A/N: Random reader dedication ♥ Keep reading guys! Leave some comments and VOTES
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
BREA's POV
Nag umpisa ung first day ng camping sa isang malamig, at tahimik na umaga. Dinig mo ung hangin, ung ilog, pati ung mga ibon. Ang sarap sa feeling ng ganto. It feels so peaceful.
It's around twelve, nang matapos na lahat ng estudyanteng kumain ng tanghalian nila, tinawag na kami ng coordinator.
"Ok guys! How's your morning? Refreshing right?" May mahinang bulong-bulungan as a response on the coordinator's question.
I felt a light poke on my shoulder.
"Hey. Mornin'"
Then his lips form a small smile. He looks good on his hot pink sweater and on his just-woke-up hair. Yea.. Good morning.
"Goodmorning din, Salt."
"So magkakaro'n tayo ng palaro to start up our camping. This game is called The Amazing Race. I'm sure you know the game. So, every team has four members. The mister on my side here, Frenzie, will go around and let you pick your group number." Umikot na nga si Kuya Frenzie na may dalang fish bowl na may lamang nakarolyong mga papel
"So, makukuha nyo ung first clue samin ni Miss Cherrie kung magagawa nyo ung first challenge. The first group who can make na challenge will receive the first clue. Pabilisan ito ha. Magtatayo kami ng bonfire dito at dito ang starting at finishing line natin. You get the clue, you go figure out what it is saying, get the job done there, get the flag and the clue that will lead you to another post. Easy and basic right?" Natapat na sakin ung bowl. I got number Five. Tiningnan ko si Salt kung kukuha sya pero hindi.
"Kahit gustuhin kong sumali, di pwede eh." Saka naman sya napakamot sa ulo nya. Sayang naman.
"We have a total of 10 posts everywhere in the mountain. Every post has a coordinator. Kung ano man ung hingin nila o ung ipapagawa nila, you need to do it in order to achieve the another clue. Ten clues and flags are required here in the finish line.
The prizes are good. Additional grades for all of your subject. 100% on your three quizzes on Environmental Science, 4,000php cash, Four tickets to Enchanted Kingdom with transpo. Ano? Ok na ba un?" A loud cheers are raging on us. Ang ganda naman pala ng prizes eh! Astig!
"Nakakuha na ba lahat ng group number? Ok. Please go to your group. The lady there, Miss Jielyn, up to this guy in my side, Mr. Frenzie, will represent your group numbers. From 1-10. Please go to your respective places! Go!"
Pumunta na ako sa panglimang taong nakatayo. Si Ms. K ung natapat sa'min.
Oh. Sheez.
Can I transfer to number 6? 7? or 8?
KAGRUPO KO SI ROBERT.
Napakamot ako sa ulo. Tangmangga. Kung talaga naman talagang sweswertehin ka eh. Ayoko!!! Hindi ako makakagalaw ng ayos kung andyan yan! Nako naman ooooh!
"Oh, Brea! May problema ba?" Tanong sakin ni Marcus, kagrupo din namin.
"Ah-heh. Wala." Nakakainis.
Napatingin ako sakanya. Bakit sya parang di apektado? Wew. Brea, keep calm. Dapat di ka din mukhang apektado. Chin up baby.
"Attention players!" Lahat naman ng students nakatingin na sa coordinator. Teka, ano bang pangalan ng coordinator namin?
BINABASA MO ANG
Friend Zone
Teen FictionMasakit umibig sa kaibigan. Kasi kakilala mo sya ng matagal na panahon tapos pag naging kayo naman may possibility na mag hiwalay kayo and mawala lahat ng pinag samahan nyo. Pero hindi rin naman magandang magmahal sa di mo kakilala. Like, "hello?" D...