Unang Silip

106 9 4
                                    

Unang Silip

Nakakapagod ang araw na ito dahil sa dami ng school activities na ginagawa namin. Busy ang lahat para sa nalalapit na school festival. Mag-gagabi na kaya konti na lang ang mga tao sa eskwelahan. Karamihan ay nagsisiuwian na. Napagpasyahan kong umakyat muna sa fire exit para magpahangin. Mula sa fire exit kitang kita mo ang kabuuan ng eskwelahan. Pagdating ko rito ay may tatlong estudyante akong nakita. Nandito rin sila para tumambay. Nagkukwentuhan sila at malakas na nagtatawanan. Nakasandal sila sa railings habang nakaharap sa aking direksyon.

Umupo ako sa bakal na sahig at huminga ng malalim. Napakapresko ng hangin dahil napapaligiran ang eskwelahan ng mga puno.

Napatingin ako sa baba. May dalawang taong nakatayo sa school grounds. Si Sir Garcia yung isa, nakaharap kasi siya sa aking direksyon at yung isang lalake naman na nakaschool uniform ay nakatalikod. Estudyante niya siguro. Mukha silang nagtatalo. Hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari. Bumunot ng patalim ang lalake at agad na sinaksak ito sa mata ni Sir Garcia. Bumagsak ang katawan ni Sir Garcia sa semento habang sumisirit ang dugo sa kanyang mata.

Nanlaki ang mata ko sa nakita. I gasped. Napalakas yata ang boses ko. Ang mga kasama ko sa fire exit ay nagtaka sa reaksyon ko. Agad akong nagtago sa gilid. Tiningnan nila ang direksyong kanina ko pa tinitingnan. Sumilip ako upang makita ang nangyayari. Ang mga kasama ko sa fire exit ay napatulala at napanganga nang makita and duguang katawan ni Sir Garcia. Nag-angat ng tingin ang lalake. Kitang-kitang ko ang mukha niya. Oh My God! Kilala ko siya. Nakita niya ang tatlo kong kasama sa fire exit samantalang ako'y hindi dahil nakatago ako sa gilid at natatakpan ng tatlong ito. Ngumiti siya na parang isang demonyo. Nakakatakot. Nakakakilabot.

Hindi na ko nag-isip at agad na nilisan ang lugar na iyon. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Takbo ako ng takbo. Kailangan kong makahanap ng pagtataguan. Hindi ako ligtas dahil nandito pa ang pumapatay.

Hanggang sa makapasok ako sa isang kwarto, nanginginig ang buo kong katawan. Nagpalinga-linga ako, naghahanap ng maaaring pagtaguan. Hanggang sa nakita ko ang isang air vent sa taas ng kisame. Tumuntong ako sa katapat nitong lamesa at buong lakas itong inakyat. Ibinalik ko ang takip ng air vent ng makapasok ako at sumilip.

Nakita kong pumasok sa kwarto ang tatlong kasama ko kanina sa fire exit. Halatang hingal na hingal din sila at nagulo ang buhok.

"F*ck! Did we just witnessed a crime scene?!" sigaw ng isang lalake.

"A-anong g-gagawin natin? Ayoko pang mamatay." hysterical na sabi ng babae na umiiyak na.

Ang kanina'y masaya nilang tawanan ay napalitan ng takot at kaba. Buhay ang nakataya dahil sa nakita nila.

"Kailangan nating magtago." kalmadong sabi ng isa pang lalake.

Kanya-kanya silang tago. Ang unang lalake'y natago sa likod ng malaking kurtina. Ang babae'y sa ilalim ng mesa at ang pangalawang lalake'y tumungo sa banyo.

Nagulat ako nang padabog na bumukas ang pintuan ng kwarto. Tinakpan ko ang aking bibig upang walang kumawalang boses. Siya. Siya ang pumapatay. Pumasok siya ng kwarto habang ang kanyang patalim ay ipinadadaan niya sa pader. Rining na rinig ko ang ingay na likha ng metal.

Dahan-dahan siyang naglalakad. Pinagpapawisan na ako ng malamig.

Napangiti siya ng makita niya ang isang pares ng sapatos na nagtatago sa likod ng mga kurtina.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking kukote at kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa. In-on ko ito at simulan i-video ang mga nangyayari.

Inihagis niya ang patalim patungo sa direksyon nito. Ang kula'y puting kurtina ay nabahirang pulang likido. Bumagsak ang lalake hawak hawak ang duguan nitong lalamunan. Nilapitan siya ng salarin, pinulot ang patalim at itinutok sa kanyang leeg. Walang magawa ang lalake. Hindi siya makalaban. Marami nang dugo ang nawawala sa kanya.

"P-pakiusap, w-wag.." pakiusap niya rito. Hirap na rin siyang magsalita.

Mariing hinawakan ng salarin ang buhok nito. At walang sabi-sabi'y nilaslas niya ang leeg nito. Sumirit ang dugo nito at natalsikan pa ang kanyang mukha. Bakas dito ang tuwa. Napaiyak na lang ako. Wala siyang awa, papatayin niya kaming lahat.

"Boo!" sigaw niya nang yumuko siya sa ilalim ng lamesa. Nagtatakbo ang babae pero nahila nito ang kanyang buhok.

"Parang awa mo na.. Huhuhu." iyak ng babae hang sapo nito ang sariling buhok.

"W-walang m-makakaalam ng mga n-nakita ko, pangako!"

Nagsmirk ang salarin.

"Wala talaga." at inihampas nito ang mukha niya sa pader. Paulit-ulit hanggang sa mabasag na ang bungo nito at lumalabas na ang kanyang utak.

Nagtayuan ang balahibo ko. Nakakadiri. Hindi ko na kayang sikmurain ang mga nakikita ko. Para na kong nasusuka.

Diyos ko! Hindi siya tao. DEMONYO SIYA! HAYOP!

Nagpalinga-linga pa siya at naghahanap pa din.

"One to go.." bulong niya.

Huminto siya sa harap ng banyo. Umiling-umiling at sinipa ito hanggang sa masira na ang pintuan.

Nagulat ang lalakeng nagtatago. Sinubukan niyang manlaban pero masyadong malakas ang salarin. Mula sa tinataguan ko ay kitang kita ko pa rin ang mga nangyayari.

Nilulublob niya ang mukha ng lalake sa inidoro. Nanlalaban pa rin ang lalake. Hinila niya ang katawan ng lalake palabas ng banyng banyo. Papikit-pikit na ang lalake na parang nanghihina. Kumuha siya ng isang galon at ibinuhos ito sa lalake. Amoy na amoy ko na gas iyon. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yun. Dumukot siya ng lighter sa kanyang bulsa at sinindihan iyon. Pinaglaruan pa niya iyon sa kanyang kamay bago tuluyang ihulog sa katawan ng lalake. Nangisay-ngisay ito. Kumalat ang apoy sa buo nitong katawan.

Nakatayo lang ang salarin at tuwang-tuwa sa ginawang pagpatay. Hindi ko mapigilang maiyak at tuluyan ng pumatak ang luha ko.

Tumingin siya sa kanyang balikat. Oh My God! Natuluan siya ng luha ko. Napaangat ang tingin niya sa direksyon ko. Buti na lang nakaiwas agad ako ng tingin at nakapagtago.

Unti-unti ulit akong sumilip. Nakadungaw na siya sa bintana. Umuulan pala. Napakalakas ng ulan.

Maya-maya'y nilisan na niya ang kwarto. Naiwan ako doong nag-isa. Napaubo ako. Ang daming usok. Nasusunog na pala ang kwarto. Kailangan kong makalabas dito ng buhay. Nakaligtas man ako sa salarin. Hindi pa rin ako sigurado kung makakaligtas ako sa sunog.

Eye Witness (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon