(Note:Since hindi pa po marunong magkorean si author,ipagpalagay nlang natin na tagalog din salita sa korea.. XD pagbigyan nyo na ako ^____^)
Chapter 1:
ayheisha's Pov~
"jhea!!!"
"yhurina!!"
"Shalimaw!!
"yen!!
"eonnie !!!!!"
aissh!! Here we go again..Every morning ginagawa niya yan, ang tawagin lahat ng kasama niya dito sa bahay pagkagising na pagkagising niya.Siya si remien,ang pinakabata samin.Pero siya yung pinakamakulit.
Anim kami dito sa bahay.Since highschool and college magkakasama na kami.We promised each other na hindi kami maghihiwa hiwalay kaya ng matanggap si remien sa Krung Krung entertainment,Sumama na din kami papunta dito sa korea.
May mga sarili kaming trabaho.Si jhea at remien magkasama sa iisang entertaiment.Make up artist si jhea and at the same time owner ng isang cosmetic shop while remien is one of the popular artist.Si yenyen may-ari ng isang restaurant dito sa korea.Natupad naman ni Shalimar ang pangarap niya na maging isang sikat na model.Samantala si yhurina naging mahusay na lawyer.No doubt kasi siya yung pinakamatapang samin.While me?isa na akong doctor.Biggest achievements in our lives,ang matupad lahat ng pangarap namin na magkakasama.
Tiningnan ko si remien na nakabusangot habang papasok sa kitchen.
"Umagang umaga ganyan ka"i said while stirring the coffee i made for her.Uminom siya agad pagkalapag ko sa harap niya.
"ouch ang init eonnie!"Natataranta niyang sabi habang ipinapaypay ang isang kamay sa nakalabas niyang dila.
"ay naku!"napailing nalang ako habang kumukuha ng tubig sa ref para ibigay sa kanya.
"Goodmorning!"Napatingin kami parehas kay Shali na kagigising lang.
Umupo siya sa tabi ni remien.
"tulog pa ba yung tatlo?"tanong ko kay shali.Tumalikod ako para tingnan yung niluluto ko
"Di ko alam,Maaga ako nakatulog kagabi."Sagot niya bago humigop ng kape na tinimpla ko para kay remien
"oyy akin yan eh"Lalong sumimangot yung mukha ng isa
"Ayy mianhe" nagpapacute na ngumisi si Shal sa kanya.
Tinitingnan ko lang sila habang nag aasaran.Ganyan silang dalawa lagi.
"ang panget mo"Umiirap na sabi ni remien
"Mas pumapanget ka naman,Look. Lalo ka nagiging monster.Mas bagay na kami ni taehyung.Hahaha!!"Nang aasar talaga to si shali.Bigla nalng siya tiningnan ng masama ni remien and the last thing i know naghahabulan na sila sa buong bahay.
Alam niya kasi na crush ni remien si taehyung,And speaking of taehyung,Isa siyang member ng Boy gruop named Bangtan Sonyeondan.Actually lahat kami may kanya kanyang tipo sa kanila.Sino ba naman ang hindi mahuhumaling eh almost perfect na sila.
Pero hindi kami katulad ng ibang fan na sobrang agresibo.Yung ibababa ang pinag aralan namin para lang manotice nila kami.Kung tutuusin madali lang yun sa estado ng buhay namin ngayon kung gugustuhin man namin.But we believe in reality.Isa ka lang fan at kahit anong gawin mong pagtuwad tuwad sa harap nila still it will not change the fact that your just only a fan.So why bother ourselves stalking them when we know its only a waste of time.
-------
Inilapag ko yung pagkain sa dining table.Andito na sila maliban kay yenyen.
"Si yenyen?"Tanong ko sa kanila.
"Di ko alam."Sagot ni yhurina habang sumasandok ng kanin sa plato niya.
Tiningnan ko yung tatlo pero ngumiti lang sila sabay iling.
Tsk.
Tumayo ako para puntahan yung kwarto ni yen.Usually kasi hindi siya kumakain ng almusal kasi diet daw siya.At dahil doctor ako hindi ko kinokonsinti ang ganun.Magdiet kung madadiet but never escape breakfast dahil yun yung pinakaimportante sa lahat.
"yen??"i called her while knocking at her door
Kaso walang sumasagot kaya pinihit ko na yung doorknob.
"Yen??"i entered her room.Nilibot ko yung tingin sa buong kwarto niya.Sinilip ko din yung bathroom but still no signs of her.
Kinuha ko yung phone ko sa kwarto and started dialling her number while going back to the dining table.
Tumingin sakin ang apat na busy sa pagkain.
"ano eonnie nasa kwarto ba?"tanong ni rem
"wala."Inilapag ko yung phone sa mesa at sumandok na ako ng pagkain.Nagugutom na ako kaya kakain muna ako.
"Hayaan mo na be may isip na yun."Balewalang sabi ni jhea habang ngumunguya
Uminom muna ako ng tubig.
"Sana manlang naalala niya tawagan isa satin dito."Seryoso kong sabi.Ipinagpatuloy ko yung pagkain ko.
"Ayy oo nga pala!!Tinawagan niya ako kahapon!!Sabi niya hindi daw siya makakauwi kasi may party daw sa restaurant kagabi."Biglang sabi ni shali
Sabay-sabay kami tumingin sa kanya.
"At ngayon mo lang naalala sabihin??!!"Nanggigigil na sabi ni yhurina sa kanya.
"Sorry naman"Ngumiti nalang siya samin.
Napailing nalang ako.
Madali na naming tinapos yung breakfast dahil maaga pa mga pasok namin.