The Clumsy Runner :3

122 2 0
                                    

Patrice's POV

Monday morning...

*Ikaw na na na na* -alarm ko sa phone

Snooze ko muna. Maaga pa naman e. Di na kaya ko sanay gumising ng ganito kaaga. 6:00 pa lang, 7:30 pa naman pasok namin e. Lately kasi puro 10 or 11 na yung gising ko. What do you expect? Ganyan naman talaga mga students ah. Ine-enjoy yung tulog pagbakasyon. ZzzzzZzZzzzz!

After 10 mins.

*Ikaw na na na na*

Snooze ulit. Istorbo masyado sa tulog ko e. Kainis. Ang ganda pa naman ng panaginip ko. Hindi matuloy-tuloy! Iyon na e. Kakausapin na sana ko ni Dale :( ;( ZzzzZzzzZzz!

After 10 mins. ulit

*Ikaw na na na na*

Ang kulit naman ng phone na 'to! Ibabato ko 'to e. 10 more mins. I need some rest. Napagod ako sa paggala namin kahapon. Birthday kasi ni Angela, tapos kinausap kami (ako.sophie.kristine) ni Louis. I-set up daw namin sila Angela sa date kasi daw may surprise daw sya for her. Kalokaaaa! Taray ni bestfriend ;)

Nangyari kahapon...

So edi iyon nga, nagpunta kami sa mall kasi dun yung venue for their date. Sabi lang namin kay Angela is we'll treat her kasi tumanda na naman siya ng isang taon. Eto namang si bruha, game na game, libre e. Hahaha! Nung nasa mall na kami, kumain lang kami sa sbarro tapos naglakad lakad, hanggang sa naisipan naming 4 na magbasketball sa TIMEZONE. :D

So far so good! Then isa-isa na kaming nagpaalam. Si Sophie sabi iihi lang daw sya. Si Kristine naman sabi pinapauwi na daw sya ng Mom nya kasi aalis daw sila. Edi kaming dalawa na lang ni Angela dun sa TZ. Tumakbo ako kasi wala kong maisip na alibi, HAHA! Tinext ko na lang sya kagabi, sabi ko sumasakit yung tiyan ko. :P Di naman magagalit yun, if I know. Magpapasalamat din yun sa'ming tatlo. :)

Pagkaalis naming 3, tinext ko agad si Louis. Sabi ko nasa TIMEZONE si Angela. Tapos iyon, gumala na lang kaming 3 sa kabilang mall baka kasi makita kami ni Angela kung same place yung date nila sa gagalaan namin e. Sayang naman kasi yung mga outfit namin kung di kami roronda. Pangrampa pa naman yun, gaganda e. :P

Back to reality (as in yung nangyayari sa'ken ah, hindi yung kwento ko about sa kahapon)

OhMyGoshhh!! Hindi ko napindot yung snooze button. Hala! Hala! 6:45 naaaaa. Asaaaaar. Ang tagal ko pa naman mag-ayos. Naku naman. 1st day na 1st day male-late ako? No freaking way! Hmmm... Kelangan ko magmadali ngayon, bibilisan ko muna kilos ko.

>Hilamos.Kain.Toothbrush.Ligo.Bihis.Pulbos.Suklay<

Violaaaaa! I'm readyyyyy! :) Tingin sa salamin. Pacute ng konti. Smileee :) :)

Oooppppsssss! 7:15 na pala. Kinuha ko na yung bag ko then nagpaalam ako sa parents ko. Hinatid ako ng driver namin sa school kasi nga medyo late na daw ako sabi nila. Usually kasi 7:00 ako umaalis ng bahay, nagba-bike lang ako papuntang school e.

Dumating ako sa school ng 7:20. Edi takbo ko, takot ko lang na malate. Terror teacher namin sa Physics e. Creepy! ""_""

Malapit na sana ko sa may building ng classroom namin ng bigla akong nabangga ng lalaking tumatakbo din.

'Hmmm. Sino naman kaya 'tong tatanga-tangang lalaki na to?'

Tumayo ako agad then tinignan ko yung bobong lalaki. Asar e, kitang nagmamadali ako tapos mambabangga pa. Hmp!

Pero nung nakakita ko yung lalaki bigla akong naconcious sa hitsura ko. Guess what?

Si Kristoffer Dale Manansala lang naman yung nakabangga sa'ken. Yung galit ko kanina biglang napalitan ng kilig. Is this true? Gising na ba talaga ko? >///<

Natauhan lang ako nung nagsalita na sya.

"Sorry Miss" -Dale

And after that, umalis na sya. I was left there speechless. Kayo ba naman makabangga yung taong pinapangarap nyo. Well, sya kasi yung "APPLE OF MY EYES, MAN IN MY DREAMS and LOVE OF MY LIFE". Siya nga yung dahilan kung bakit dito ako nag-aral e. Wala lang, para madaling makasilay. Ahe :">

Then biglang nagring yung bell. Dun lang ako bumalik sa katinuan. Ibig sabihin kasi nun 5 mins. na lang 7:30 na. Tumakbo na naman ako, and this time nakarating na ko sa classroom ng safe. :)

-next chapter is coming soon

Mutual Feelings.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon