ewan si Luhan lang talaga na-imagine ko dito. tsaka ang gwapo niya dun sa drama version ng wolf *u*
----------------------------------------------------------------
NAKUUUU!!! Mahuhuli nanaman ata ako nito sa klase. Patay talaga ako, isang late nalang at suspended na ako. Shit ano nang gagawin ko?!
Kanina pa ako nakatayo dito sa kanto pero wala paring dumadaang jeepney na ruta ko. Tengene naman nito oh.
May dumating na tricycle at bumaba mula rito ang super gwapo na si Kiel. Kaklase ko siya sa Filipino at sobrang bait niya kaya lang nakakahiyang lumapit sa kanya. Bukod sa gwapo siya at sikat, mas matanda ba siya sakin ng dalawang taon kaya nakakahiya talaga. Ano namang ibubuga ng isang freshman na kagaya ko?
Pero ang pogi niya talaga! Pero di lang yun, sobrang bait niya pa. Nang nahuli ako sa klase dati nag sisimula na yung quiz tapos wala pa akong papel. Bigla nalang niya akong inabutan ng yellow pad. Pakiramdam ko ako na ata ang pinaka masayang babae sa balat ng lupa!
Kapag tinawag ako ng prof at hindi ko alam ang sagot, ibubulong niya sa akin yung sagot! Kaya nga kung pwede lang sana araw araw ang Filipino class ko at lagi kaming mag q-quiz! ;)
Pero back to the story, so ayun nga pareho kaming nag aantay ng jeepney pero hindi lang kaming dalawa ang nasa kanto kaya malabong mapapansin niya ako.
Nakuu, 15 mins nalang at mahuhuli nanaman ako! Ba't ba kasi first period pa ang Filipino?! Napakanoa kasi nung prof pagdating sa attendance! Hays.
May paparating na na jeepney at nag handa na ang mga tao. Bihira lamang dumaan ang ruta ng jeep na yun dito kaya kailangan mong sugurin ang jeep. Kung pwede nga kakabit nalang ako!
Nang makapasok ako sa jeep napansin kong puno na ito. Patay, masu-suspend na ako T.T ohindeee!
"kumandong ka nalang sakin." Napatingin ako kay Kiel.
"Seryoso ka ba?" Nasisiraan na ata siya, anong tingin niya sa akin kinder?!
"Oy miss bababa ka ba o hindi?"
"Dali naaa!" At hinila ako ni Kiel sa kanyabg kandungan.
Kapag sumasakay ako ng jeep usually gusto kong mabilis itong magpatakbo para hindi ako mahuli pero ngayon okay lang kahit suspended ako basta forever na ako sa kandungan ni Kiel :">
Nang maka baba na kami sa jeep nginitian ako ni Kiel.
"Sige kita nalang tayo mamaya, punta muna ako sa mga kaibigan ko ah?"
"Sige salamat nga pala ha."
Hay nako, kailan nanaman kaya ako makaka sabay kay Kiel sa pagsakay ng jeep? :">
