Kristine's POV
Hi I'm Princess Kristine. Nakalimutan ko magpakilala sa inyo dati. Mianhe! I'm Patrice's BESTBESTBESTfriend. :))
Alam nyo na siguro na crush ko si Ian no? Well, it's obvious naman e. Inaamin ko, naiinggit ako kay Patrice kasi halos lahat ata ng lalaking magustuhan nya, nagkakagusto rin sa kanya. :(
Si Kristoffer, walang gusto kay Pat? Hmm. Mali kayo. May gusto kay Patrice yon. Hindi nya lang pinapahalata kasi nahihiya sya. Torpe kumbaga. Pero alam nyo ba na lagi ko yon nahuhuli na nakatingin kay Pat. Bayaan na nga natin si Dale sa diskarte nya.
Nalulungkot ako ngayon :( Wanna know why?
Kahapon nakabangga ni Pat si Ian, tapos ngayon close na sila agad? :( Eh balita pa naman na may gusto si Ian kay Pat :( Paano pag nagkagusto rin si Pat kay Ian? Paano na ko? Crush na crush ko yun e. Simula pa pagkabata. Well, syempre natigil yun nung Elementary kami, kasi hindi ko na siya nakikita e. Pero ngayon bumabalik... bumalik din kasi sya e. :(
*flashback*
"Hi Tin" -malungkot bati ni Christian sakin.
"Hi Chris, bakit malungkot ka ata?" - sabi ko naman.
"May badnews ako sayo Tin, aalis na kami bukas" -naiiyak na sabi ni Christian.
"Ano? Bakit naman? Iiwan mo na ko? Bestfriend naman e!" -Ako
"Sorry Best! Kasi si Papa e, nalipat ng work. Don't worry, pagnagkita tayo ulit, kapatid pa rin turing ko sa'yo." -Chris
Tumakbo ako ng umiiyak! At iyon na yung huling pagkikita naman ng bestfriend/crush ko.
*end of flashback*
6 years old pa lang kami ni Ian nyan. Oo tama kayo ng nabasa, kapatid lang turing nya sa'ken :((( Sakit dba? Pero hindi ko naman maiwasan magkacrush kay Ian that time e. Kasi kami lang lagi magkasama, magkausap, magkalaro, magkaasaran at higit sa lahat magkatawanan! :D Kaso nang-iwan sya e. Tagal ko ding umiyak sa kwarto nun :((
Ian's POV
Hi, ako nga pala si Lloyd Christian Valdez. Bahala na kayo kung anong gusto nyong itawag sa'ken :) I'm 16 yrs old.
Kasama ko ngayon si Patchot! :) Hahaha. Oo si Patricia Pauleen Cruz Valdez :D Alam nyo yung feeling... HEAVEN! <3
Kahapon kasi nagmamadali ako kasi birthday ni Papa, may konting salo salo kami sa bahay. Tapos habang tumatakbo ko may nakasalubong akong babae na tumatakbo rin. And guess what? Ang nakabangga ko lang naman ay yung babae na pangarap ng halos lahat ng kalalakihan sa school :) Si Patchot.
Nung nagkabanggaan kami, parehas kaming natawa. Hahaha! Nakalimutan ko na nga na birthday ni Papa yun e. Kasi nagkausap ko na sa wakas si Patchot ^_^ Ang nakakatuwa pa, nasa floor pa din kami habang nagku-kwentuhan :)) Kaso bigla namang may tumawag sa kanyang babae. Tss. Nakakainis. Buti nakuha ko na # ni Patchot, inalalayan ko na lang sya tumayo tapos umalis na ko.
Kagabi tinext ko sya, sabi ko sabay kami maglunch bukas. At kung pinapalad ka nga naman, pumayag naman sya :))
Patrice's POV
"I wanna know you more Patricia" -Christian
"Bakit naman Christian?" -Ako
"I don't know, gusto ko lang" -sabi nya tapos kumindat pa
"Sabagay kahapon lang tayo nagkakilala, it's natural that you wanna know someone more after bumping with each other" -Ako
"It's more than that Patricia, kasi a-ano e. Crush kita" -Siya
"Wow ah, buti hindi ka torpe. I like that! :)" -Ako
"Salamat" -Siya
Ang cute. Namula pa sya :)))
"Btw, bakit mo nga pala ko crush? JUST GIVE ME A REASON." -Ako
"You're very approachable and you're very nice" -Siya
"Oh, thank you!" -Ako
>////<
It's my turn to blush na. Nakakakilig naman yon. Nagkagusto siya saken hindi dahil sa looks kundi dahil sa attitude. Plus pogi points yun ah! :))
"Additional pa na maganda ka." -Siya
"Thanks. Ahm, Christian I have to go. Bye" -Ako
Nagpaalam na ko, kinikilig na ko e. Tss. Stop it Pat, Stop it! Loyal ka dapat kay Kristoffer Dale mo! Stop it, okey?