Chapter 2
Ayheisha's pov
"waaahhh!!"
"Wait lang eonnie!!!"
"Pasabay din kami!!!"
Napatigil ako sa pagpapaandar ng kotse ko dahil sabay sabay na humahangos palabas ng bahay yung apat na mga baliw.
"Ano na naman ba trip niyo?"Tiningnan ko sila isa isa pagkasakay nila sa backseat ng kotse ko maliban kay rem na dito sa passenger seat umupo.
Napailing ako pagkakita ko sa mga ayos nila.
Si Shali naglalagay pa ng make up sa mukha.Si Remien nagsasapatos.Samantala si jhea sinusuklay yung buhok na medyo tumutulo pa.At si yhurina hindi manlang naibutones yung damit buti may sando siya na suot.Napabuntong hininga nalang ako at pinaandar na yung sasakyan.Ayoko sana malate ngayon dahil madaming nakaconfine sa hospital.Pero dahil sa mga kasama ko ngayon i have no choice,Kelangan ko sila ihatid.
"Flat yung kotse ko"sagot ni remien na busy pa din sa pagsasapatos.
"Tinatamad ako magdrive"Balewalang sabi ni yhurina pagkatapos ngumisi ng todo sakin
Kahit kelan talaga ang mga ito. Tsk.
"At ikaw naman jhe?"
Tiningnan ko siya sa rearview mirror.
"Iisa lang naman pupuntahan namin ni rem eh, Kaya sumabay nalang ako Hehe.."Nakangisi niyang sabi.
Sabay sabay sila nagtawanan.
Di ko na tatanungin si Shali kasi sigurado ako na sobrang tino yung isasagot niyan.Sa sobrang tino baka maisipan kong idiretso sa mental.
"At paano naman kayo uuwi mamaya?!Di ba kayo nag iisip?Lalo na kayo shali at remien alam niyong hindi kayo pwedi magcommute!"I said with irritated voice.
"Eh di susunduin mo kami"Napatingin ako kay Rem na nakapout na ngayon.Pasalamat siya nagmamaneho ako ngayon kung hindi mababatukan ko talaga siya.
"Oo nga,Alam naman namin na hindi mo kami matitiis so wether you like it or you like it,susunduin mo kami.."Panggagatong pa ni Shali sa sinabi ni Rem.
Narinig ko pa na tinawanan sila ng dalawa.
Haaaayyy!!Wala talaga ako sa mood ngayon para sakyan mga kalokohan nila.
-----------------------------------
4:30 pm
Napapitlag ako ng tumunog ang phone ko na nakapatong sa side table ko.Tiningnan ko kung sino tumatawag.
"Oh bakit?"Bungad ko pagkapindot ko sa answer button.Si Shali yung nasa kabilang linya.
"Well ill just ask if what time youll gonna fetch us here..Isang oras na kami naghihintay ni rem."mataray na sabi niya.
"ahh ano kasi..."Napakamot ako sa batok ko.Nakalimutan ko na susunduin ko pala sila ngayon.Tiningnan ko yung wristwatch ko.Its already 4:30 pm pero may kailangan pa akong ayusin na mga records ng mga pasyente ko.
"what?"Tanong niya ulit
"Magpasundo nalang kayo kay yenyen,May kailangan pa akong tapusin eh"Pagpapaliwanag ko
"The last time i know your a doctor,So what's that important matter na kailangan mong tapusin?Im sure hindi yan pasyente kasi hindi ka naman sumasagot ng phonecalls when you're with your patients"Mahabang litanya niya sa kabilang linya