Chapter 5

118K 5.8K 5.7K
                                    

I cannot believe that I can now text her whenever I want. Parang kailanlang ay pinapangarap ko siya, ngayon ay ganito na.

But I'm trying my best to stick to being friendly. Kagagaling niya pa lang sa break up at ayaw kong gawing panakip-butas.

Scarlett:

Ingat ka sa duty mo... :) Hindi ka ba aantukin?

Ako:

Nasanay na ako. :) Tulog ka na. Gabing gabi na.

Siniko agad ako ni Kodie nang napansin ang pagiging abala ko sa text.

"Sino 'yan? Bah! Flavor of the month?" sabay tawa niya.

"Tss... Tumigil ka nga..." Umiling ako at tinago sa aking bulsa ang aking cellphone.

"Scarlett?" tanong ni Jaypee.

Hindi ako sumagot. Papasok na kami sa ospital na pag du-dutyhan namin ngayon.

"Naku, Carlitos. Mag-ingat ka riyan, ha. Baka mamaya ay magkamali ka pa. Alam mo namang iba talaga ang pamilya nila sa atin, 'di ba?" ani Kodie.

Tumango agad ako. I know that part. But that's so cliche... so traditional. Hindi naman kami magpapakasal. Marami pang mangyayari. Besides, we're just friends.

Medyo nag space out ako sa duty dahil sa sinabi ng mga kaibigan ko. I know their family won't really accept us. But I don't want to think about the future. It's too early to think about that.

Hindi naman ako ganito noon. I don't even think much about girls. Ngayon lang talaga ako nag-isip sa kahahantungan. Damn! I really like Scarlett.

I need to concentrate on what I'm doing. Madaling araw na nang natapos ang duty. I feel so drained.

"Sakit ng katawan ko..." sabay hikab ni Jaypee.

"Uwi na ako..." sabi naman ni Kodie sabay kaway sa amin.

I parked somwhere far. Marami kasing nakapark dito noong gabi kaya hindi ako nakahanap ng mas magandang pagpaparkingan.

"Sakay na ako sa tricycle, Carlitos..." ani Jaypee.

Tumango na lang ako sa kanya. Patuloy ako sa paglalakad patungo sa pinagparkingan ko. Tumawid ako ng kalsada para mas makalapit pero nagulat ako nang may nakita akong mga tao malapit sa sasakyan ko.

"Gago ka!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Tumama ang kamao niya sa akin. Bumagsak agad ako. Napahawak ako sa aking panga. Babangon na sana ako nang bigla na lang may humawak sa aking mga braso. Isang suntok pa ang tumama sa akin.

The man punching me is Tristan. Amoy alak silang lahat at pulang pula ang mga mata ni Tristan.

Isang suntok pa ulit ang tumama sa akin. Binawi ko ang mga braso ko galing sa may hawak. Sinipa ko si Tristan nang umamba ulit siya ng isa pang suntok!

"Ano, ha?" sigaw nI Tristan.

Sinuntok ko iyong ayaw bumitaw sa braso ko.

"Lumalaban ka pa kahit alam mo kung bakit ang laki ng atraso mo sa akin!" sigaw ni Tristan at sinuntok ako galing sa likod.


Hinarap ko siya at nasapul ko ang kanyang mata!

"Wala kang pag-asa! Putik ka lang, Montefalco! Hindi ka ba nahihiya!? Dinadala mo ang apelyidong 'yan pero pulubi ka!" sigaw niya sabay suntok ulit sa akin.

Nasuntok ko ulit siya sa panga. But then his minions tried to pin me down again. Sinuntok ko iyong isa dahilan kung bakit siya natumba!

Sinipa ako ni Tristan at natumba na rin ako sa putikan.

From Afar by JonaxxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon