<Raven's POV>
"Kuya! Kuya! Wake up na! ", sabi sa akin ni Charles
"Charles, later na, antok pa si Kuya", sabi ko with a sleepy voice
"Akala ko ba kuya mamamasyal tayo ngaun?", sabi ni Charles with matching pout pa. Ang cute naman ng batang to. Di ko matanggihan eh!
"Oh, eto na eto na, maliligo na si Kuya. Bumaba ka na lang at gisingin mo yung dalawang kuya mo.", sabi ko. Tatakbo naman palabas itong si Charles.
Pumasok na ako sa CR. Tapos, naligo na ako. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako. Teka, hindi ko pa nga pala alam kung saan gusto mamasyal nitong si Charles ah. Tatawagin ko sana si Charles pero biglang may pumasok sa kwarto ko. Yung dalawang kapatid este kaibigan ko pala.
"Pare, saan natin ipapasyal si Charles", tanong ko sa kanila
"Eh, yun na nga ang problema eh. Sa park niya gusto mamasyal. Nandun daw yung crush niya ngayon.", sabi ni Jett.
"Oo nga. Paano kung nandun si Ace? Mapapaaway ka nanaman. Baka sa iyo pa matuto mambugbog yung bata.", sabi naman ni Bryce
"Kung dun niya gusto mamasyal, eh di dun tayo. Ako na ang bahala kay Ace", sabi ko
Tumayo na si Jett at umalis. Si Bryce naman ay naiwan at nagbabasa ng libro ko. Wag lang sana niyang mapansin yung journal ko.
"Pare, anong laman nitong journal?", sinasabi ko na nga ba eh.
"Ah, wala, wag mo na pakelman", sabi ko
"Too late na pare, nabasa ko na. Hahahaha", makatawa lang wagas?
"Teka, puro love story niyo ni Jamielle oh! Simula nung ligawan mo siya hanggang nung last date niyo! Ang sweet naman!", sabi ni Bryce
"Anong sweet dun? tsk.", sabi ko naman
Kinuha ko na kay Bryce yung journal tapos, bumaba na kami. As usual, nakahanda na ang breakfast namin at ako nanaman ang maghuhugas. Kumain na kami ni Bryce then, naghugas na ako ng pinggan. Pakinig na pakinig ko yung pinag uusapan nina Charles.
"Charles, maganda ba yung crush mo?Ayyiiiieeee!", sabi ni Jett. Grabe naman to
"Oo naman kuya! Mana ata sa ate niya!", sabi naman ni Charles. Kabata pa eh!
"Teka, may ate siya? Pakilala mo naman sa akin Charles!", sabi naman ni Bryce
"Hindi ka niya magugustuhan kuya. Wala na ulit yung balak umibig", sabi ni Charles. Teka, ako lang ang Peg?
"Ah ganun ba.", sabi naman ni Bryce tapos lumingon sa akin with matching Pang aasar smile
Hindi ko na lang pinansin yun. Natapos na akong maghugas ng pinggan. Niyaya ko na sina Bryce at Jett.
"Tol! tara na!", sabi ko.
Umalis na kami. Nag taxi kami papunta sa park kasi medyo malayo sa bahay yung park. Kaya naman naming lakadin kung hindi namin kasama yung bata.
Pagkadating namin sa park, naghanap kagad kaming tatlo ng aming mauupuan. Si charles naman ay kanina pang may hinahanap.
"Charles! Anong hinahanap mo?", tanong ko sa kanya
"Tol, mali ang tanong mo, Charles, SINO ang hinahanap mo? Ayyyyiiiiieee!", sabi naman ni Jett. Ito talagang mga to, kung ano ano ang nalalaman.
"Ah, eh, kuya, hinahanap ko siya", sabi ni Charles
"Ha? SInong siya?", tanong naman ni Bryce. Kunwari ay hindi alam eh!
"Si Cherry, yung crush ko. Nandito daw siya tuwing weekends eh", sabi naman ni Charles.
Umalis na ulit si Charles at hinanap ulit si Cherry. Grabeh. Buti pa yung bata may love life. Ako nasawi na eh. Hayy. Mamaya maya ay bumalik ulit si Charles.
"Kuya! Kuya!", si Cherry naiyak!", sabi ni Charles. Ayyiiee! Concern!
"Bakit daw", tanong naman ni Jett.
"Sumabit sa puno yung saranggola na binigay sa kanya ng daddy niya", sabi ni Charles
Sinundan namin si Charles. Doon namin nakita ang isang batang babae. Pero, hindi na siya naiyak. Nakasmile na siya. Napansin ko na may naakyat na pala sa puno. Teka, parang babae yun ah.
" Baby Cherry, eto na yung kite mo oh", sabi nung babae
"Thank you ate Violet!", sabi ni Cherry. Tuwang tuwa siya.
Siya ata yung sinasabi ni Charles na ate ni Cherry. Tama siya. Maganda nga si Violet. Simple lang. Kumbaga hindi mo kagad mapapansin ang kagandahan niya sa isang tingin. Medyo alangan ang pwesto ni Violet sa puno kaya nahirapan siyang bumaba. Mamaya maya, nahulog na siya
"Ate!!!!", sigaw ni Cherry
Hindi ko alam ang ginagawa ko pero bigla na lang akong napatakbo sa may puno at sinambot ko siya. Buti na lang mabilis akong tumakbo. Ang ganda talaga niya lalo na sa harapan. Nagkatitigan kami. Tapos, binaba ko siya.
"Ayiiieee!! Si Kuya Raven! Naibig na!", sabi ni Charles. Grabe. Namula ako. Nakakahiya.
"Hahahaha. Si ate Violet namumula!", sabi ni Cherry. Namumula nga yung babae
"Sir, thank you nga pala sa pagsambot sa akin ha", sabi ni Violet. Kapansin pansin pa din sa kanya ang pagiging simple niya dahil sa T shirt at pantalon lang ang suo niya with matching rubbershoes.
"Uhm, Raven, Raven Nixon Decillo, thats my name", sabi ko sa kanya
"Hi, Im Violet. Saphire Violet Salvador", sabi naman niya. Then, biglang nagring ang phone niya. Mukang may problema ata sa bahay nila.
"Uhm, Raven, Kelangan ko na umalis. Hinahanap na ako sa bahay eh. See you around na lang", sabi niya habang patakbong lumayo sa amin kasama si Cherry.
"Ewan ko lang ha. Pero malakas ang kutob ko na mababago nung violet na yun ang Buong pagkatao mo", sabi ni Jett
Ewan ko lang. Tama na sa akin ang masaktan ng isang beses. Besides, hindi ko rin naman sure kung magugustuhan niya ako. Bad boy kaya ang PEG ko. Baka pati siya matakot sa akin eh.
"Sayang kuya! Di ko tuloy nakausap si Cherry", sabi ni Charles. Natawa naman kaming lahat.
Tumayo na yung dalawa kong kasama at nagyakag na kumain sa labas.
"Uhm, Charles. Saan mo gusto kumain. Sa Jollibee o sa MCdo?", sabi ni Jett
"Kuya naman, im not a kid anymore", sabi ni Charles
"C'mon, sa Mcdo na lang tayo", sabi ko
Nagtaxi kami papuntang MOA. The, kumain kami sa MCdo. Nagpahinga kami pagkatapos kumain. After a few moments ay naglaro kami sa Time Zone.
"Kuya! kuya!, ikuha mo ako ng Stuff toy!", sabi ni Charles
"Teka, akala ko ba hindi ka na kid", sabi ko
"Kuya, hindi naman para sa akin eh. Alam mo na kung para kanino yun.", sabi ni Charles. Alam ko na nga.
Sinwipe ko yung card ko. Then kinabig ko yung joystick. Tinapat ko yung claw dun sa cute na teddy bear. Then, I pressed the red button. Bumaba yung claw and nakuha ko yung stuff toy,
"Yehey! Thanks kuya! Im sure Cherry will love this!", sabi ni Charles.
Sinubukan ko uli kumuha ng stuff toy. Kapag sinuswerte nga naman. May nakuha ako. At alam ko kung kanino ko to ibibigay.
"Kuya, Para kanino yan?"
"Para sa Ate mo"
"Ayiiieeeee!"
Pagkatapos ng ilang mga laro ay umuwi na kami. Halatang pagod na pagod na itong pinsan ko. Kaya natulog na siya. Nasa kabilang kwarto naman yung dalawa kong bestfriend. Nandito ako sa kama ko ngayon. Hawak hawak ko ang teddy bear na nakuha ko kanina.
"Sana makita kita muli", sabi ko habang nakahawak pa rin sa stuff toy
"Violet, sana magpakita ka ulit sa akin"
Then, I fell asleep

BINABASA MO ANG
Give me a chance
Fiksi RemajaDalawang taong galing sa masamang nakaraan. Parehas lang nawalan ng pag asa. Parehas nabigo at parehas naloko. . Pag pinagtagpo sila ng tadhana, maniniwala na ba ulit sila sa true love?