stalker! Why am I even here anyway? Kagagaling ko lang sa practice at pauwi na sana ako pero hindi ko pinatakbo ang sasakyan dahil nakita ko siya.

Nilagay niya ang kanyang cellphone sa kanyang tainga. She's probably calling her boyfriend. Tristan's probably still in school or something kaya hindi pa nakakarating. Nagkita kami kanina sa practice pero hindi ko na alam kung saan siya nagtungo pagkatapos.

Bahagya niyang pinukpok ang cellphone niya. Is her phone malfunctioning?

Dinampot ko ang cellphone ko at kinuha ko ang payong sa dashboard. Walang pag-aalinlangan akong lumabas ng kotse at nagtungo sa kanya.

Nang lumusob ako sa ulan ay hindi ko naramdaman ang kaba. Ngunit nang nakasilong na ako at tiniklop ko na ang payong, doon pa lang ako ginapangan ng matinding kaba.

Now I am not sure if my hands are wet because of the rain or I'm just really sweating. Tumabi ako sa kanya at kinausap siya.

"Hey!"

Dalawang beses niya pa akong tiningnan. Ang nakakunot niyang noo ay bahagyang nag relax pagkakita sa akin. She smiled sweetly but I know something's really bothering her.

"Hi!" bati ni Scarlett.

Her pink lips pursed. Binaling ko ang aking paningin sa ulan. I don't want to get a heart attack just because of this. Sanay akong makihalubilo sa babae. I've been to flings with girls and I have girl friends, hindi na dapat ako nahihirapan sa ganito.

But then again, kahit noon ay ganito na ako sa kanya. I just can't damn look at her straight.

"Uh, ang lakas ng ulan," puna ko.

From Afar by JonaxxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon