Unang Pagkakamali

2.4K 17 3
                                    

Magsimula tayo sa kanyang unang araw na pakikipagsapalaran sa ilalim ng puno ng bayabas.

Isang araw nakita ng mga kapitbahay si Juan na nakahiga sa ilalim ng puno ng bayabas.

“Aba! Si Juan Mukhang nag aabang na naman sa pagkahulog ng bayabas. Ubod talaga ng tamad! Bakit kaya hindi na lang siya tumayo at pitasin ang bunga upang ito’y makain niya.” Wika ng kapitbahay na kanina pa nagmamasid kay Juan.

Tumayo si Juan sa kanyang pagkakahiga at humarap sa kapitbahay na kanina lang ay nangungutya.

“Mang Elmo narinig ko po ang sinabi niyo. Katunayan po kaya ako nakahiga rito ay inaabangan ko po ang pagdaan niyo” sabi ni Juan.

“Napitas ko na po kasi lahat ng hinog na bunga ng bayabas at ito po ay labis labis sa aking pangangailangan. Mayaman po sa bitaminang C ang bayabas kaya’t heto ang isang supot, iuwi niyo at kainin upang gumaling ang inyong sipon” mahabang paliwanag ni Juan sabay abot ng isang supot kay Mang Elmo.

Parang namamalikmata naman ang kanyang kapitbahay sa pagkakatitig sa kanya. Tila hindi ito makapaniwala sa narinig mula kay Juan. Bahagya itong napahiya sa kanyang tinuran. 

Si Juan Masipag (A Short Inspiring Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon