Dale's POV
Nakaka-curious naman kung sino yung sumisigaw. Kaboses talaga ni Pat e. Lapitan ko kaya? Aysh.
Lalapit...
Hihinto...
Lalapit...
Hihinto...
Aysh. Curiousity kills the cat daw kasi e. Lapitan ko pa kaya?? Oo na. Oo na. Hindi naman ako pusa e. Hahaha. Di ko ikakamatay to. OA!
Patrice's POV
OMG! Ganun ba nakakatulig yung sigaw ko at iniwan nila kong lahat? Grabe ah. G-R-R-R -_-"
1... 2... 3... TAKBOOOOOOOOOOOO!!
*Booogshhhhhhhh!!*
Aray! May nakabangga na naman ako! Grabe ang malas ko ah! :( :( :(
Kristine's POV
Pabalik na sana kami ni Sophie ng makita naming tumatakbo si Patrice paalis dun. HAHAHA! Iniwan siya ni Angela dun na parang t*ngang nagtatatalon.
We-we-we-wait! Makakabangga niya yung crush ko! Oh nooo! Nagkabangga na sila. :""<
Si Lloyd Christian R. Valdez, yung transferee ng class B. Yung lalaking sobrang tahimik daw sabi ni Angela. Hua Ze Lei ang peg? Hahaha. Balita ko crush niya daw si Patrice e. T.T
Tapos ngayon magkabangga sila? Tapos magkakausap sila? Tapos kukunin nya yung number ni Patrice? Tapos liligawan na niya si Patrice? NO WAY! Di ako papayag.
Dale's POV
Pagkadating ko sa place kung saan nanggaling yung sigaw. Wala namang tao. Siguro nakaalis na. Tsss. Di ko tuloy nalaman kung sino yung nagsisigaw na yun.
Umasa pa naman ako na si Pat yun. Umasa pa naman ako na may gusto siya sa'ken. Pero hindi ko naman nakita kung sino e. Malay mo si Pat pala talaga yun? :)
SANA. Kasi parang nagkakagusto na ako sa kanya. <3 May gusto na nga ata e.
*flashback*
2nd year ako nun. Katatapos lang namin magbasketball nang bigla akong sikuhin ni Louis.
"Pare, iyon yung crush ko oh. Si Angela" -Louis
"Sino dun? Yung nagba-volleyball? Yung magse-serve?" -Ako
"Ano ka ba Pare! Hindi iyon. Yung babaeng may hawak na hello kitty" -Louis
"Ah, maganda. Bagay kayo." -Ako
Hindi ko pa rin inaalis yung tingin ko sa babaeng naglalaro ng volleyball. Ang ganda nya.
*end of flashback*
Ang ganda ganda nya habang naglalaro sa court, yung pagtakbo nya, pagreceive nya, at pagpalo nya ng bola ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit maraming lalaki sa campus ang may gusto sa kanya. Pag pawis na pawis sya, imbis na magmukha syang madusing, nagmumukha pa syang mas maganda lalo sa paningin ko. Gustong gusto ko ngang punasan pawis nya e. Para sweet ;)
Tapos magte-thank you sya sa'ken. Then ide-dedicate nya sa'ken yung game nila na yun. Tapos magiging magkaibigan na kami. Then magiging mag-bestfriend. Then araw-araw na kaming magkasama. Tapos magkakagusto na ko sa kanya. Tapos aamin na ko sa kanya. Magiging mag-MU kami. Then liligawan ko siya. Tapos magiging kami. Then magde-date na kami lagi. Then papakilala ko na siya sa family ko. Tapos pupunta ko sa kanila kasi gusto daw ako makilala ng family nya. Tapos magpapakasal na kami. <3
Naputol yung pag-iisip ko ng happy ending namin ni Patrice ng biglang sumigaw si Kristine. Is she crazy? Ngayon ko lang siya narinig na sumigaw. Tahimuk lang yan e. Bakit naman kaya sumigaw yun?
Kristine's POV
"Patrice!!!!" -sigaw ko
"Pauleen!!!" -sigaw ko ulit
"Pat! Pat! Pat!" -sigaw ko pa rin
Medyo malayo pa ko sa kanila e. Hmp! Nag-eenjoy ata siya kausap si crush ah? Humugot ako ng malalim na hininga then sumigaw ng napakalakas.
"Patricia!!!!!!" -sobrang lakas na sigaw ko
Finally, humarap na siya sa'kin. Buti naman. Nag-gesture ako ng "tara na."
Dale's POV
Tinignan ko kung saan nakatingin si Kristine, at nabigla ako sa nakita ko. Si Patrice kasama si Ian. My childhood rival. Hanggang ngayon ba naman!
Hindi 'to maaari! Hindi ako pwedeng maunahan ni Ian kay Pat. Sht! Badtrip naman oh!
Am I too late? :'<
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Ang late late ng update ko. Sorry!