Chapter 5: Catfights

408 11 7
                                    

JESSY'S POV

"Jess! may kahalikan daw boyfriend mo sa hallway kanina!"

"Ha? Imposible yan! Faithful sakin yun noh."

"Anong faithful? eh kitang-kita nga na sya daw ang naunang humalik eh!"

"Kaya nga, anong faithful doon?"

"Eh sino ba yung malanding tuko na nanghalik sa boyfriend ko?"

Emphasizing the words boyfriend and ko.

He's mine, only mine.

"Si Kathryn Ramirez daw."

Kathryn?!

YUNG MANGAAGAW NA YUN?!

"Torrid pa nga daw eh, lalo na nung tumugon din yung babae."

"Swerte nun noh? Nakahalikan boyfriend mo."

"ARGH! LECHE!"

Nabubwisit talaga ako, kapag naaalala ko yung sinabi sakin nila Andie, ahas talaga yun!

Tapos sya may ganang manampal?

Ansakit pa din ng pisngi ko. Lintek.


"Bes! si Daniel oh! padaan dito." pagpapaalala sakin ni Andie.

Napangiti naman ako ng makita ko sya..

Nagmadali naman akong pumunta sa kanya at hinalikan ito..

WHY ISN'T HE RESPONDING TO MY KISSES?!

Dahil ba dun sa Kathryn na yun?

"Bakit di ka tumutugon sa halik ko?" sabi ko ng nakafrown.

"Joke lang! Tampo agad?" saad nito at halikan ako, peck nga lang.

Naglakad kami papuntang canteen..

"Totoo ba?" pagtatanong ko.

"Hmm? yung alin?" tanong nito habang nakaakbay saakin..

".. na hinalikan mo daw yung Kathryn kanina?" tanong ko..

DANIEL'S POV

".. na hinalikan mo daw yung Kathryn kanina?" tanong ni Jessy


Kathryn pala pangalan nun? Tss. Haha!

I smirked. "Bakit? magseselos ka nanaman ba? Sus! 5 years na tayo! Ano pa bang kailangan kong gawin para maniwala kang sayong-sayo lang ako?" sabi ko at hinigit ang bewang nya palapit sakin..

"Itigil mo ang paghahalik mo sa babae, maliban sakin." seryosong sabi nito.


Nabitawan ko naman agad ang bewang nya.. "Pinaghihinalaan mo nanaman ba ako ng panghahalik sa babae?"

"Bakit? Hindi ba totoo?" tanong nito..

"Kanina lang yun Jessandra!" sigaw ko sa kanya..

"Wag mo kong tatawaging Jessandra!" pagtataas ng boses neto.

"Bakit ba?! Alam mo? ANG ARTE-ARTE MO, ayoko na. Itigil na natin ito." pagbibitaw ko sa kung anong meron kami ngayon.

Naglakad na akong paalis sa hallway papuntang canteen.


"Daniel! Bumalik ka dito!" pagsisigaw nito.

Ayoko na talaga, matagal na.

JESSY'S POV


ARGH!


Humanda ka Kathryn Ramirez! Lintek ka! MANG-AAGAW KA! Andami mo nang naagaw sakin, pati ba naman si Daniel?!


Dumiretso ako ss kinaroroonan nito at sinabunutan..

"WALANGHIYA KA! MAKATI KA! MALANDI! MAMATAY KANA!"

"Araaay! Putang-ina. Tumigil ka nga!" sigaw nito at sinipa ako..


KATHRYN'S POV

Dinaganan ko ito at pinagsasampal at suntok.

Hinila naman ako ng mga alipores nya at pinagsasabunutan.

Sinampal naman ako ni Jessandra..

Hinila naman sya nila Miles sa buhok..

Pinagsusuntok nila Kiray at JB yung mga alipores na nakahawak sakin..

Dinaganan ko ulit si Jessy at kinalmot ang mukha nya, na nagcause ng pagdugo..


Sinabunutan naman nya ako ulit at sinampal..

"JESSANDRA! SANDRA! TUMIGIL KA! ANO BA?!" paghihila ni Daniel kay Jessandrang putang-ina =____=

Inayos ko naman ang sarili ko at ang punit na sleeve sa right side ng polo ko..

Pinunit ko naman agad ang sa left.. Mukhang tanga pag-iisa lang noh!

"WALANGHIYA KA! MAHIYA KA NGA! ANG LANDI-LANDI MO!" Sigaw pa ni Sandra.

"JESSANDRA! TUMIGIL KA NA NGA!" sigaw ni Daniel dito habang inaalog..

"You, you, you and the five of you, to disciplinary office. NOW!" sigaw ng principal samin..


"Lintek."


She's The Greatest Drag Racer★ [KathNiel] ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon