Maling Akala :3

168 4 0
                                    

Patrice's POV

Oh No! Pasukan na naman pala sa Monday! Wala pa kong gamit. d -_-"b Grabe! Ang bilis talaga ng araw! Di ko manlang na-enjoy yung bakasyon ko :( Bitin kasi eh. Hay naku. Makapunta na nga lang ng mall kahit maraming tao ngayon, sabado na kasi eh. I can't come to school naman without my school supplies.

Anyway, ako nga pala si Patricia Pauleen C. Cruz.3rd Year HS sa Dream High Academy. Masayahin ako, pilya pero mabait, sweet ako sa mga BESTFRIENDS ko, suplada minsan pero friendly naman ako ayoko lang na ako yung gumagawa ng 1st move, makulit at madaldal, at syempre MAGANDA ko ;) Malakas pa appeal ko.  Hahaa! Stop na nga dyan yung pagpapakilala ko sa sarili ko, masyado ko nang tinataas yung sarili kong bangko eh! :P

•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•

*calling Sophie*

Sophie: Hi Patch! Bakit napatawag ka?

Me: Hindi pa kasi ako nakakabili ng gamit eh. Bibili sana ko ngayon, kaso wala kong kasama e. Pwede ka ba sis? Sa mall lang naman e.

Sophie: Naku sis! Wrong timing ka! Nasa parlor kami ni mommy ngayon e. Kelangan ko daw magpagupit! Dapat daw new look ako sa pasukan. Haha! Sorry sis!

Me: Ganun ba? Ahm. No worries. Okay lang yun. Bye!

•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•

*calling Angela*

Angela: Oh Cruz? Ba't natawag ka?

Me: Bruuu! Samahan mo naman ako sa mall. Wala kong kasama e, mamimili pa naman ako ng school supplies.

Angela: Srsly Sis? Ngayon ka pa lang bibili? Siksikan ngayon sa National Bookstore at Pandayan, can't come. Sorry!

Me: Sis naman eh. Plsssssss!

Angela: Gusto man kitang samahan, hindi pwede eh.

Me: Eh bakit naman? Kasi siksikan? Eh!

Angela: Grabe ka sis! Hindi ah. Kasi pupunta kami ni Kuya sa Badminton Center eh. Alam mo na, brother-sister bonding. Try mo tawagan si Kristine, alam ko nasa mall sya ngayon eh.

Me: Ah. Ok sige. Bye! Thanks sa info.

•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•

*calling Kristine*

Kristine: He---

Me: Sis! Nasa mall ka ba ngayon?

Kristine: Ahm. Kanina sis. Bakit? Kakauwi ko lang eh. Tumawag kasi si mommy, bantayan ko daw si ella sa bahay at may get together daw sila ng mga HighSchool friends nya e.

Me: Papasama sana ko mamili ng school supplies e. I thought nasa mall ka. Hay! Wrong timing na naman ako! :(

Kristine: Biglaan nga pag-uwi ko e. You should have called earlier kasi o kaya naman in-inform mo sana ko kahapon. Btw, Di mo ba kaya mamili mag-isa?

Me: Sis naman! Syempre kaya ko, kaso lang nakakatamad kaya mag-isa, kaya lang no choice eh. Tsk! Bye na nga, baka kasi gabihin ako e, mag-isa pa naman ako.

Kristine: Sige. Ingat ah! Sensya talaga di kita nasamahan.

•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•

Sino yung tatlong tinawagan ko? Edi yung mga Bestfriends kong gaga. Djk. Haha! Pero alam nyo, kahit ganun yung mga yun, MAHAL na MAHAL ko yun. Wala e, mga kapatid na turing ko dun <3 Lagi kaya kaming nandito para sa isa't isa! ;)

PWERA LANG KANINAAAAA! :( Lahat sila may lakad. Huhuhu! :'( Kaya heto ko ngayon. Mag-isa!! Hmmmpppp! Makapunta na nga sa National bookstore. Nakakatamad e, ang boring dito. Wala yung maiingay kong bestfriends! T_T

On the way na sana ko sa National Bookstore e, kaso may nahagip na GWAPONG nilalang yung pretty eyes ko. Hmmm. Is that Kristoffer Dale F. Manansala? OMG! Masundan nga. Hindi nya naman ata ko kilala e, pero sya kilala ko. Schoolmate ko yun e at CRUSH ko pa <3

Ang malas ko nga lang kasi hindi ko pa sya nakakausap or nakakabangga manlang, wala e, di kami close tska hindi nya naman ako kilala dba? :( Nasanay na nga kong kiligin sa kanya kahit tinititigan ko lang sya e o kaya naman habang pinapanuod ko syang maglaro ng basketball! Captain ball kasi sya ng Basketball Team ng Dream High, ang galing galing nya kasi magbasketball e. Super TURN ON! And he is so sikat, tinitilian nga sya ng mga girls eh. *ahem. isa na ko dun* Sobrang lakas kaya lagi ng sigawan sa court pag nakaka-shoot sya.

Ang gwapo gwapo nya habang naglalaro sa court, yung pagtakbo nya, pagdribble nya , at pagshoot nya ng bola ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit maraming babae sa campus ang may gusto sa kanya. Pag pawis na pawis sya, imbis na magmukha syang madusing, nagmumukha pa syang mas hot lalo sa paningin ko. Gustong gusto ko ngang punasan pawis nya e. Para sweet :">

Tapos magte-thank you sya sa'ken. Then ide-dedicate nya sa'ken yung game nila na yun. Tapos magiging magkaibigan na kami. Then magiging mag-bestfriend. Then araw-araw na kaming magkasama. Tapos magkakagusto na sya saken. Tapos aamin sya sa'ken. Magiging mag-MU kami. Then liligawan nya ko. Tapos magiging kami. Then magde-date na kami lagi. Then papakilala nya na ko sa family nya. Tapos pupunta kami sa'men kasi gusto nya daw makilala family ko. Tapos magpapakasal na kami. <3

Oopppssss! Stop na nga. Kinikilig na ko masyado sa mga pinag-iisip ko. Malapitan nga sya di ko magawa e, yung ganun pa kaya?

 

Back to reality na nga tayo! Heto ko ngayon parang stalker na sunod ng sunod sa kanya. Gusto ko kasi malaman kung anong ginagawa nya sa mall. Makikipagdate kaya sya? Wag naman sana. Masasaktan ako eh. Haha! Ang drama. Pero walang halong biro, masakit naman talaga pag ganun e. Then nakita kong pumasok sya sa "PINK BOX". Whaaat? Si Dale? Pink Box? Bakla? No way! Agad naman akong tumakbo papasok dun. Tapos nakita ko syang kasama yung little sister nya. Nagpasama siguro sa kanya sa mall. Ang sweet nya namang kuya :) Psshhh! Pero kinabahan ako dun ah. Akala ko yung prince charming ko, princess din! Hahaha.

-next chapter is coming soon.

Mutual Feelings.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon