Chapter 4

5 0 0
                                    

Nakaupo ako sa isang damuhan. Napapalibutan ng napakaraming bulaklak. Ang ganda ng paligid. Napakamaaliwalas ng langit at ang sarap langhapin ng simoy ng hangin. "Ma'am?" huh, lumingon-lingon ako sa paligid. Weird! Parang may naririnig akong tumatawag pero wala namang tao. (Cracking sounds) Tiningnan ko kung san nanggaling yung tunog at laking gulat ko nalang na nahahati yung lupa patungo sa akin. Napasigaw ako sa takot ng bigla nalang lumindol at napatayo ako ng mahati ang lupang inuupuan ko. Maling ideya pala yun. Sa pagtayo ko kasi bigla nalang sumakit ang ulo ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at unti-unting sinasanay sa liwanag. Nakita ko si kuya driver na nakatingin sa akin na parang nagdadalawang-isip kung tatanungin kung ok lang ba ako o lalapitan. Hinihimas-himas ko ang aking ulong nasaktan. Panaginip lang pala yun. Diko namalayang nakatulog pala ako. Nauntog pa tuloy ako.

"Ma'am, andito na po tayo" pag-aanunsyo niya. Dun ko lang napansin na nakahinto na pala kami kaya napatingin ako sa paligid. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Hindi ko alam na may ganito palang lugar dito sa Pilipinas. Parang a city in a jungle kumbaga kasi may apat na naglalakihang gusali sa gitna habang napapalibutan ng mga puno at halaman. Hindi sila magkakadikit, para bang twin tower pero apat sila na naka palibot sa isat-isa. Ang tuktok ng bawat gusali ay matutulis at magkakadugtong. Nakakamangha ng pagkakagawa. Sino kayang Arkitekto nito? Nakita kong marami-rami narin ang studyanteng naglalakad papasok. Mukhang marami ang nauto ng skwelahang ito ah.

"Ma'am, sumabay na ho kayo sa ibang estudyante papasok, malapit na ho ang oras". Napabalik ang tingin ko kay kuya driver. Gusto ko pa sanang itanong kung anong oras ang pinagsasabi niya kaya lang umikot na siya pabalik sa driver seat, pumasok at saka pinaandar na ang sasakyan.

Nagsimula na akong maglakad pero naguguluhan ako kung saan ako papasok. Magkakaiba kasi ang pintuan ng apat na gusali pero sa tingin ko hindi lang ako ang nalilito dahil pati ang ibang estudyante ay napahinto narin sa paglalakad.

"Good Afternoon students" napaatras ako sa gulat ng bigla nalang may lumitaw na babaeng naka office attire sa harap namin. "Before anything else I just want to congratulate you all for passing the aptitude test and I hope you also pass the final test."

"To begin, infront of you are different tubes that contains you're final test. All you have to do is answer or do what was indicated in your test. If you passed the test, you're name will automatically flash in front of you indicating which power house are you and that you are officially enrolled."

"Each tube has you're name so I assumed there will be no misunderstang in picking you're right tube, understand students?" We all nodded in unison. "Any question before I vanish?" She scanned her eyes to all of us and when her emerald orbs met mine, my knees eventually trembled. I felt nervous, there's something in her that screams danger and that I should avoid, says my instinct.

Nawala lang ang tingin niya sa akin noong may isang estudyante ang nagsalita. "Ma'am, uh-m" mukha siyang kinakabahan. She cleared her throat and then continued talking "Are you for real?"

She laughed like she just heared the most silly joke in the world. She also wiped an imaginary tears in her eyes. "Oh, I'm sorry! Did I scare you all when I appeared?" wala ni isa ang nagtangkang sumagot sa kanya.

"Don't worry students I am just a hologram and my real self is actually at my office." Nakangiti niyang sagot. "Anything else?" nung nasiguro niyang wala ng magtatanong ay may pipindutin sana siya sa kanyang mesa pero bumalik ulit yung tingin niya sa amin. "Before I forgot, there's no second chances so make the most out of it, a'ryt!" then she vanished.

"Which Star are You from?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon