My Library Guy

63 1 0
                                    

"Tara na mag library na tayo. Malapit nang mag time!" Sabi ni Mae.

"Teka sandali lang, nakakapagod kayang tumakbo." Pagrereklamo ko.

"Ay nako ang arte mo!" Tapos hinila niya ako paakyat.

"TEKA SANDALEEE."

Si Mae kasi eh, ang controlling talaga. Ayoko naman kasi talagang mag library eh, ang lamig ng aircon doon. Pero at least nakakapag boy hunting ako. Ang raming Koreano sa school namin! Gwapo't single pa!

"Hoy nagiging heart nanaman yang mga mata mo. Eh kung mag aral ka kaya muna?"

"Tss, nanay ba kita?"

Binatukan niya ako. "Buti nga hindi at baka na salvage na kita."

"Nye nye."

Pagpasok namin ng lib, as expected, ay puno ito. Sinamaan ako ng tingin ni Mae pero nag peace sign lang ako. Hindi na uubra sa akin ang mga tingin na yan.

Buti nalang may umalis, umupo kami sa may harap ng aircon. BV! Ang lamig na nga ng lib dito pa kami sa harap ng aircon umupo.

Ay nako, nalimutan ko pala yung libro ko sa bag ko. Nakakapressure kasi tong si Mae eh! Lumabas ako ng lib at kinuha ang libro ko mula sa baggage counter.

Pagpasok ko ng lib napansin kong nawawala ang cellphone ko. Shit san ko ba yun nilagay? Bago pa yun eh!

"Shi-!"

Di ko napansin na may sumusunod pala sa akin. Bumangga yung mukha ko sa kanyang dibdib.

Nakakainis! Ba't ba dikit ba dikit siya sa akin?! Ang sakit tuloy ng ilong ko!

"Ano b-"

Ngumiti siya. "You dropped your phone. Here you go."

"S-salamat."

>//////< Shet ang gwapo niya! Ano kayang pangalan niya? Shet ang cute cute ng ngiti niya! Yung ngiting tipong mapapangiti ka rin.

Sinundan ko siya papasok ng lib. AHA! Titingnan ko nalang yung ID niya pag scan niya. Grabe ang pogi ng kanyang likod! Ang sarap yakapin.

Pumila na ako pero may sumingit. Ugh hindi ko makita ang kanyang ID!

Ugh di ko nakita yung pangalan niya :/ sayang! Ang slow ko talaga.

"Hoy nakatulala ka nanaman diyan." Sabi ni Mae.

Huminga ako ng malalim. "Mae naniniwala ka ba sa love at first sight? Nang makita ko siya parang tumigil yung mundo ko tapos sa kanya lang nakatuon yung atensyon ko, na para bang he's the center of the universe?"

"YUCK! Nakakasuka ka. Sino ka ba at anong ginawa mo sa tunay na Louise?"

"Hay ang bitter mo talaga. Ba't pa ba ako nagtanong sayo ng love advice. Tss."

Tuwing nag li-lib kami ni Mae lagi ko siyang inaabangan. Hindi ko na siya nakita ulit. Isang araw nagkasakit ako, nakakainis hindi tuloy ako nakapag lib!

Pagkabukas umabsent ako ng English para mag aral sa lib. Hoy alam kong anong iniisip niyo pero seryoso akong mag aaral! May quiz kasi kami mamaya kaya kailangan kong bumawi kasi umabsent ako kahapon.

Mag isa akong nag lib. Medyo masama parin yung pakiramdam ko pero ang hirap umabsent pag college na. Ang dami mong ma mi-miss, kaloka!

Pumwesto ako sa malayong parte ng library para makapag concentrate ako at para di ako ginawin.

Pero ang lamig parin. Nakakainis, ba't di ko naisipang magdala ng jacket? Pakiramdam ko bumabalik yung sakit ko >3> ang tanga ko talaga.

"Here," May jacket sa harap ng mesa ko, stripes na blue at white.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

msmermaid's one-shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon