Merry Christmas everyone! Sana naman naenjoy niyo ang taong 2012. Malapit na pala mag o-one year ang profile ko at ang PDG yipeee! Based on true events to ;)
*Peach's POV*
Ako nga pala si Peach, isang college freshman. BSA ang course ko at nag-aaral ako sa isang sikat na school dito sa Metro Manila. The best thing about college? It's the hot boys! As in, kahit san ka man tumingin may makikita ka talagang cute boys. Busog na busog nga ang mga mata namin ni Cindy, yung best friend ko.
Pero, sa buhay ng isang babae kahit ilang man ang crush niya eh may isang lalake na hindi mapapalitang ng ilan mang lalake, gaano man ka hot! Isa na ako sa mga babaeng yun. Highschool palang crush na crush ko na siya. He's the typical popular guy; gwapo, athletic, mayaman, matalino at higit sa lahat mabait. Sa barkada nila he stand out kasi he's the nicest one among them.
Naku kung makapag kwento ako tungkol sa kanila eh parang kilala ko na siya ano? Hahaha! Ni tingin mula sa kanya eh di ko makuha. Hindi niya nga siguro alam na nag eexist ako eh :(
Balita ko nga sa States siya mag aaral :( kaya broken hearted ako nang bonggang bongga. Kaya nasa quadrangle kami ni Cindy, mag boboy hunting sana kaso nag ring na ang bell eh. Palibhasa kasi laging late itong si Cindy. Like hello! This is college! Hindi niya ba alam na kapag late ka eh katumbas yun ng isang absent?!
Kaya ayun dumiretso nalang ako sa klase. Ang saklap nga kasi first period ko ang Math. Pumwesto ako sa may likod, ayoko kasing matawag ng teacher. Kinuha ko ang pinakamamahal kong Starbucks planner mula sa bag ko na sobrang pinaghirapan ko. Ilang gabi rin akong hindi nakatulog dahil dito -__-
Ayun nag check lang ako ng sched. Buti nalang half day lang ang classes ko! MWF morning lang kapag TTH naman hapon. Ohyeah this is the life!
"You're late Mr. Escudero."
Escudero? :( Awww yun kasi ang last name ng crush ko. Naman, napaka common ng name na yun. Nag check lang ako ng sched ko for today nang biglang may tumabi sa akin. Yung late ata?
"Okay class, since masyado nang mainstream ang pag punta dito sa harap at pag sabi ng short info about yourself i want you to get a piece of paper; write your name and a short introduction about yourself."
Hmmm mukhang enjoy to ah. Kumuha ako ng papel mula sa bag ko at nagsimula nang magsulat. Ano bang ilalagay ko dito? 'Name: Peach dela Torre Age: 17 Peach Angela dela Torre ang buong pangalan ko-' bigla akong kinalabit ng katabi ko.
"Um, may papel ka ba?"
OH-MY-GOD. Totoo ba to!? S-si.. Si..
"Okay ka lang ba?"
"A-ah, oo." Agad agad kong kinuha yung one fourth ko mula sa bag and with shaky hands I handed it to him. Mukhang na we-weirduhan na nga siya sa akin.
"Salamat."
Omg omg omg!!!! Is this real? Totoo ba ang lahat ng to? Siya ba talaga to? Kinurot ko ang sarili ko. Ow! Masakit! So totoo nga ang lahat nang to? Sumilip ako sa kanya through my bangs. Naks, ang gwapo parin niya! As in, super duper.
Si Ralph Escudero.
B-ba't ba nandito ang lalakeng to!? Akala ko ba nasa States siya? Hindi na ako makikipag plastikan sa inyo guys, I'm super happy na nandito si Ralph and to top it all off he's my seatmate!
"Pass your papers forward. 1! 2!"
ANO!? Hindi ko pa natatapos ang paper ko eh! Nakuuu pano na to!?
Aishhhh bahala na nga si batman!
"Are all the papers in?"
"Yes."