Chapter 10:

14 1 1
                                    

Enzo's POV

Kanina pa iyak ng iyak sila Jane. Nandito kami ngayon sa apartment ni Christine. Malapit lang kase ang apartment nya sa apartment ni Thomas. The police are still investigating.

"Grabe.. Kung makita nyo lang kung anong itsura nya kanina! Oh god.. Thomas.." Hagulgol nito. "Jane....." Awang sabi ni Lena. Isa si Jane sa pinaka sensitive saamin. Sobra siguro talaga ang dinanas nya..

Pumasok si Rachel at Christine na may dalang mga tray. Binigyan nila kami isa isa ng kape.

Tahimik na tinignan ko ang kape ko. Antok na antok na ako.. Alas dos narin kase ng madaling araw at wala pa kaming tulog. The warmth of the coffee mug felt nice. I don't even know if I want to drink it or hahayaan ko nalang mahimatay ang sarili ko para kahit papaano ay makatulog naman ako.

After debating with my self, I decided na inumin nalang ang kape. The warm liquid travelled from the mug to my mouth, my throat and down to wherever it was supposed to go. Ramdam na ramdam ko ang pagdaloy nito sa katawan ko. Somehow, it made me feel calm.

Ilang sandali pa ay kumalma narin si Jane. Humihikbi parin ito dahil sa paghagulgol narin siguro ng ilang oras.

"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ni Edmar. Tinignan ko lang sya. "Anong "anong gagawin natin"? Sa tingin mo may magagawa tayo? Kung ang mga pulis nga ay hindi ma-trace ang putanginang killer na yan eh, tayo pa kaya? Bobo ka ba, Mar?" Iritang tanong ni Kenneth. "So anong gusto mong gawin? Tumunganga tayo at antayin kung sino ang isusunod ng killer na yan?" Tanong pabalik ni Edmar. Sasagot pa sana si Kenneth ngunit pinilit na lamang tumahimik at inis na umirap.

"Red Rose. The killer's name is Red Rose." Sagot ni Hide. Nagpakawala ng sarkastikong tawa si Miguel. "Nice. Ano to? Isang fairytale? Anong sunod? White Snow? Puta." Parang gustong maiyak na gustong mangbugbog ni Miguel. He balled his fist at kinagat ito para narin siguro pigilan ang sarili na may masabi pang kung ano na makakapagpalala ng sitwasyon.

Kinakain nanaman kami ng isang nakakarinding katahimikan. Ang sabi ni Jane ay bigla na lamang daw bumula ang bibig ni Thomas. May malaking tyansa na nalason si Thomas. Hindi man ako isang medical student pero alam kong lason lang ang pwedeng maging dahilan noon. Pero sino? Ang sabi ni Hide ay nasa hospital daw sila nila Jane ng biglang magyayang umuwi si Thomas. Sinamahan ito ni Jane.

Lena also mentioned something about a sleeping pill na gustong ibigay ni Jane kay Thomas. Sinabi nya ito ng magpaalam na ihahatid si Thomas.

Agad na napunta ang tingin ko kay Jane.

Paano kung si Jane ang dead student?
Paano kung sya ang pumatay kay Thomas at nagpapanggap nalang ngayon? Pero bakit? Anong dahilan nya? Sa sitwasyon namin'g ito ay mahirap ang magtiwala sa isa't isa. Lalo na't may kasama kaming taong hindi dapat naririto ngayon. Isang patay na istudyanteng bumalik sa libingan? Parang pang horror movie lang ang dating. Ang nakakatawa pa ay ang sabi nila "kailangan natin ang isa't isa ngayon" kung kailan isa sa amin ang pwedeng maging killer. Maybe that killer is inside this room right now. Kasama namin na nagkakape? It could be anyone. Ang hindi lang naririto ay si Kervince na hanggang ngayon ay hindi parin nakakarecover. Tila mas lalo lang syang lumalala bawat araw na lumipas simula ng maaksidente sila ng kapatid nya. May hinala narin akong malapit na itong mabaliw. Napaparanoid na nga ito at sinasabing lagi daw may nagmamasid sakanya at sa gabi ay naroroon daw ang taong iyon sa kwarto nya, minamatahan sya. Siguro ay natrauma lang si Kervince at nashock dahil sa pagkawala ng kapatid nya.

Teka..

Pero kung tutuusin, pwedeng nagsasabi ng totoo si Kervince... Maaari nga kayang itong Red Rose na ito ay gabi gabing pinupuntahan si Kervince sa room nya? Bakit kaya? Para takutin ito? Grabe na ang ginawa nila sa kapatid nyang si Kyle.. Tao pa kaya itong Red Rose na ito? Isa syang walang pusong halimaw!

"Hindi ko na kaya.... Hindi ko na kaya... Uuwi na ako." Lumuluhang sabi ni Lena at naglakad palabas ng pinto.

"Lena.." Mahinang tawag ni Michiko na kahit wala sa magandang kalagayan ay pinili paring sumama saamin dito. "I'm sorry.. I just... Can't.." Halatang mabigat ang damdamin na sabi nito. She looked so broken and as if about to break down at any moment. Ang mga babae talaga, napakagaling iexpress ang feelings nila. Madali para sakanila yung umiyak kapag sobra na.. Samantalang kaming mga lalaki? Ni hindi nga kami marunong magexpress eh. Sobra sobra na rin itong nararamdaman ko pero not once did I let myself cry. Hindi sa pinipilit kong magpakatatag.. Hindi lang talaga ako magaling pagdating sa pag express ng feelings ko. I haven't cried ever since my mom died when I was 12 years old.

"Lena." Tawag narin ng mga babae. Susunod na sana si Claire pero pinigilan ko sya. "Ako na." Mahinang sabi ko. Isa rin siguro itong excuse para makalabas sa nakakasuffocate na kwartong ito. Kailangan kong makalabas kahit panandalian lang or baka mamatay ako dito.

Tumayo ako at hinabol si Lena.

"Lena.. Sandali." I called out at hinila ang kamay nya. "Please Enzo.. I really want to go home!" Pagiyak nya. Wala akong nagawa kundi ang yakapin na lamang sya. Nakakaawa na kase talaga syang tignan.

Ilang sandali rin kaming nagyakap bago ko sya pakawalan. Nagulat na lang ako ng makakita ng lalaking nakatayo sa likod ni Lena. Bago ko pa sya muling hawakan ay sinunggaban na agad ng lalaki ang bibig ni Lena at hinila ito palayo. Agad naman na nakaramdam ako ng sakit sa bandang batok ko. Nanghina ang mga tuhod ko at napalupasay sa sahig dahil sa hilo. Nagsimulang dumilim ang paningin ko at ang huling nakita ko ay ang pagpiglas ni Lena sa lalaking nakahawak sakanya bago ako mawalan ng malay.

Class Reunion: Section RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon