Huling Pagkakamali

5.9K 33 10
                                    

Sa pangalawang araw na pakikipagsapalaran ni Juan sa ilalim ng puno ng bayabas.

“Sus, heto talagang si Juan mukhang sinumpong na naman ng katamaran at natutulog na naman sa ilalim ng puno” sabi ni Aling Teresa ng makita ang binatang si Juan na nakahiga sa ilalim ng puno ng bayabas.

Kasabay niya ngayon ang kanyang magandang anak na dalaga na si Julieann.

Tumayo si Juan sa kanyang pagkakahiga at agad na hinarap ang mag inang nagdaan.

“Magandang araw po, Aling Teresa. Hindi po ako natutulog. Katunayan po ay katatapos ko lang magtanim ng mga gulay. Inani ko na rin po ang mga tanim kong kamote at kaya po ako nakahiga rito ay inaabangan ko kayo ni Julieann upang ibigay ang isang basket ng kamote.”  sabi ni Juan sabay ngiti ng malapad sa magandang dalagang si Julieann.

“Mayaman po ito sa carbohydrates  at mga bitaminang lalong magpapatingkad sa kagandahan ng inyong dalaga.” sabi nito habang nakatingin pa rin sa dalaga.

Inismiran ito ni Aling Teresa. “Hmmp! Eh di salamat naman Juan. Ibig bang sabihin niyan ay nagbago ka na?” tanong nito pagkakuwan.

“Ibig kong sabihin ay masipag ka na?” paglilinaw pa nito sa sarili.

“Kahit kalian naman po ay hindi ako naging tamad, aling Teresa. Kaya nga lang tuwing makikita ako ng ibang tao ay nagkakataong nakaupo ako o nakahiga at nagpapahinga dahil tapos ko na ang aking mga gawain.” paliwanag ni Juan

“Tingnan po ninyo ang paligid ng aking bukid, di ba’t punumpuno ito ng iba’t ibang pananim? Pansinin din ninyong malinis ang lahat dito.” patuloy ni Juan habang inilalahad ang mga kamay sa kanyang malinis at berdeng bukirin.

“Oo nga naman, Inay” sabat ni Julieann na kanina pa nakikinig sa usapan.

“Masipag na tao po si Juan. Hindi lamang masipag kundi maagap at matalino pa. Hindi ninyo siya nakikitang nagtatrabaho sapagkat maagang – maaga siyang nagsisimula. Iyon ay kapag hindi pa sumisikat ang araw at madilim dilim pa.” paliwanag pa niya.

“Masarap po kasing magtrabaho nang maagang – maaga o iyong pahapon na at hindi na tirik ang araw. Maginhawa ito hindi lamang sa akin kundi gayundin sa aking kalabaw. Mabilis po naming natatapos ang gawain.” wika pa ni Juan.

“Pasyensya ka na Juan sa paghusga namin sa iyo.” nahihiyang tugon ni Aling Teresa.

“Mali talaga iyon hindi ka naming binigyan ng pagkakataong magpaliwanag at hinusgahan ka naming batay lamang sa nakikita naming ginagawa mo tulad ng pagtulog sa ilalim ng punong bayabas na ito.

“Wala po iyon, Aling Teresa. Heto nga po pala ang mga huli kong hitosa aking maliit na palaisdaan.” Sabi ni Juan sabay abot ng isang bugkos ng hito.

“Isigang ninyo po at tiyak na masasarapan kayo.” sabi ni Juan.

“Ah maari po ba akong makihapunan sa inyo mamaya?” tanong ni Juan habang ibinaling uli ang tingin kay Julieann.

“Aba! Kaylalaki naman nito!” tuwang tuwang sabi ni Aling Teresa. “Tiyak na mayaman sa protina ang mga ito. Sige Juan Masipag hihintayin ka naming mamayang hapunan. Salamat ha!” nakangiting wika ni Aling Teresa kay Juan.

At dito nagtatapos ang ating maikling kwento tungkol kay Juan Masipag. Sana nagustuhan niyo po ang kwentong ito at higit sa lahat ay magsilbing aral sa ibang tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Juan Masipag (A Short Inspiring Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon