Sabado ngayon, walang pasok. Pagkagising ko ay naalala ko yung nangyari kahapon. Tama ng ang mga pare ko. Dapat ko na siyang kalimutan. Hindi siya deserving para sa akin. Babangon na sana ako pero may napakinggan akong naglalakad papunta sa kwarto ko.
Teka, parang alam ko kung sino ito ah. Imbis na bumangon ay nagtulog tulugan na lang ako.
"Raven!!!!! Gising na!!!! Alas Nueve na tulog ka pa rin!!!!", sigaw sa akin ni Jett habang hinahampas ako ng unan. Grabe to ah, kala mo kwarto nya eh!
"Tol! tara basketball tayo sa court nyo!", yaya sa akin ni Bryce.
"Hindi pwede pare eh. Pinapaayos pa ang court namin. Sa park na lang tayo", sagot ko
Tumayo na ako at inayos ko ang kama ko. Ang aga naman kasing magising ng mga ito. Dito sila nagiistay sa bahay namin since nasa ibang bansa naman ang parents namin. Payag naman sina mommy at daddy dahil sila na ang bestfriend ko since grade 1.
"Oh, ano pang hinihintay niyo, tara na!", sabi ko sa kanila.
"Aalis ka ng hindi naliligo? Ayos ka din ano!?", sabi ni Jett
"Hahahaha. Baka imbis na lapitan ka ng mga babae nyan eh layuan ka pa", sanbi naman ni Bryce
"Wala akong pake sa mga babae", sabi ko sa kanila habang papunta sa CR. Wala na naman akong balak umibig ulit.
"Sa ngayon masasabi mo yan pare. Pero awan ko lang kapag nainlababo ka na ulit", sabi ulit ni Bryce
Hindi na ako nagsalita. Naligo na lang ako. Hindi ko nga ba alam kung bakit niya ako iniwan. Mayaman naman ako. Mabait din ako noon. Kaya lang ako nagkaganito dahil iniwan niya ako. Lahat binigay ko sa kanya. Pero bakit ganon? Nagawa pa rin niya akong iwan?
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako ng Pambasketball kong damit. Wala din yung dalawa sa kwarto ko. Siguro naguumagahan na sa baba. Inayos ko na din yung dadalhin ko. Nagdala ako ng extra short, extra T- shirt at saka panyo. Syempre kailangan ko din namang alagaan ang sarili ko para iwas sa sakit. Alam ko kasing mga katropa ko lang ang mahihirapan pag nagkalagnata ako eh.
Pagkababa ko , nakahanda na ang umagahan ko. Ang bait talaga ng mga katropa ko.
"Pare, kain na", sabi ni Jett
"Thanks pare, bait mo naman", sabi ko
"Ikaw pa rin ang maghuhugas ng pinggan. Pahuli huli ka kasi magising", sabi ni Jett. Oo na tanggap ko na. Paghuhugas lang naman ng pinggan eh.
Natapos na ako kumain at maghugas kaya umalis na kami sa bahay.
Naglalakad na kami papunta sa court. Kanina pa daldal ki daldal si Jett. Si Bryce naman eh nakikiride na lang sa sinasabi ni Jett. Ayos na kasi sa akin na walang lovelife basta kasama ko ang mga ito.
Ang buong pangalan ni Jett ay Jett Rivera. Girlfriend nya yung classmate namin. 3 years na silang mag on. Ang buong pangalan naman ni Bryce ay Bryson Kace Santos. Wala pang girlfriend. Parehas silang mayaman.
"Hahahahahahahaha! Pare! Tanda mo pa noong binato ng itlog sa school si Raven noong first year pa tayo?", sabi ni Jett na mamamatay na ata sa kakatawa
"Oo nga pare! Kawawa yung nagbato! Bugbog sarado eh!!!! HAHAHAHAHAAH!", sabi naman ni Bryce. Tuwing namamasyal kasi kami ay Pinag uusapan namin yung mga nangyayari dati.
"Sa lahat ba naman ng nangyari yan ang natandaan niyo?", sabi ko nang nakatingin sa kanila. Mamaya maya ay napatigil sa paglalakad yung dalawa. Ano kaya ang nakita ng mga to? Parang nakakita ng aswang eh.
Lumingon na lang ako. Nakita ko si Ace. Ang kaaway ko. Siya ang umagaw kay Jamielle sa akin. Si Jamielle ang ex ko. Ang babaeng minahal ko at halos binigay ko na ang lahat. Hindi ko mapigilang umiyak. Dito ko lang nalaman na nasa Park na pala kami.
"Ah! Raven, nandito ka pala", sabi ni Ace
Hindi ako nagsalita. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Ganyan ka na ba bumati ngayon, aking kaibigan?", sabi niya sarcastically
"Kahit kelan, hindi kita naging kaibigan", Sabi ko. Galit na galit na ako
Lumapit si Jamielle sa amin. Ang kapal din ng muka ng babaeng ito ah.
"Hi Raven! How are you my dear?", aba! Landi ah!
"Nakuha mo pang bumati", sabi ko
"Natanggap mo na bang talo ka?", sabi ni Ace
"Ako? Talo? Hindi ako talo. Panalo pa nga ako dahil kumalas na sa akin yung ahas. Sa iyo na sumasabit", sabi ko. Yan ang dapat sa kanila!
Halatang galit na galit na si Ace. Sinuntok niya ako. Umilag ako at sinuntok ko siya sa tyan. Nagbugbugan kami sa park. Kaunti lang naman ang tao noon. Nasuntok ko ang muka nya kaya dumugo ang labi niya. nagkagalos naman ang noo ko. kinabig ko ang T-shirt niya at sinuntok ko ng napakalakas ang tyan niya. Napahiga siya. Pinigilan na ako ng mga kabarkada ko
"Pare, tama na, tara na", awat sa akin ni Jett
"Saka na lang tayo magbasketball", sabi naman ni Bryce.
Tumayo na ako at tinalikuran ko na sila. Hindi lang yan ang unang beses na bugbugin ko si Ace. Simula noong agawin niya sa akin si Jamielle, lagi na kaming ganito pag nagkikita kami.
Tahimik kaming naglalakad pabalik sa bahay nang biglang nagsalita si Bryce
"Tama lang ang ginawa mo pare. ", sabi niya
Siguro nga nakapagmove on na ako kay Jamielle. Galit na lang ang natitira kong feeling para sa kanya. Pero, iba kasi kami. Siya, may pampalit na. Ako, wala pa. Kaya kahit papaano, talo ako kasi siya masaya sa bago niyang kasama eh ako hindi.
<Fast Forward>
Nandito na kami ngayon sa bahay. Nagamot ko na yung sugat ko. Mamaya maya ay may nagdoorbell
DINGDONG! (Ang cheap ng sound effects XD)
Pinuntahan ko. Yung tita ko pala nandito.
"Hi Tita! Tara po, pasok po kayo", sabi ko
"Sige, ayos lang Raven, Teka, anong nangyari sa iyo, bait may sugat ka?", tanong ni tita.
"Ah, wala po, napaaway lang po", sabi ko
"Ay, nako Raven! Diba sinabi ko na sa iyo na umiwas ka sa mga away na ganyan! Di bale na. Ihahabilin ko muna sa inyo itong pinsang mong si Charles. MAwawala ako dito ng 3 araw. Sa miyerkules pa ang balik ko. Kayo na ang bahala sa kanya ha. Geh una na ako", sabi ni tita
"Sige po tita, kami na po ang bahala kay Charles", sabi naman ni Jett. Pagkatapos ay umalis na si Tita
"Kuya Raven! Kuya Raven! Let' play!", yaya ni Charles
"Okay baby, what do you wanna play?", sabi ko. Grade 5 lang naman itong lalaking ito kaya madali lang makipaglaro dito.
"Kuya, Laro tayo ng Video games mo", sabi niya
"Sure naman!", sabi ko
Naglaro kami ng naglaro hanggang gabi. Expert pala sa mga ganitog laro ang pinsan ko. Kanina pa kaming natatalo. Pagkatapos magsawa ay natulog na kaming lahat. Maaga kami natulog kasi maaga kaming mamamasyal bukas.

BINABASA MO ANG
Give me a chance
Teen FictionDalawang taong galing sa masamang nakaraan. Parehas lang nawalan ng pag asa. Parehas nabigo at parehas naloko. . Pag pinagtagpo sila ng tadhana, maniniwala na ba ulit sila sa true love?