Love Letter #3

6.6K 37 6
                                    

Nakatingin ako sa salamin. Inaayos ko ung necktie ko. Kinuha ung I.D sa may door knob saka ngumiti.

"Makikita ko nanaman ung bestfriend ko. Nakaka excite!" I said to myself.

Nag bike na ako papuntang school. Sabi nya sakin sasalubungin nya ako sa playground pero wala naman sya. Tss. Palibhasa laging busy dahil sa President sya ng Student Council. Hmp.

Tiningnan ko ung relo ko.. Meron pang dalawang oras bago ng pasok ko. Haaays. Ang tagal nya naman -________-

Naupo ako sa swing. Habang naka stand ung bike.

Nag buzz bigla ung phone ko... I looked at the caller ID.

Bogz.

"Hello?"

"Hello bogz? Sorry late ako. Galing akong meeting. Pasensya na."

"Okay lang. Ano ka ba!"

"By the way.. Tapos na rin naman kami. Nasan ka b--"

Ended. Hala? Ang labo naman ng lalaking un.

"BRRREEEEAAAAAAAAAAAAA!!!!"

Lumingon ako. Nakita ko syang tumatakbo papunta sa direksyon ko. My lips form a smile.

Hingal na hingal syang tumigil sa harapan ko.

"Bakit kasi tumakbo ka pa eh! Di naman ako aalis! Tsk!"

"Wala lang! *hinga* Naexcite lang ako makita ka" :"">

"Tss. Parang galing ako sa kung saang lupalop ng mundo para mamiss mo ako!"

"Luh? Nakakamiss ka kaya!"

Inakbayan nya ako. Nanlaki ung mata ko saka parang feeling ko namumula ung mukha ko. Di pa rin talaga ako nasasanay sa best friend ko.

"Dalawang linggo kita di nakita..." Nagumpisa kaming maglakad habang nakaakbay pa rin sya saakin. "Ano naman ang ginawa nyo sa Palawan? Dapat kasi sinama mo na ako eh!"

"Tssss." Kumalas ako sa akbay nya saka tumigil sa pag lalakad. Hinampas ko sya ng kaunti sa braso nya. "Ikaw nga tong masyadong busy kaya di ka nakasama eh! Remember?  Kaya nakakatampo ka eh! Hmp!"

Nauna na akong maglakad. Nakaramdam nanaman ako ng akbay.

"Ano ka ba bogz! Sayang nga eh. Dapat pala talaga sumama na ako sainyo! Tsss. Sayang talaga! Pero don't worry! Babawi ako! At bilang bawi .... Lilibre kita!"

 Huminto sya sa harap ko saka hinawakan ung dalawang balikat ko.

"Ano bang gusto mo? Tara sa cafeteria?"

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Oh bogz. Pili na! Anong gusto mo for your breakfast?" Nakaakbay pa rin sya sakin. Wala na yun sa mga tao dito. Araw araw nila kami nakikitang ganito ka-close, so we don't mind.

or should I say ..

So he don't mind.

Coz I did.

Not in negative way but in a very special way.

"Gusto ko ng .... Beef tapa, Java rice tska Latte Coffee. Di pa kasi ako kumakain eh."

Friend ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon