Let The Game Begin.

46 1 0
                                    

Dale's POV

Nakakatuwa naman dito sa party ni Tita Azzy. Hiwalay yung adults and teens. Pagkakataon ko na to para makatabi si Patrice. It's not that hindi kami nagkakatabi sa school ah, seatmates nga kami eh. Nakakainis lang kasi hindi ko sya makausap. Feeling ko kasi mauutal utal ako. #TorpeProblems

Ang ganda ganda nya ngayon. Nakapurple na dress tapos nakamessy bun yung hair. Ang cute lang tignan. :)))

Anyway, since hiwalay nga yung teens and adults, e humiwalay na ko kila Mama at hinanap kung nasaan si Pat. Syempre gusto ko magkatabi kami. :)) Kung sinuswerte ka nga naman, isa na nga lang yung available chair sa table nila tapos katabi pa ni Patrice. :)) Better hurry, baka maunahan pa ko ng iba.

Pagkaupo ko, parang nagulat si Patrice. Halatang halata na naiilang sya. Magha-hi nga sana ako eh, kaso lang pagtingin ko kay Ian ang sama na naman ng tingin sakin. Tss. Nauna kaya ko kay Patrice, hindi lang sya torpe pero nauna talaga ko!

After a while, biglang umingay sa table namin. Tss. Ako lang yung hindi kumikibo. Wala naman akong sasabihin eh. Kung hindi ko nga lang katabi si Patrice lilipat ako ng table eh. OP kaya ko sa kanila. -_-

Pasimple akong tumingin kay Patrice, grabe ang saya saya nya. Tawa sya ng tawa. Anong pinag-uusapan nila? Iyon most embarrasing moments daw. Nakakatawa naman kasi talaga yung iba, minsan nga tumatawa rin ako eh. :))

Kung ano ano eh. Yung isa nadulas daw sa MCDO. Yung isa naman na wrongsend daw sa crush nya (pero sinadya naman). Yung isa daw nabugahan ng coke yung nasa harap nya. Basta kung ano ano. :)) Haha.

Wow! May live band pa pala? Nice,  Syntax Error pa. :)) Habang nakikinig sa kanta, napatingin ako kay Patrice, enjoy na enjoy sya sa pakikinig. :)) Hay, ang ganda talaga! <3

Maya maya, biglang nagpaalam si Ian kay Pat. Yes! Pagkakataon ko na to para makausap si Pat. :))) Bakit ba kasi ang torpe ko? Tss.

Err! Hindi ako makatyempo, tawa kasi kami ng tawa. Hindi matapos tapos yung kwento ni Janella e. Pati ata embarassing moments ng mga kaibigan kinuwento na samin. Pero atleast nakakatawa naman. Hahaha.

*inhale*

*exhale*

*inhale*

*exhale*

*inhale*

STOOOOOOOOP!

Pero syempre joke lang. Ano yun papakamatay? Haha.

This is it. Kakausapin ko na si Patrice. Good Luck sa'kin. :))))) *cross fingers*

Paano ko nga ba sisimulan? Ano kayang sasabihin ko? Kantahan ko kaya? Ayoko, baka masintunado pa ko sa kaba eh. Eh kung mag-hi kaya ako? Baka sabihin kanina pa ko nandito bakit ngayon lang ako nag-hi. Magtanong kaya ko about sa assignment? Wala nga pala kaming assignment. Tss.

Nag-iisip pa ko ng strategy ng biglang kumanta si Ian ng "Siguro". Seryoso ba talaga sya kay Patrice at ginagawa nya to?! Ang nakakainis pa, yung lyrics ng kanta. Iyon yung nararamdan ko sa ngayon eh. Iyon na iyon... Kanta ko dapat to kay Pat eh. Tss. Naunahan na naman ako. Bakit ba kasi ang torpe ko?

Nakakabadtrip naman. Nagba-blush pa si Pat. Siguro crush nya rin si Ian. Tss. Wala yan! Kahit sinong babae naman kikiligin pag may lalaking kinantahan ka sa harap ng maraming tao eh. Pero malay mo crush nya nga? Hindi nga! Ang kulit mo naman.

Oh wait! Kinakausap ko yung sarili ko? Nababaliw na ata ko. Tss.

Ano ba naman oh! Hindi pa nakuntento si Ian sa titigan at kantahan nila. Lumapit pa talaga kay Pat tapos dinala si Pat sa stage. Tss. Agaw eksena! Yung mga tao naman nagtilian pa. Eh Hindi naman nakakakilig yung nangyayari! -,-

Mutual Feelings.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon