Andrea's POV**
Andrea, 17 years old.
15 years na ako nagkaroon ng bestfriend na ubod ng playboy. at hindi madali maging bestfriend ng isang playboy lalo na't babae ako! ang daming umaaway sa akin kasi napag bibintangan nila akong gf ni Drey.
paminsan nga ginagamit ni Drey ang advantage ng pagka babae ko. kung ayaw na niya sa kadate niya gagamitin niya akong back up para sa kanya.
flashback**
nasa friday's kami ngayon. two tables away ako sa table nina Drey pati sa kadate niya. sa totoo lang ayaw na man talaga niya sa kadate niya eh. napilitan lang siya kasi pinakopya siya ng assignment. nag dedessert na sila nang magsalita si Drey. (may microphone kasi eh pero di mahahalata).
"so, what would you like for dessert? masarap tong chocolate parfait nila."
ngumiti yung babae. "i have another dessert in mind."
tapos nag lean in siya kay Drey. yucks ang landi! biglang sumenyas si Drey. oh, cue ko na!
"Drey!? what the fvck are you doing!?" sigaw ko.
"C-Camille!?" takot na takot na sabi ni Drey. shet, pigil na pigil ako sa pagtawa. Camille? hahaha! last week, Denise ang pangalan ko!
"babe, who's Camille?" tanong nung babae.
tiningnan ko siya with matching head to toe pa. "ako lang naman ang fiancee niya."
"f-fiancee!? pero highschool lang kayo ah!" sabi nung babae.
"mind your own business!" sigaw ko. piningot ko ang tenga ni Drey at kinaladkad siya palabas.
napahalakhak kami sa tawa. shet, ang imba talaga ng plano ni Drey.
"grabe Drey ang sagwa mo naman. di mo nalang inantay na mag bill out ka na." eh kasi naman, yung babae ang magbabayad nung kinaen nila.
"psh. pasalamat nga siya at pumayag ako makipag date ako sa kanya." umakbay siya sa akin. "tara kain tayo, my treat!"
end of flashback**
dati di ko maintindihan yung mga babae kung bakit sila nahuhumaling sa Drey. si Drey na masungit, na mabaho ang hininga kapag bagong gising, na tulo laway, si Drey na tamad, si Drey na di man lang marunong magluto.
hanggang sa ako na mismo ang nahulog sa kanya.
hahahahhaah alam ko, ang bobo ni andrea. ba't siya magkakagusto sa isang playboy? and to top it all off, best friend pa niya? napangiti ako. di ko rin nga alam eh. ang alam ko.. hindi ko siya matanggal sa isip ko. gabi gabi siya ang huling naiisip ko at sa umaga siya naman ang unang naiisip ko.
"oh bespren, may date ako mamaya. you know the drill right?" sabi ni Drey.
i sighed. "oo na."
humarap siya sa akin. "okay ka lang ba?"
"ah oo, masakit lang ang ulo ko. sige una na muna ako. wag kang mag aalala, pupunta ako sa date mo mamaya."
hay. ganito ang asal ko sa kanya these past few days. pano ba kasi, parami ng parami ang mga babae niya. hindi ko mapigilan ang masaktan dahil sa kanya. hindi ako nakapag concentrate sa mga lessons. haayyy ang bobeta ko talaga.
"mag tatanga tangahan ka nalang ba diyan ha?" sabi ni Cindy, best friend ko rin.
"Cindy.. ayaw ko naman kasi mawala siya sa tabi ko."
"pano ka naman nakakasigurado na mawawala siya sa tabi mo?"
"sure lang ako."
"bobeta ka talaga." tapos binatukan niya ako. "di mo pa nga nasusubukan, ganyan ka na agad."