<Raven's POV>
Kanina pa ako gising. Tapos na din ako maligo at kumain. Iniintay ko lang ang bestfriends ko pati na rin si Charles dito sa loob ng kotse ko. Syempre may driver kami. Wala pa akong lisensya eh.
"Jett, Bryce, Charles! Tara na! Late na tayo!", Sigaw ko sa kanila. 6:00 na kaya. Malayo pa ang bahay namin sa school namin.
Lumabas na yung tatlo sa bahay. Parang siga ang style nung dalawa. Pati din naman ako. Tulad nga ng sabi ko diba. Yan ang pagkakakilala sa amin sa school.
"Manong, sa ##### Academy muna tayo pumunta. Ihahatid lang po namin itong si Charles", sabi ni Jett kay manong driver.
Umandar na ang kotse then umalis na kami. Hinatid na namin si Charles sa school niya. Dito din ako noon pumasok noong elementary pa ako. Dito ko nakilala si Jamielle noong Grade 5 pa ako. May nakilala ako ditong batang babae noong grade 4 pa ako. Siya ang nagligtas sa akin noong nabully ako. Pero, hindi ko man lamang siya nakilala
-Flashback-
Noong grade 4 pa ako, lagi akong binubully. Hindi ako makalaban dahil maliit lang ako. Hindi na lang ako nagsusumbong kay mommy at daddy kasi busy sila. Nagpapabully na lang ako.
Isang araw, may naglakas loob na ipagtanggol ako
" Hoy! Liit! Pumarito ka nga!", sabi nung isang bully
"h-ha? B-B-Bak-kit?", sabi ko nang nauutal. Tapos, lumapit ako sa kanila
Kinuha nila ang bag ko. Dinukot nila yun tapos kinuha yung baon ko. Napapaiyak na lang ako. Wala eh, mahina ako.
"Ahahahaha! Iyakin!!!", sabi nung mga bully. May nagbato pa nga sa akin ng juice.
Napaupo na lang ako sa sahig. Then, may batang babaeng lumapit sa amin.
"Hoy! Anong ginagawa niyo?!", galit na sabi nung bata
"Bakit? Ano ba ang pake mo? Pinagtatanggol mo siya? Pwes, magsama kayo!", Tinulak siya nung isang bully at binato ng notebook. Nagtawanan lang ang mga estudyante sa paligid namin.
"Ah, gusto niyo pala ng laban ha.", kinabig niya ang shorts nung isang bully. Wahahaha! Nahubuan!
Namula sa hiya yung nambubully sa akin.
"Kala mo kung sino ka! Ang yabang mo!", sabi nung batang babae
Hinablot nung lalaki yung shorts niya pataas tapos, tumakbo na siya. Tumakbo na din yung batang babae. Sinubukan ko siya hanapin sa school pero, hindi ko na siya nakita.
-End of flashback-
Nakakatuwa din alalahanin ang mga pangyayari noon. Simula kasi noong pinagtanggol ako noong bata, hindi na ulit ako nabully. Pero, last year lang, noong nagtransfer ako sa school namin, ako na ang naging bully.
The next thing I realized is nasa school na pala kami.
Bumaba ako sa kotse ko with my two bestfriends. Pinagtitinginan nanaman kami ng mga students dito. Hindi na namin sila pinakelaman. Pumunta na kami sa building ng mga 3rd years. Naandon kasi ang classroom namin.
Pagpasok ko sa room ay umupo ako sa upuan ko sa tabi lang ng bintana sa may hallway tapos umubob. Yung dalawa naman ay naguusap lang. Then, dumating yung teacher namin. Nakaubob pa din ako. Ganyan ako sa school. Wala akong kinakatakutan. Sanay na din naman yung mga teachers dito. Masipag naman ako magaral kaya mataas pa din ang grades ko.
Mamaya maya ay may napakinggan kaming sipa sa may labas ng room. Sinundan ito ng malakas na sigaw. Sinilip ko sa may bintana yung nangyayari sa labas.

BINABASA MO ANG
Give me a chance
Roman pour AdolescentsDalawang taong galing sa masamang nakaraan. Parehas lang nawalan ng pag asa. Parehas nabigo at parehas naloko. . Pag pinagtagpo sila ng tadhana, maniniwala na ba ulit sila sa true love?