Love Letter #12

484 15 16
                                    

MONDAY is hell.

Nakaupo ako ngayon sa isang nakakaboring na lugar kaharap ang nakakaboring na propesor na nagsasalita ng kung anu-anong nakakaboring sa mga estudyanteng boring na boring.

Bakit ba kasi kelangan pang pag-aralan ang History? Di ba pwedeng lahat tayo mag move on na?

Move on.

Okay...

No. I will not let myself to go to that restricted state of mind again.

Kay? Thank you.

Nakasalumbaba lang ako sa mesa ko saka tumingin sa bintana. Sigh. 

Sa mga gantong klase ng araw gusto kong bumalik ng Laguna. It's been three days since that escapade. Gusto ko na ulit ma-relax. But up until now, wala man lang text galing kay Red. Bakit kaya?

Wala pa ring text galing kay Robert. Sigh. Tapon ko na cell phone ko. Walang nagtetext.

!Beep-beep! !Beep-beep!

Napadukot ako sa cellphone ko na biglang nagvibrate.

Then my heart skip a beat.

1 message from Bogs

Kinakabahan, natutuwa, naiinis ako ng nakita ko notification. Nagdalawang isip pa ko bago ko buksan ung message. Pero nacurious ako sa pwede nyang sabihin kaya naman binuksan ko.

I miss you.

Just plain three words. Medyo napanga-nga ako konti saka 'bumilis ung tibok ng puso ko. Miss nya ko? I held my breath for how many seconds then closed my eyes. Pag exhale ko, andun pa rin ung text.

Irritation creeps into me. Nakakainis talaga kasi ginugulo nya ako! Ginugulo nya ung isip ko! Ginugulo nya feelings ko. Please lang, Robert, tama na.

Pero gusto mo din naman to diba? Na naaalala ka nya. Na iniisip ka pa din nya.

Pero ewan! Di naman ata tama to. Di nya dapat ako pinapaasa sa mga di naman dapat asahan. I sigh deep then buried my face on my table.

I texted him back.

Wrong send ka?

After ten minutes, I got no reply. So I think I should slip it away. Di ko dapat sya hinahayaan na guluhin ako saka istorbohin ung utak ko lalo na ngayong nakatingin ung propesor ko sa'kin who throw me a look that suggest me that he's waiting for my answer.

Napatayo ako agad saka ko itinuwid ung long shirt ko. "Pardon Sir?"

"Sabi na wala ka sa sarili e." Sabay talikod ni Sir para magsulat sa white board. Okay, what's that? Pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko. Dahan dahan ako umupo.

Nilingon naman ako ng kaklase ko na nakaupo sa harapan ko. "Hindi ka tinanong ni Sir. Tiningnan ka lang nya para malaman kung nakikinig ka ba sakanya." She shrugged it off then pays back attention to Sir.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friend ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon