Chapter 1

4 0 3
                                    

"Last 10 minutes"

sigaw ni Professor Lyn samin habang naglalakad paikot-ikot sa amin. Kahit one-seat apart na nga kami sinisiguro parin niyang walang mangungupya sa amin. tsk.

Kinakabahan talaga ako sa exam na ito, hindi dahil sa nahihirapan ako kundi dahil parang may mali. Panu naman kasi, last week na ng sem namin at tapos na ang final exam pero biglaan kaming pinatawag ng school para sabihing may exam daw at kailangan lahat ng studyante simula freshman hanggang junior college ay umatend.

Isn‘t it weird? They didn‘t even explain what this exam for nor what benefits we could get. Nagtaka nga si mama at papa eh nung nalaman nila tungkol dito, alam kasi nila ang lahat tungkol sa akin lalo na pagdating sa pag-aaral ko. May pagka paranoid kasi sila sa aming magkapatid, masyadong overprotected.

Dahil kinakabahan nga ako kaya sinigurado ko lang na makakapasa ako. 200 lahat ng items na sinagutan namin at halu-halo na lahat ng subject. Sinugurado ko lang na tama ang isang daang sagot ko tapos minali ko na yung natitira. This is what they called "playing safe". Malakas kasi talaga ang instinct ko sa bagay na ito and most of the time it never fails me.

"ok times-up! Pass it everyone" sabi ni prof habang pumapalakpak pa. "Don‘t make noise, just pass it to you‘re front, faster everyone. Double time!" nakita ko yung iba nagsasagot pa, yung iba naman parang nagdadalawang isip pa kung ipapasa ba o hindi. Yung iba parang pinagbagsakan ng langit. tsk. Sigurado akong di sila nakapagreview kaya ganyan ang itsura nila. Kahit ako nga umaasa lang sa stock knowledge. Sino ba naman ang makakapagreview kung kaninang umaga lang kami na-inform tungkol dito. Yung iba nga panigurado may hang-over pa dahil sa gimik.

"That's all for today, class dismissed!" She said then walk-out to the room. Nag-ingayan naman ang mga ka-blockmates ko. Inayos ko nayung mga gamit ko ng biglang sumulpot si Yanna. Bestfriend ko yan simula elementary.

"hoy!" sinundot niya ako. "Kamustang exam? Panigurado nasagutan mo lahat. Kaw pa eh henyo yang utak mo eh." Pailing-iling pa niyang sabi. Hindi ko nalang pinansin ang tanong niya.

"ikaw? Kamustang exam?"

pabalik kong tanong sa kanya habang tumayo at naglakad palabas ng classroom. Sumunod naman siya. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga.

"Panigurado pasang-awa na naman yun." himutok niya. "Uuwi ka na?"

"Oo, pinapauwi kasi ako agad ni papa eh may practice daw ulit kami, kaw ba hindi pa?" tiningnan ko siya.

"Kung uuwi ka na ay uuwi na rin ako noh, anu namang gagawin ko dito eh mukhang pauwi narin naman yung ibang studyante." Patingin-tingin pa sya sa paligid

"Sige una na ako" kumaway ako sa kanya at naglakad palayo. Magkaiba kasi kami ng daan pa uwi kaya hanggang gate lang kami magkasabay.

"Which Star are You from?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon