Tinutukan nya kami ng flashlight. Medyo masakit nga sa mata eh.
"Oh mga iho, iha. Anong ginagawa nyo dito? Gabi na ah." Matanda na sya. Naka camesa-de-chino si Lolo. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Robert.
Dinala nya kami sa maliit nilang bahay. Kwinento namin sakanya kung anong nangyari samin.
"Aba'y ganun ba? Baka naman tinatakot lang kayo ng sinasabi nyong coordinator." Saka tumawa si lolo. Nagkatinginan uli kami ni Robert.
"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ni Robert kay Lolo.
"Anak, hindi totoo ung sinasabi sainyo dun." Tumawa uli si Lolo. Huh? "Matagal na ako dito. Nauna pa nga ako dyan sa mansion na yan. Pinagawa yan ng kano dito. Kaso nasama yan sa kaingin kaya nasunog."
What the hell?! Napakalakas naman ng trip ng mga coordinators! Pano kung merong may hika samin, o kaya sakit sa puso? Anong gagawin nila kung may inatake samin dahil sa kagagawan nila?!! Ugh. I'm freaking pissed! Dahil sa prank nila I'm stucked with my ex-freaking-bestfriend.
I manage to heave a sigh.
"Matutulungan nyo po ba kaming hanapin ung camping site namin?" tanong ko kay lolo.
"Oo naman. Medyo kabisado ko naman na din ung bundok. Pero bukas ko pa kayo madadala kasi medyo mahina na ang lolo nyo at madilim na sa labas."
I start to panic. Does that mean...
"Sorry po, pero ayoko po mag palipas ng gabi dito." Agad kong sabi kay lolo. Naramdaman ko ung mabigat na tingin sakin ni Robert.
"Aba iha, kung ayaw mo dito e andyan lang naman sa taas ung mansyon kung mas gugustuhin mo dun." Sabi ng boses mula sa likod ko. Hula ko, asawa ni lolo un. Hindi kaya na mis-interpret nila ung sinabi ko. Ugh, ang sama ko naman. Sila na nga ung nagooffer, sigh
"Meron po ba kayong bakanteng kwarto dito?"
"WHAT?!" Medyo nagulat ako sa tanong ni Robert. Ay talaga naman! Hindi ba sya nag iisip?!
"Shut up Brey." Bulong nya sakin. "You don't want them to be upset more."
Tinalasan ko ung tingin ko sakanya. Is he doing this on purpose? Is he trying to get back at me?!
"Aba! Meron!" Masayang sagot ni lolo. "Yung anak kasi namin nasa bayan pa. Hindi sya makakauwi hanggang bukas kaya kung magiging ayos lang sainyo eh, pwede nyo namang gamitin ung kwarto niya."
Sasabihin ko sana na baka pwede naman na kasama ko na lang sila lolo at lola sa kwarto kaso ayoko namang isipin nila na nagiinarte ako. Tsaka, privacy. Kahit pa matanda na sila. Hay, wala na ata talaga akong magagawa.
"Maraming salamat po." Sagot ni Robert and I practically rolled my eyes on him.
"Nakahanda na ang hapunan mga bata." Tawag ni lola samin.
Nauna ng umalis si lolo para saluhan si lola. Naiwan kaming dalawa ni Robert sa sala.
BINABASA MO ANG
Friend Zone
Teen FictionMasakit umibig sa kaibigan. Kasi kakilala mo sya ng matagal na panahon tapos pag naging kayo naman may possibility na mag hiwalay kayo and mawala lahat ng pinag samahan nyo. Pero hindi rin naman magandang magmahal sa di mo kakilala. Like, "hello?" D...