Chapter 5: The Kingdom of Hearts I

4 0 0
                                    

<Raven's POV>

Kanina pa akong 7:00 nasa harap ng school. 8:00 na, wala pa rin si Violet. Asan na kaya yun? Baka nakalimutan na nun yung usapan namin. -_-

Mamaya maya ay may taxi na tumigil sa harap ng school. Si Violet na siguro to. Pagbukas ng pintuan ng taxi,

"Violet!! Late ka na!", sabi ko sa kanya

"Huh? Hindi ako si Violet", nyek! Si Dashielle pala yun!

"Ai! Sorry poooo! Wala pa kasi si Violet, kanina ko pa iniintay, anong ginagawa mo dito?", tanong ko kay Dashielle.

"Iniintay ko si Bryce, teka, di mo ba siya kasama?", Huh? Walang binanggit si Bryce sa akin na aalis sya. Ang alam kong umalis ay si Jett eh. Wala kasi siya sa kwarto niya. Si Bryce naman tulog pa noong umalis ako para ihatid si Charles sa mama niya. Bumalik na kasi dito si Tita eh kaya di na namin kasama yung makulit na batang yun.

"Tulog pa si Charles nung umalis ako eh", sabi ko sa kanya

Then, may nagsalita sa may likudan ko,

"Pare!"

"Dashielle!"

Teka, si Violet at si Bryce yun ah!

"Bakit late ka na Violet?", tanong ko sa kanya.

"Tanghali gising ko eh", sabi niya.

"Guys, una na kami ni Bryce ha! Marami pa kaming pupuntahan", sabi ni Dashielle. At san naman sila pupunta ehem?

"Okay. May pupuntahandin kami ni Violet. Bye guys!", sabi ko

"San tayo pupunta?", tanong ng cute kong kasama este ni Violet

"Napuntahan ko na yung Magandang Restaurant kahapon. Maaga akong nakatapos kaya pinuntahan ko na din yung beach. Pupunta na lang tayo ngayon sa Kingdom of Hearts.", sabi ko sa kanya. Wala akong balak idate si Violet. Maganda lang talaga yung Kingdom of hearts.

"Ha?! Eh bakit ka dun pumunta kahapon para sa beach na lang tayo ngayon?", tanong niya. Eh, kasi naman, dating place ang KOH

"Hindi nga ako papasukin eh. Wala daw akong kadate!", sabi ko sa kanya. Tapos, nag please-go-with-me look ako sa kanya

"So, ako ang balak mo maging kadate? Ayoko no!", sabi niya. May angal pa eh!

"Yun lang naman ang papalabasin natin para makapasok tayo doon!", sabi ko sa kanya. Please naman sumama ka na.

"May iba pa bang option?", hay naku! Sabi na nga ba at tatanungin niya ako nun eh.

"Wala!", sabi ko sabay hatak sa kanya. Ang kulit niya eh sabi nang dun ko gusto pumunta!

"Hoy! Bitawan mo ako! Bitawan mo ako! Ayoko sumama sayo!", Ewan ko sayo -_-

"hindi naman tayo magdadate eh! magiinterview lang tayo!", sigaw ko sa kanya! Galit na ako ha.

"Woah O_O", yun lang nasabi niya. Natakot ata sa akin

"Ano, sasama ka?", Medyo kumalma na ako

Tumango lang siya. Nagpipigil pa nga ng tawa.

"Bakit ka natawa?", tanong ko

"Ang dali mong mainis!", sabi ko

"Ang kulit mo eh! Tara na nga!", tapos, isinakay ko siya sa taxi. Ginamit ni Jett yung car ko. Nasa talyer kasi yung kanya.

"Sir, san po kayo?", tanong sa amin nung driver.

"Kingdom of Hearts po", sabi ko.

"Magdadate po kayo sir?", sabi nung driver. Mapagtripan nga itong babaeng ito XD

Give me a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon