Chapter 2

100K 5K 3.6K
                                    

Pumasok na ako sa gym. Tunog ng mga sapatos na nagkikiskisan sa makintab na sahig ng basketball court ang naririnig ko.

Nakipaghigh five ang iilang mga kateammates ko sa akin. Ganoon din si Rafael. Tumabi ako sa kanya at nilapag ko ang bag ko sa gilid.

"Raf!" sigaw ng aming coach.

Tumango siya at dumiretso na sa pagpasok. Nilingon ko ang mga naglalaro sa court at namataan ko roon si Tristan.

Iginala ko kaagad ang paningin ko sa bleachers. Kinuha ko ang dala kong bola at dinribble ko iyon habang tinitingnan ang mga taong naroroon.

And there, with some of her friends, was Scarlett. Madalas siyang manood ng game ni Tristan. Kung wala sigurong pasok ay pumupunta siya. Siguro ngayon ay wala nga siyang pasok dahilan kung bakit nandito siya.

"Carlitos, tapos ka na?" tanong ni coach.

"Saglit lang..." sabi ko at mas lalong inigihan ang pag di-dribble.

I need to double time. Kailangan kong pagpawisan na para makapasok na sa laro.

"Tanga mo!" sigaw ni Tristan sa ka teammate ko sa nursing na nagkamali sa pagpasa ng bola.

Kumunot ang noo ko. He's not the star player of their team but he acts like he is. The School of Business Management has lots of good players. Kaya madalas silang manalo lalo na sa mga interschool leagues. He's just one of the talkshitters from them. Samantalang ang sa College of Nursing naman ay kokonti lang ang magagaling. Bukod sa mas marami ang babae sa aming course, busy pa ang mga lalaki dahil sa sandamakmak na duty.

"Pasok, Carlitos!" sigaw ng aming coach.

Tumango ako at pumasok na. Pinalitan ko si isang player dahil masyadong nag-init ang ulo.

Pinasa agad sa akin ang bola. Rafael was my guard from the SBM's team. I dribbled the ball. Nilagpasan ko si Rafael pagkatapos ay pinasa sa isang kasama ko.

Lumusot ako sa guards at naghintay na mapasa muli sa akin ang bola. Nang naipasa nga ay shinoot ko na ito.

"Yes!"

Maganda ang simula ko. Nagfastbreak agad.

Nilingon ko kung nasaan ang team ko. Right there, I saw Tristan with Scarlett. Pinupunasan ni Scarlett ang pawis ni Tristan.

"Carlitos!" sigaw ni Rafael at tinuro sa akin ang ka teammate kong nagdidribble na ngayon ng bola.

Laking gulat ko nang pinasa iyon sa akin. I was not prepared for that pass!

Sinubukan kong kumawala sa kay Rafael ngunit naagaw niya sa akin ang bola. Napamura ako sa sobrang iritasyon sa sarili.

Nakapuntos ang kalaban dahil sa nangyari. Mas matangkad ako kay Rafael. Maybe because I'm older than him. But he had a lot of potential for this.

"Okay lang 'yan! Okay lang 'yan!" sabi ng teammates ko but damn to me it wasn't okay!

Frustrated, I asked for the ball. Binigay iyon sa akin ng aking kateammate. I dribbled it again. Passed it to a teammate. Sinubukan niyang ishoot iyon ngunit hindi pumasok! Nirebound ko at ni shoot ulit.

Damn, this must be my lucky day! Na ishoot ko ang bola!

High five agad sa mga ka teammates ko. Nilingon ko ang bleachers kung nasaan sina Scarlett at Tristan kanina.

Namataan ko ang pagbibigay ni Scarlett ng tubig kay Tristan. Pinagsisilbihan niya ang kanyang boyfriend ng ganoon. Ang swerte nga naman ng lalaking ito.

From Afar by JonaxxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon