"Mag-iingat ka doon ha, wag kang magpapalipas ng kain, mag-aral kang mabuti, kung may kailangan kay wag kang magdadalawang-isip na tumawag samin ng papa mo" mangiyak-ngiyak niyang bilin sa akin.
"Ma, tahan na. Wag po kayong mag-alala hindi ko po papabayaan ang sarili ko doon at saka po ma malaki na po ako" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha niya. Ayaw ko talagang nakikita si mamang umiiyak, mas nasasaktan ako eh. Si mama kasi yung babaeng mapapagmahal at maalalahanin na tao kaya mahal na mahal namin siya nila Papa at Yuan.
Niyakap ako ni mama "kahit na ilang taon ka na ikaw parin ang baby girl ko walang magbabago roon" at humagulhol na naman siya. Nakita ko si papa na lumalapit sa amin kasama si Yuan ang nakababata kung kapatid. Fourth year high school na yan at manang-mana sa akin, gwapo at matalino. Yabang noh?
"Tama na yan mang at baka hindi na makaalis ang anak mo" awat ni papa kay mama. "Sige na anak, sumakay kana at mukhang kanina ka pa gustong iwanan ng driver na yun" si papa habang nakatingin sa matabang lalaking kanina pa nag-aalburuto ang mukha. Tiningnan ko rin yung driver tapos binalik ko ulit kay papa ang tingin. Lumapit ako sa kanila at niyapos sila. Para kami ngayong naggu-group hug. "Mag-iingat ka doon anak ha at wag mong kalimutan ang mga tinuro ko sayo" pagpapa-alala ni papa. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak dahil ayokong mas lalo pa silang umiyak. Ito ang unang beses na mahihiwalay ako sa kanila at nang dahil lang ito sa lintik na exam na iyon. Kung alam ko lang edi sana hindi ko nalang sinagutan yon.
"Ate" rinig kong sabi ng kapatid ko "wag kang ngingiti doon ha tapos panatilihin mo yang walang ekpresyun mong mukha ha tapos basta wag kang mamamansin ng kahit sinong lalaki doon, wala ako dun para ipagtanggol ka" nakanguso pa niyang sabi. Bakit ang sweet ng kapatid ko, hindi ko tuloy mapigilang hindi umiyak.
"Kaw din ha wag ng masungit sa mga girls at saka alagaan mo sila papa at mama wala ako dito para gawin yon" nakangiti kong sabi sa kanya kahit nanginginig na ang boses ko.
"Promise ate basta bumalik ka agad ha" ngayon umiiyak na talaga ang kapatid. Dang! nag-iiyakan na kaming lahat dito.
"Oo na promise, sige aalis na ako ma pa" hinalikan ko sila sa pisngi at niyakap ulit pati na rin si Yuan at umalis. Hindi ko sila liningon dahil baka magbago pa ang isip ko't hindi na talaga ako makagraduate. Sumakay na ako sa van at nagsimula ng umandar kaya doon na ako humagulhol ng iyak. Libre ang sundo namin dahil hindi ko naman alam kung saang lupalop ng Pilipinas ang Skewalahang yun.
Wala akong pakialam kay kuyang driver na kanina pa patingin-tingin sa akin. Ang gusto ko ngayon ay umiyak. I wanted to pour my hearts pain by crying silently. Ito ang unang beses na malalayo ako sa kanila ng matagal at inaamin kung natatakot ako. Pagdating doon wala ang papa na laging pinapalakas ang loob ko. Wala si mama na lagi akong sinusuportahan at inaalagaan at wala din yung kapatid kong asungot na lagi akong pinapatawa kapag feeling niya ang pangit ko na daw. Nakakainis. Hindi parin nagsisink-in sakin ang sinabi ni Miss Tuazen noong briefing day.
"When we say you were already branded as a Phenixian, it will only means you were a candidate to be an official student but not exactly one".
"What do you mean Ma'am?" naguguluhan kung tanaong sa kanya.
"Before you become an official student, you must pass the final test to be considered as one" nagkatinginan kami and then a light bulb came in my mind. Napangisi ako ng wala sa oras. Parang nabasa niya ata ang nasa-isip ko kaya siya nagsalita na nagpapawi ng munting pag-asang nabubuhay sa akin.
"I know that smile Miss Rogan but sorry to burst you're bubble because even if you fail your final test, no school will still accept you. Remember, you were already branded as a Phenixian. And if you fail this, the Academy will no longer accept you too so you better think straight and never messed this up." She said with a smirk on her face.
"And oh by the way, don't bother telling your parents because I already have someone sent there to explain everything to them" at mas lalo pang lumaki ang ngisi niya.Nakakainis talaga yung babaeng yun. "Kuya, mga ilang oras pa kaya bago makarating doon sa pupuntahan natin?" tanong ko kay kuya driver. Liningon niya muna ako bago nagsalita "Mga limang oras pa po ang biyahe Ma'am" tapos bumalik ulit yung tingin niya sa daan. Limang oras? Ganun ba kalayo ang lugar na yun at limang oras talaga ang biyahe? Isinandal ko nalang ang ulo ko sa upuan at tumingin tingin sa labas. Naisip ko si Yanna hindi pala ako nakapagpaalam. Matawagan nga. Nakailang ring na ako pero di parin niya sinasagot. Ano na naman kaya ang ginagawa ng babaeng yun ngayon at hindi man lang sinagot ang tawag ko. Ibinalik ko na lang ang celphone sa bag ko at tumingin ulit sa labas ng bintana. Sana lang maging ok ang lahat pagdating ko doon.
BINABASA MO ANG
"Which Star are You from?"
De TodoHow long can you fulfill your duty as a friend when your heart is at stake? How long can you ignore the calling of your heart just so you can fulfill your promise? ______________________________ Can you really ignore their pains just so you can be h...