Chapter 5

2 0 1
                                    

Kulay asul ang nakuha kong tube. Hindi ko makita ang laman kaya inalog- alog ko muna baka sakaling mahulaan ko o mabigyan man lang ng hint kung anong laman.

Hinanap ko kung saan ito pwedeng mabuksan ngunit hindi ko makita. Tiningnan ko yung iba at mukhang hindi lang ako ang nahihirapan sa pagbukas ng tube. Inisip ko ulit yung nangyari kanina kung may nasabi ba yung babae kanina tungkol sa pagbukas nito ngunit wala akong maalala. Napansin kung may mga maliliit na letrang nakaukit sa gitna ng tube. Hindi ko masyadong makita kung anong nakasulat dahil sa sobrang liit nito kaya nilapit ko pa sakin yung tube hanggang sa maintindihan ko ang nakasulat dito
"D R __ F S L T __".

huh! Ano naman to? Is this some kind of password? hmm. Come to think of it. There are two empty bars so it means two letters are missing.

Wala man lang bang clue to? Grabe naman tong skwelahang to, hindi ko naman pinangarap mag-aral dito pero bakit mas mahirap pa atang makapasok dito kaysa sa dati kong eskwelan. Ano bang kaibahan nila eh mukhang mas standard pa nga yung dati kong school dito eh. Lamang lang siguro sila sa facilities pero parang mas quality parin ang education doon kaysa dito noh. Napailing-iling nalang ako.

Kung nasa bahay lang ako panigurado mas magiging makabuluhan ang oras ko ngayon. Siguro ay marami na akong napanuod na movies oh di kaya'y natapos ko na yung bagong series na libro na binabasa ko habang nakikinig ng musi-

Naputol ang pag-iisip ko ng may mapagtanto. Tiningnan ko ulit yung tube tapos yung mga letra
"D R __ F S L T __".

Bat di ko nga ba naisip yun. Tanga lang Dale, naturingan ka pa namang may mataas na IQ tapos simpleng logic lang di ko pa masagot. Hmmm.

"Panu ba ilalagay ang letrang
M at F dito?" Pagkasabi ko nun bigla nalang umihip ng malakas ang hangin. Napapikit ako dahil sa puwing sa mata ko. Noong pakiramdam ko'y wala na saka ako nagmulat at sumalubong sa akin ang itim na dingding. Teka, panu nagkaroon ng dingding dito?

Doon ko lang napansin na nag-iba na ang paligid ko. Nasaloob ako ng isang itim silid at wala akong makitang bintana o pintuan man lang. Bigla akong nagpanic. Kailangan kung makaalis dito. Kinapa-kapa ko yung mga dingding nagbabakasakaling may makapa na makapagpalabas sa akin dito. Nahihirapan na akong huminga at pinagpapawisan na ako. Gusto ko nang umiyak ngunit naalala ko ang sinabi ni papa noon sa akin
"Minsan, may mga taong hinihintay lang na sumuko ka bago sila umatake kaya sa tuwing nalalagay ka sa isang mahirap na sitwasyon ay lagi mong pakakatandaan na maging kalmado. Mas pairalin mo to" sabay turo ng kanyang noo "kaysa dito" at tinuro niya ang kanyang dibdib. "Wag kang magpapakita ng kahinaan sa kalaban dahil yan ang magiging dahilan ng yung pagkatalo." Tama si papa, kailangan kong maging kalmado. Hindi ang takot ko ang makakapagpabagsak sa akin. Pumikit ako at huminga ng malalim bago pinunasan ang pawis sa aking nuo.

Napabaling ang tingin ko sa likod ko ng may maramdaman akong gumulaw at doon ko lang napagtantong hindi ako nag-iisa sa loob ng silid. May nakita akong tatlong malalaking taong nakaitim na nakatingin

sa akin. Anong problema ng mga taong to?

"Tingin-tingin niyo dyan?" pagtataray ko sa kanila. Napaatras ako ng wala sa oras ng bigla nalang silang umabante.

"Hala mga kuya nagbibiro lang po ako, sige lang titigan niyo lang ako. Wala hong kaso sa akin yun kahit magdamag pa tayong magtitigan dito ay yakang-yaka ko yan". Nginitian ko sila ng pilit. So much for trying to sound tough. Dapat pala hindi ko nalang sila pinansin at nagpanggap na walang nakita. Nagalit pa ata sila.

"Tanga mo talaga Dale" bulong ko sa sarili ko habang umaatras. Tumingin ako sa paligid ko at nagbabakasakaling may mahanap na bagay na pweding makatulong sa akin. Lagot! Napalilibutan na nila ako.

"Isip-isip gumana ka" bulong ko habang alertong nakatingin sa kanila.

"Waaah!" sigaw ko sabay ilag. "Siraulo ka ah, ba't bigla ka nalang nanununtok?" tiningnan ko sya ng matalim. Napasigaw ulit ako ng malakas sabay upo ng sabay-sabay silang umatake. "Ano bang problema niyo? Hindi ko naman kayo inaano ah!" pasigaw kong sabi habang sumisinghot-singhot. Hindi ako umiiyak nagdadrama lang. Sana umipekto, sayang lang ang pagod ko sa pagsali sa drama club kong hindi tumalab.

"Get-up!" napatayo ako bigla sa gulat ng magsalita ang isa. Grabe, nakakatakot naman ang boses ng lalaking ito. Naramdaman kong gumalaw ang isa sa kanan ko kaya tumingin ako sa kanya. Binigyan niya ako ng isang mapang-asar na ngiti. tsk! Gago to ah. Sipain ko kaya yang gitna mo't tingnan natin kung makakangiti ka pang pangit ka. May tiningnan siya sa likuran ko kaya napatingin din ako dun. Naramdaman kung may tumamang matigas na bagay sa mukha ko at bigla nalang umikot ang paningin ko't dumilim.

"Which Star are You from?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon