sabi nila pag sinulat mo ang pangalan mo sa likod ng notebook mo with your crush's last name magiging kayo daw within one week.
ako nga pala si Shanelle, isang senior. magaling akong mag drawing at sumayaw pero para sa akin hindi yun importante kung hindi naman yun mapapansin ng crush mo. si Mike ay isang senior din sa school namin, magkaklase kami. gwapo, tahimik at matalino. masasabi mong crush ng bayan si Mike.
crush na crush ko rin siya of course. araw araw lagi kong tinitingan siya. pero hindi niya naman ako kilala kahit sumasayaw ako at magaling mag drawing. kahit na magka club kami hindi niya ako pinapansin. on the other hand may stalker ako from the photography club, si Brandon. hindi ko naman siya type pero lagi siyang sumusunod sa akin at kinukunan ako ng litrato.
sana si Mike nalang yun -.-
nag cr muna ako bago pumasok sa classroom namin. strict kasi ang teacher namin, hindi kami pinapa break pag nagkaklase na, ang oa lang. bigla namang pumasok ang dalawang classmate ko. nag hi sila sa akin at patuloy lang ako sa pagsusuklay habang sila kwento ng kwento.
"uy June, seryoso totoo ba yun?"
"ang alin?"
bigla naman siyang binatukan ni Patricia. "sira, yung sabi nila kapag sinulat mo raw ang pangalan mo pero apilyedo ng crush mo sa likod ng notebook mo eh magiging kayo."
um-oo naman si June. "naging si Allie at Sam nga dahil dun eh."
"oh? di nga?"
"oo nga! paulit ulit?!"
"matry nga!"
tapos nag kulitan na sila. bumalik na ako sa classroom. totoo kaya yun? wala naman sigurong mangyayari kung ittry ko diba? mabuti pa at tingan ko nalang kung anong mangyayari sa love life ni Patricia, buti nalang at seat mates kami! makikita ko kung anong resulta hahaha!
sa sobrang pag-iisip ko di ko napansin na may nakabangga pala ako. agad namang bumilis ang tibok ng puso ko, si Mike! first time naming magkatinginan! omg ang bilis ng tibok ng puso ko! nahulog ang notebook niya tapos ang daming pictures na nahulog. tinulungan ko naman siya at nag thank you sa akin. pero may isang litrato ang naiwan. agad kong kinuha. pero bago kong makita agad kinuha ni Mike sa akin ang picture. nung nakita ko pulang pula siya. anyareh sa kanya??
nagring na ang bell at dumiretso na ako sa classroom. andun si Mike pero ang pula parin niya. porket nakita ko nga lang yung picture ganun na agad ang reaction niya? pero hindi ko naman na obvious kung sino yun eh. baka girl friend niya!? hay kaka bad trip -.-
napansin kong nagsulat na si Patricia. ah crush niya pala yung kaklase naming si Rodney.
mag ffriday nalang at hindi pa parin naging sila. so i guess hindi nga nag wwork yun. hay sayang gusto ko pa namang itry yun :( kaya ayun, tinitingan nalang si Mike from afar.
valentine's day na at ang dami kong natanggap na chocolates. si Mike ganun rin. gusto ko sanang ibigay sa kanya ang chocolate chip cookies na binake ko mismo pero baka hindi masarap, first time ko pa naman mag bake.
english class na at nagbabasa kami ng Romeo and Juliet. nagulat naman ako nang bigla tawagin ni ma'am ang pangalan ni Mike. ang bait kasi niya, never pa napagalitan ng teacher. kawawa naman si Mike :(
"mister Guitierrez, would you mind sharing to us what you are doing?"
napatingin naman siya sa akin. shet ang puso ko!
tumayo siya at pinakita sa buong classroom ang isang page ng notebook na puno ng "Shanelle Tan-Guitierrez" sabay hulog ng mga pictures mula sa notebook niya. pictures na sumasayaw ako, pictures na nag drdrawing ako. agad naman siyang lumapit sa akin.
"sorry Shanelle ah kung laging buntot ng buntot sayo si Brandon, sa kanya kasi ako nanghihingi ng pictures mo. kung gusto mo, babawi ako sayo. gusto mo ba maging totoo ang myth tungkol sa pagsulat ng pangalan ng crush mo sa likod ng notebook mo?"
END.
