<Raven's POV>
"Good morning class", bati sa amin ni mam. Sa wakas, nakarating din siya dito. 20 minutes na kayang late si mam. -_-
"Good morning mam!", Bati naming lahat sabay upo. Napatingin ako kay Violet, naalala ko lang yung ginawa ko sa kanya kahapon. Pero, mukang hindi siya badtrip. Blooming pa nga siya ngayon eh. Hay nako! Inlababo na ata ako. Sana lang wag akong masawi tulad ng dati.
"Class, may iaassign akong project sa inyo. Kaso, by pairs. Ang magiging kapair nyo ay ang inyong katabi", Pag sineswerte nga naman. "Ang gagawin niyong project ay madali lang. Kailangan nyo lang pumunta sa 5 magagandang lugar dito tapos pipicturan nyo. Magiinterview din kayo ng tig tatlong tao doon. Is that clear class?", tanong ni mam. Madali lang naman pala ang project namin eh.
"Mam! Kelan po ang submission?", tanong nung isa kong kaklase
"Holiday naman bukas at sa isang araw. Sa friday nyo na lang isubmit ang project niyo", sagot ni mam
Pagkatapos pag usapan yung project namin ay pinagnotes lang kami ni mam. Di ko maiwasang mapatingin sa katabi ko. Siya naman, seryoso. Baka nabadtrip na sa akin.
Nagpatuloy ako sa pagsusulat. May kukuhanin sana ako sa bag, kaso nahulog ang ballpen ko.
"Oh, ballpen mo", sabi ni Violet. Muka namang hindi siya galit ah.
"Thanks, teka, galit ka ba sa akin", sabi ko sa kanya
"Ah, medyo. Ayaw ko kasi na ganun ako kausapin. Bakit ka ba biglang nagkaganun kahapon?", sabi niya
"Kasi, ganun na ang pagkakilala sa amin dito. Ang alam nila, masama akong tao. Yun kasi ang pinapakita ko.", sabay ngiti ko sa kanya.
<Violet's POV>
"Kasi, ganun na ang pagkakilala sa amin dito. Ang alam nila, masama akong tao. Yun kasi ang pinapakita ko.", sabay ngiti nya sa akin.
"Ha? eh bakit naman hindi mo ipakita sa kanila na mabuti kang tao? Diba mabait ka naman? Kung hindi ka naman mabait eh hindi mo ako sasambutin.", sabi ko. Kahit kasi badboy siya. Magaan pa rin ang pakiramdam ko sa kanya.
"May mga bagay talaga na hindi ko sinasabi sa mga kaibigan ko. Salamat sa paniniwala mo na mabait ako", sabi niya habang nagsusulat.
Then mamaya maya,
KRRRIIIIINGGGG!
Recess na! YAY!
"Violet! Tara na sa canteen! Gutom na ako!", sigaw sa akin ni Dashielle, yung best friend ko. Dun lang siya nakaupo sa may likod ko. Katabi niya yung Bryce na kabarkada ni Raven. Crush niya ata si Bryce eh.
"Geh! Wait lang! May kukuhanin lang ako sa bag ko", sabi ko kay Dashielle. Eto atang katabi ko hindi mahilig magrecess. Nakaubob lang eh. Pabayaan ko na nga.
"Bespren! Kapartner ko si Bryce!!! Grabeh! Kinikilig ako!",sabi ni Dashielle habang nagkakalkal ako ng gamit sa bag ko. Sabi na nga ba may crush to kay Bryce eh.
"Ang kiri mo mandin!", sabi ko sa kanya pabiro. Aalis na sana kami ng biglang....
"Violet, pasan ka?", sabi sa akin ni Raven at kinabig niya yung kamay ko.
"Magrerecess.", sabi ko sabay bitaw sa kamay niya
"Magtiis ka. Pagpaplanuhan natin to ngayon para makapaglunch ka mamaya at daretso na tayo bukas", sabi niya. Ang angas ah. Pero, cute pa rin.
"Ayoko nga. Eh di walang kasama si Dashielle", palusot ko XD
"Dashielle, sabi sa akin ni Bryce sa Canteen daw kayo maguusp. Violet, dito ka na, makakaabala ka pa dun sa dalawa", sabi niya. Hahaha... maparaan talaga itong si Raven.
"Okie bestie! Sorry ha, kelangan ako ni Bryce eh. See you later!", sabi ni Dashielle sabay labas.
"Anong balak mo sa project natin?", sabi ko sa kanya
"Hmmm... may alam ka bang magagandang lugar dito?", tanong niya sa akin
"Oo. Dun sa tabi ng park. May magandang garden dun!", sabi ko with exitement.
"May alam din ako. Puntahan mo na lang yung garden mamaya, then pupuntahan ko yung Magandang restaurant dito. Bukas, kita kits tayo sa harap ng school. Pupuntahan natin yung tatlo pang lugar", sabi niya sa akin. Ayos lang naman sa akin yun
"Okay, Game!", sabi ko
"Okay, makakaalis ka na", sabi niya
"Ayoko, dito na lang ako.", sabi ko. Hindi na naman ako gutom eh.
Umubob na lang siya. Muka talaga siyang problemado. Ako din naman eh, problemado din ako. Pero hindi ko naman pinapahalata. Tinitigan ko lang siya habang nakaubob siya. Gwapo naman siya kaya sigurado akong hindi lovelife ang problema niya.
Parang tulog na siya. Kahapon lang, muka siyang masiyahin eh. Pero, bakit nag iba na ngayon?
"Tama na ang pagtitig sa akin. Matutunaw ako.", sabi niya. Kapal din ng muka ah -_-
"Bakit, masamang tumingin?", sabi ko.
"Ayieee! Baka may crush ka sa akin! Crush niya ako! Crush niya ako!", pang aasr niya. Ang kapal niya talaga! -.-
"Che! Wala akong crush sayo!", sabi ko. Medyo galit na ako eh.
Uy! Nagbibiro lang! Minsan na nga lang ako magbiro eh", sabi niya sa akin. Nagpacute pa. Kanina lang badmood toh. Bakit ngayon, kumulit na?
Nagtawanan na lang kami. Hindi ko naman talaga sya gusto. Tulad nga ng sinabi ko, ayaw ko na masaktan. Isa pa, badboy yan. Baka marami yang girlfriend. Baka nga sabay- sabay pa eh. Mabuti na lang yung magkaibigan kami.
<Fast Forward>
Tapos na ang klase namin. Nandito ako ngayon sa magandang garden sa may tabi ng park. Grabe! Ang ganda ng mga bulaklak dito! Pinicturan ko na sila. Then, nakita ko yung may ari.
"Uhm, sir, pwede po ba kayong mainterview?", tanong ko
"Oo naman ineng",
"Bakit po kayo nagpatayo ng ganito kagandang garden?"
"Simbolo kasi ito ng pagmamahalan namin ng asawa ko. Mahilig kami sa mga bulaklak. Regalo ko sa kanya ito dahil naging tapat siya sa akin.", sabi niya. May naniniwala pa pala sa true love
"Ah, sige po. Salamat po", sabi ko. Tapos, umalis na ako.
Nag interview na rin ako ng ibang mga tao doon. May nainterview pa nga akong magkasintahan. Ako lang ata dito ang hindi naniniwala sa true love kasi, karamihan ng sagot nila sa mga tanong ko eh about "love".
Nonng natapos na ako, dumaretso na ako sa bahay. Then, nakita ko si tita, lasing nanaman Lagi siyang ganyan simula noong iniwan siya ng asawa niya. Yan ang isang dahilan kung bakit hindi ako naniniwala sa love.
"Tita, uminom nanaman po ba kayo?!", sabi ko
"Bakit?! Bakit niy ako iniwan!!!!!????", sabi ni Tita. Lasing na nga
"Tita, matulog na po kayo. Lasing na po kayo eh.", sabi ko
Inalalayan ko si tita papunta sa kwarto niya. Bakit ba nabuhay pa ang ganyang mga lalaki? Mga manloloko!
"Ate, anong nangyari kay tita?", tanong ni Cherry
"Ah, wala, nalasing lang. Tara na Cherry. Let's go to sleep na.
Pumunta na kami sa kwarto. Pinatulog ko si Cherry pero ako, hindi pa ako natulog. Tinatamad pa ako eh. Nagbasa na lang ako ng pocket books ko.

BINABASA MO ANG
Give me a chance
Teen FictionDalawang taong galing sa masamang nakaraan. Parehas lang nawalan ng pag asa. Parehas nabigo at parehas naloko. . Pag pinagtagpo sila ng tadhana, maniniwala na ba ulit sila sa true love?