Chapter 3
Yhesha's pov
"Te yesh bakit wala na tayong prutas?"Napatingin ako kay Yenyen ng tanungin niya ako.Nandito kami sa sala.Nanonood ako ng tv at siya naman busy sa cellphone niya.
"Malamang naubos na."Balewala kong sabi.Pinatay ko na yung tv at kinuha ko yung phone ko para magfacebook.
"Nubayan! Dapat pala dumaan nalang ako sa may fruitstand kanina."Nakasimangot niyang sabi
"Eh bakit di mo pa ginawa?"Sagot ko na hindi manlang siya sinusulyapan.Nakita ko nagpost ng bagong pic si jimin.
Gosh! Ang pogi.
"Hindi ko naman kasi alam na wala na pala dito sa bahay."
Sasagutin ko pa sana siya ng may tumunog.May tumatawag pala sa kanya.
Nagtaka ako nang ngumiti siya pagkakita sa screen ng cellphone niya.
Parang kanina lang nakasimangot siya kasi wala ng prutas.
O baka naman......
Tinawagan siya ng mga apple,orange,mango kaya napangiti siya.
Haaaayy!!! Ano ba tong iniisip ko nahahawaan na ako nila Shali at remien.
"Hello?"Saglit siyang tumingin sakin bago sagutin yung tumatawag sa kanya
Ibinalik ko nalang yung tingin ko sa phone ko at nagkunwaring busy.
Hindi ko marinig kung sino kausap kaya pinakinggan ko nalang yung sinasabi niya.
"Huh?Ahm... Cge papunta na ako dyan."
"Te punta lang ako sa restaurant"Baling niya sakin sabay tayo at umakyat na papunta sa kwarto niya.
Hindi manlang hinintay yung sasabihin ko.
Sino kaya yun?
Napatingin ulit ako ng bumaba siya.May dala na siyang bag.
"Sabi mo hindi ka pupunta ngayon sa restaurant."
Napatigil siya sa paglakad at humarap sa akin.
"Ano kasi...."Ngumiti siya sakin habang nakahawak yung isang kamay sa kabilang braso.
Hinintay ko lang yung sunod niyang sasabihin.
"May costumer daw na naghahanap sakin kaya kailangan ko pumunta dun".
"Ahh.. Cge ingat wag ka magpapagabi lalo o di kaya tawag ka kung hindi ka makakauwi."
Tumango lang siya
Then she immediately left.
Pinatay ko na yung phone ko at pumunta sa kusina para magluto ng hapunan.
I missed eating porksteak so yun nalang lulutuin ko.
Binuksan ko yung ref para kumuha ng baboy.Ibinabad ko muna sa tubig para madefroze.
Naghihiwa ako ng sibuyas at bawang ng pumasok si Remien at Jhea.Tiningnan ko lang sila saglit na nag uusap.Dumiretso si Remien sa ref para uminom ng tubig,si jhea naman tumayo sa tabi ko at tiningnan ang ginagawa ko.
"Sobrang insecure niya talaga leche siya!"Narinig kong sabi ni Rem
"Yaan mo na maldita talaga yung babaeng yun."Sagot naman ni Jhea at pumunta sa may lababo."Be anu lulutuin mo?"