"Why? Why did you do this to me Cara?"
Nandito ako ngayon sa may sulok ng field. Katatapos lang kasi ng klase namin kaya naisipan kong libutin ulit ang Avera Heights para mas ma-familiar ko ang mga pasikot-sikot dito at saka para makahanap din ako ng permanent tambayan. Sakto namang nakita ko ang lugar nato. Ito na ang pinakasulok ng field kaya wala masyadong napupunta dito at napakaganda ng view dahil nakikita mo dito ang kabuoan ng field pero kung ikaw mismo ang titingin sa pwesto ko mula sa field ay di mo ako makikita dahil may mga kahoy na nakaharang. Para siyang mini-forest sa gitna ng mga naglalakihang gusali kaya ito ang pinakaperfect spot saken kung gusto ko ng peaceful place....
"Gusto mo ba talagang sagutin ko yang tanong mo? Alam mo naman di ba matagal na, siya talaga ang gusto ko?"
pero kanina yun nung hindi pa dumadating ang dalawang asungot na kung mag-usap akala mo nakalunok ng microphone. Ang hina ng boses grabeh...
"Kung ganun, bakit mo ako sinagot? Wala lang ba sayo yung isang taon?" Tanong nung lalaki kay Cara.
I did not look at them dahil baka isipin pa nila na nakikinig ako mahirap na baka madamay pa ako sa gulo nila.
"I'm sorry! I know I don't have a good excuse to that Xenon but I swear. I tried loving you pero siya parin kasi talaga eh" . Kawawa yung Xenon, mukhang nagamit.
"Ganun nalang ba talaga yun ha Cara? Pagkatapos mo sa akin sa kambal ko naman? Anong tingin mo sa aming dalawa? Damit na pwede mong palitan pag hindi mo na gustong gamitin?" Tsk! Tsk! Kawawang damit nadamay pa.
"Xenon please! I'm begging you, hayaan mo na kaming dalawa. Mahal namin ang isat-isa" pagsusumamo nung Cara.
"Pano naman ako? Sa tingin mo ba mamahalin ka pa ng kapatid ko pag nalaman niya ang tungkol sa atin?" May halong pagbabanta sa boses nung Xenon. Grabeh kung alam ko lang na may ganito akong mapapakinggan di sana nagdala ako ng popcorn at saka juice. Sayang, kumpleto na sana ang set-up. Tinalo pa ang drama sa radyo nito.
"Wala na tayo nung naging kami ng kambal mo Xenon at pwede ba. Yan pa talaga ang gagamitin mong pang blackmail sa akin. Ganun kanaba talaga ka desperado Xenon?" Huminga muna ng malalim yung babae. "Bahala ka, gawin mo ang gusto mo nang sa ganun ay mapatunayan mo sa akin na wala ka talagang kwentang tao."
Aba! Taray ni ate. Nakita ko sa peripheral view ko na nag walk-out si girl. Haaay! This is a very heart tugging scene.
"Hoy ikaw!"
Ano kayang mangyayari kung hanapin ko yung kambal nung lalaki tapos ipaalam ko na yung kambal niya at yung gf niya ay may something. Panigurado masaya yun may dalawang taong magkamukha nag-aaway sa harap mo tapos sa gilid may isang babaeng sumisigaw ng tama naaa! Bwahaha! Tapo- "AY BAKLA" napasigaw ako ng may bigla nalang humatak sa akin patayo.
"Anong sabi mo?" Nanggagalaiti niyang tanong.
"Hah? May sinabi ba ako?" Inosento kung tanong sa kanya.
"Ako ba ginagago mo? Bakit ka nakikinig sa usapan ng may usapan?"
Aba siraulo tung lalaking to ah. Sinong may sabing nakikinig ako. Hinila ko yung kamay ko sa kanya dahil ang sakit niyang makahawak, parang nadurog yung mga buto.
"FYI lang Mister Xenon hindi ako nakikinig sa usapan niyo ni Cara. Anung tingin mo sa akin Cheap? Wala akong pakialam sa love affair niyo nung babaeng yun behind you're twin brothers back. Kung makapagbintang ka dyan kala mo may ebidensya." Sabi ko sa kanya sabay irap. Nginitian niya ako ng isang mala demonyong ngiti. Haaay! Its amazing how a saint awhile ago turned into a demon now.
"Kung hindi ka nakikinig pano mo nalaman ang pangalan naming dalawa at pati narin ang pinag-uusapan namin ha?" Alam niyo yung feeling na kaharap ang isang mabangis na hayop at anytime ay pwede kang lapain? Yun yung nararamdaman ko ngayon. Yung mga mata niya parang nagbabanta na ayusin mo yang sagot mo kung ayaw mong samain sa akin.
"Don't blame me. Blame my ears for having holes as well as your voice for entering the holes of my ears." Katwiran ko sa kanya. Hinawakan niya ng pagkahigpit-higpit ang kamay ko.
"Ako ba talaga ginagalit mo?" Galit na galit niyang sabi. Naiimagine ko na yung mga usok lumalabas sa ilong at tenga niya.
"Riiinggggg Riiiingggg." Nawala yung atensyon niya sa akin nung tumunog yung bell kaya dali-dali kung hinablot ang kamay ko sabay kuha ng mga gamit ko.
" oy, una na ko ha maya nalang tayo mag chika-chika may klase pa ako eh"
Sabi ko at dali-daling tumakbo paalis. Nung sa tingin ko ay malayo na ako at hindi naman siya nakasunod ay binagalan ko na ang pagtakbo hanggang sa naglalakad nalang ako. Ngayon ko lang talaga na experience ang sinasabi nilang "save by the bell". Sino bang nag imbento ng bell ng mabigyan ko ng isang magarbong Power hug.
BINABASA MO ANG
"Which Star are You from?"
RandomHow long can you fulfill your duty as a friend when your heart is at stake? How long can you ignore the calling of your heart just so you can fulfill your promise? ______________________________ Can you really ignore their pains just so you can be h...