After a few weeks...
"You have an outstanding grade in all your medical subjects, I can see..."
Inimbitahan ako ni Stephen Montefalco, ang aking Papa, sa isang dinner. I had to go because I need to give him my respect. Siya ang dahilan kung bakit nakakapasok ako sa isang unibersidad ngayon at nakakapag-aral. Kung wala siya, maaaring nagtatrabaho na lang ako para tulungan si Mama.
"You must really like your course..." aniya sabay tingin sa akin.
The dinner was so extravagant. Siya, si Mrs. Montefalco, ang kanyang mga body guard, at ako lamang ang naroon sa restaurant ng Seda Hotel.
Nililingon ko ang mga naliligo ng swimming pool sa labas.
"Until now, Carlitos, I'm still wondering why you did not major Business instead..." sabi ni Mrs. Montefalco.
"I don't think that would be a good idea, Ma'am. Wala po kaming ari-arian ni Mama at ayaw ko pong magrely sa inyo para roon. Wala akong pampuhunan para magstart ng business. Ito ang gusto ko. Baka sakaling makapagtrabaho abroad at makapagpadala ng pera para kay Mama pagkagraduate..."
Nanatili ang mga mata ni Stephen Montefalco sa akin. Tila ba tinitimbang niya ang sinasabi ko.
Uminom ako ng wine galing sa wine glass sa gilid ko. This meal right now can pay for our meal at home for the whole week. Ang laki-laki talaga ng pinagkaiba ng pamilya namin sa kanila.
"But you really love the course, right?" sabi ni Papa.
"Opo..."
"What if I tell you I can offer you a grant from a school abroad. You can finish your Nursing course there and you can also pursue Med if you want to. That's if you want to. Kung matapos ka na roon at ayaw mo namang mag doktor, pwede kang mag take ng board doon at magtrabaho. After that, you can get your Mom and you can now pay for the both of you like how you always want it to?"
Napalunok ako sa offer ni Papa. I can't believe it! Tunay na naninindigan akong huwag umasa sa kanya ngunit simula pa lang noong grade school ako ay siya na ang gumagawa ng paraan para sa aking edukasyon.
I hate to admit it but his family were good to me for the past years. Rafael and Damon were good to me. Hindi sila nagalit sa akin dahil anak ako sa labas. They were actually beyond nice for treating me like a friend.
"I don't think I'm ready to leave my Mom, yet..."
"Malapit ka nang gumraduate, Carlitos. At kapag nakagraduate ka na, gaya ng sabi ko, pwede ka nang magtake ng board at maghanap ng trabaho. Then your mother can go abroad, too... If that's what you want."
I don't know if they wanted me to disappear from the face of Cagayan de Oro or they just really want what's best for me. Kaya hindi ako makasagot. Ayaw ko mang gamitin ang kapangyarihan at pera ni Papa para sa akin ay nakakapanghinayang naman ang offer niya.
"You want this, right? Well, if you won't agree with me... I can still offer you to pursue Med here. I just want you to know that I can also offer you to study abroad. Depende na iyon sa kung ano ang gusto mo Carlitos."
Hindi matanggal sa isip ko iyong offer. Kahit noong nakauwi na ako ay hindi ko lubos maisip na kung magdesisyon ako ngayon ay ibibigay agad ni Papa iyon sa akin.
"What did he say?" tanong ni Mama pagkauwi ko.
"He offered me to study nursing abroad and pursue Med..."
Nanlaki ang mata ni Mama. Padarag akong tumabi sa kanya sa aming sofa.
Hinaplos niya agad ang aking ulo at pinaglaruan ang aking buhok. Napapikit ako at dinama ang kanyang haplos.
BINABASA MO ANG
From Afar by Jonaxx
Romance"From Afar" is a story written by Jonaxx brought to you by Republika ng TM.